C6.

4.5K 146 0
                                    

03-19-17

-Lillianna-

Maaga akong nagising ngayon, ay oo nga pala tinuro samin kagabi yung dorm naming apat! Dahil mukang naawa samin nung makita kami ni Rebecca na natutulog dun sa clinic.

Nakita kami ng isa sa mga tagapagbantay ng school nato at nireport ito sa head ng school buti na lamang, dahil kahapon hanap kami ng hanap kung nasaan ang office nito.

At nabigyan kami ng dorm pansamantala, para may matulugan daw kami. Pero kapag nag-enroll daw kami mapapasaamin ang dorm.

Pero hindi kami pumayag kasi uuwi rin naman kami. Kaso hindi namin alam ang pauwi kaya baka hinahanap na kami ng mga magulang namin.

May kasama pala kaming isang babae na magisa dito sa dorm nato. Pero dahil magisa lang sya pinagsama-sama nalang kaming lima nung tumulong samin.

Ano ba yung sinasabi ko? Ah! Ayun maaga akong nagising para ipagluto sila kasi nakakahiya naman diba, kami na nga yung nakikidorm.

Pero naguguluhan parin ako hanggang ngayon. Ano bang nangyayari samin? tinitigan ko yung leeg ko gamit ang salamin at palad ko pati narin yung braso kong may nakaukit na dragon na pinalilibutan ng dilim at sa labas ng dilim merong limang elemento.

Andyan na daw iyon simula pa nung napulot ako ni mama.

"Anong oras palang Lillianna! Ang aga aga mong magising!maawa ka naman samin"-napahinto ako ng marinig ko ang boses ni Kailee at mga yapak nila pababa sa kwarto, kaya mabilis kong naitago ang salamin.

"May tili-tili kapang nalalaman"-dagdag pa niya.

Ayun isa-isa silang na baba sa taas kasi yung dorm namin mala pintuan lang sa labas mukhang bahay pala sa loob!

"Kasi naman inaaway ako nung mantika!"reklamo ko sakanila, totoo naman kasi. Nakakairita kaya mapaso.

"Ewan ko sayo."-Kailee.

Nakalimutan kong sabihin yung pangalan nung kasama namin dito sa dorm, kaso nakalimutan ko na.

"Ahm, ano nga ulit pangalan mo?"-Tanong ko sakanya.

"Nakalimutan nyo agad?"-natatawa niyang sabi samin habang umiinom ng tubig.

"Pasensya kana pagod kasi kami tsaka inaantok na nung makapunta kami dito."-ako.

"Tama"-pagsangayon sakin nila Janelle.

"Paige"-maikli niyang sagot.

Ah! Oo si Paige pala! Nakalimutan ko.

"Ah magpapakilala nadin kami, hindi kasi kami nakapag pakilala sayo eh, napagod kami kagabi na kakasabi lang ni Lillianna, ni hindi ka nga namin napansin."-Janelle.

"Go ahead, nakikinig ako"-sabi ni Paige na nagtitimpla ng kape niya, habang pinapanood lang namin siya habang kakahain ko lang ng pagkain.

"Janelle."-ngiti ni Janelle sakanya.

Inalok naman kami ni Paige nung kape niya, pero tumangi kami kasi hindi kami nainom ng kape.

"Kailee."-ngiti rin sakanya ni Kailee.

"Rebecca."-Rebecca.

"At ako naman si Lillianna"-huli kong sabi.

Malawak ang ngiti namin sakanya habang nainom sya ng kape.

-Paige-

What's with them? May nararamdaman akong enerhiyang nanggagaling sakanila!
Pano ko naramdaman? Alam kong galing sila sa kabilang mundo, walang iba kundi sa mundo ng mga tao. Pero bakit? Hindi ko maintindihan ang sitwasyon ngayon.

The Pranshie Academy:The Lost Princesses(On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon