Nakarinig ako ng ingay na mula sa mga bruhang nag hulog sa'kin sa pool nakita kong isa sa mga bruha ay sinasabunutan ni Mika. Inaawat na siya ni Enzo pero ayaw pa din nitong papigil.

Aakma sana ako sa paglalakad para tulungan si Mika pero bigla naman akong hinawakan sa bewang ni Scott.

"Bitawan mo 'ko!" I told him.

"No! Dito ka nalang, paaalisin ko na sila."

Nag lakad siya papalapit sa kanila tsaka naki awat si Scott kay Mika mula sa pagkakasabunot nito sa isang bruha.

"Umalis na kayo!" Pagtataboy ni Scott sa kanila.

"Scott hindi naman namin alam na hindi siya marunong lumangoy." Pagpapaliwanag nung sinabunutan ni Mika.

"Wala akong pakialam! Umalis na kayo! 'Wag na 'wag na kayong lalapit kay Koko. Kung hindi, lagot kayo sa'kin!" He warned. "ALIS NA!" Pasigaw na sabi ni Scott na ikinagulat nila.

Nag madali silang mag si-alis ang nga bruha tsaka naman lumapit sa'kin si Scott, ganun din si Mika.

"Are you okay?" Pagaalala ni Mika.

"Yah! I'm okay, don't worry."

"Bwiset talaga! Kung 'di lang nila ako pinigilan kinalbo ko na isa-isa 'yun eh!"

"Calm now Miks, Sweetie is fine." Scott said.

She groans angrily. "Hindi ko mapigilan ma-bwiset sa mga 'yun! Mga panira ng gabi! Bwiset!"

"Ayos na 'ko." I reassured to her. Inabot ko nalang sa kanya 'yung kamay ko. "Pahiram ng susi sa kotse, kukunin ko 'yung bag ko. Mag bibihis lang ako."

"Are you sure, ayos ka lang?" Tanong niya ulit.

Tumango ako bilang sagot.

Inabot niya sa'kin 'yung susi ng kotse niya tsaka ko naman sinimulan ang mag lakad.

"Samahan na kita, Sweetie."

Sumabay sa'kin si Scott sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa labas ng bahay. Dumiretso ako sa kotse ni Mika at kinuha 'yung bag na dala ko. Buti nalang pala talaga nag dala ako ng gamit kung hindi uuwi ako ng basa.

Tsk. Bwiset talaga!

Pagkakuha ko ng bag ko kinuha din naman agad sa'kin 'to Scott at siya ang nag buhat.

"Ayos ka lang ba talaga?" Tanong niya.

"Medyo badtrip pa din pero, Oo ayos lang."

Hinawakan niya ang mga kamay ko at hinalikan ito pareho. "Don't worry, hindi ka na malalapitan ng mga 'yun."

"Salamat nga pala sa tulong kanina."

"Hindi mo kailangang mag pa salamat, Sweetie. Ililigtas kita sa kahit anong paraan na kaya ko."

"So feeling mo si Clark Kent ka na niyan?"

He laughed. "Medyo."

Hinila na niya ako papasok ng gate, dumiretso kaming dalawa papasok ng bahay at... sobrang laki talaga nito. Tuloy-tuloy lang ang pag hila niya sa'kin hanggang sa umakyat kami mula sa second floor.

Pag akyat namin dumiretso kaming dalawa sa isa sa mga kwarto at pag pasok namin inilibot ko agad ang tingin ko dito. Kwarto siguro niya 'to. Tingin ko lang, dahil hindi naman niya 'ko dadalhin dito kung hindi at tsaka pang guy ang kulay ng room at design.

"Kwarto mo 'to?" Tanong ko.

"Yup! Dito ka nalang sa bathroom ko mag bihis." Inabot niya sa'kin ang bag ko tsaka ko naman sinimulang mag lakad papasok ng bathroom niya.

I Kissed The Playboy..Where stories live. Discover now