Chapter 47

990 27 0
                                    

Christian's PoV

1 week ago...

THE COMPETITION DAY..

Nagising na ako ng kusa, walang alarm alarm. Walang nanggising. Pagkakita ko sa orasan ay 8 in the morning pa lang.

Tumayo na ako sa kama at dumiretso sa cr para maghilamos.

Wala kaming pasok, only contestants and audiences lang ang pupunta mamayang 3p.m.

"Aga yata natin ngayon ha?"

"Ay palaka!" sigaw ko

"Ano ba yan? Kalalaking tao magugulatin" natatawang asar ni Matt

"Ano ba kasing malay ko na may tao pala diyan" sabi ko

"Sus, anyways ano yang niluluto mo?" tanong niya pa

"Pagkain" pilosopo kong sagot

"Psh! Korni mo! Ano nga?"

"Itlog para sa'yo" natatawa kong sagot

"Hahanda lang ako ng kape" sabi ni Matt na tinaguan ko lang. Hindi pa gising si Jayvee at Rafael kaya hinanda na rin namin' dalawa ang pagkain at ang mga plato.

******

Alas dos na kaya sumakay na kami sa van. Ako ang nagdadrive habang si Ash ay nasa Passenger seat.

Bago ko paandarin ang sasakyan ay hinawakan ko ang kamay niya "Are you okay?" I asked

"Y-yes, kinakabahan lang" sagot niya sakin. Since hindi ko pa nasususi ay lumapit muna ako sa kanya at hinalikan siya sa noo.

"Are you okay?" tanong ko ulit

"Yes, I'm okay" ngiti niyang sagot sakin.

"Paandarin mo na, lalandi pa eh" natatawang sabi ni Fael. Wala pa rin siyang pagbabago epal pa rin samin' tatlo, pero infairness after all his shits mas naging sweet siya kay Franchesca.

Pinaandar ko na ang sasakyan..

Mga 2:50 na nang makarating kami sa riverside. Sa riverside nakatayo ang gym ng school. Ito yung pangalawang gym, yung unang gym ay nasa loob ng University.

Nang makapasok kami sa gym ay mga malalakas na stereo ang maririnig sa loob at ang party lights.

"Babe kinakabahan talaga ako" sabi ni Ash na naka-kapit sa braso ko, inalis ko ang pagkakayakap niya sa braso ko at inakbayan siya kaya yumakap naman siya sa katawan ko.

"Wag ka ng kabahan, babe. Nandito lang ako sa tabi mo." sabi ko sa kanya sabay halik sa may temple niya.

"Dito ka lang ha? Wag mo akong iiwan" utos niya

"Yes, babe. Hindi ko hahayaan na matakot ka, hindi ko hahayaan na kabahan ka, at mas lalong hindi ko hahayaan na masaktan at umiyak ka. " sabi ko

Sa sobrang dami ng langgam na gumagapang sa sahig ay dinala na kami sa may backstage kung saan nando'n ang mga iba pang kasali at pati na rin si Ms. Agatha.

Saktong sakto ang dating namin, nag-aattendance na si Ms. Agatha.

"The 4Cs?" tanong niya na sabay sabay namin' sinagot ng

"WE'RE HERE MA'AM!"

"Okay, in a few minutes we will start the Competition." sabi niya.

Maayos naman na kami, maayos na ang damit, ang buhok ng girls at ang buhok namin.

Nakasuot kami ng white v-neck shirt na may nakalagay na THE 4Cs at nakapatong sa shirt namin ang black blazer. Meron naman nakakabit sa tshit na parang kwintas na kadena, at ang pangbaba namin ay black na pants at ang sapatos namin na umiilaw pa. Meron din' nakakabit na glow in the darks sa katawan namin.

The Four Bad Girls and Boys 2 "LABAN O SUKO?"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon