Chapter11

1.2K 43 0
                                    

Xyrelle's PoV

Nagising na ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Tumingin ako sa paligid ko pero wala na akong katabi, naalala ko tapos na pala ang lokohan namin ni Matthew Alonso.

Humarap ako sa salamin. Mukhang ilang oras akong umiyak, maga pa rin ang mata ko. Ano ba ito?!!

Lumabas na rin ako ng kwarto para makapag-almusal kung mayroon man.

"Good---" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang makita kung gaano katahimik ang pito.

"Umupo ka na." utos ni Chris

Nakaramdam ako ng awkwardness sa atmosphere sa kusina. Punyemas! Hindi ako sanay na ganito kami magbabarkada eh.

"Alis muna ako" paalam ko. Hindi ko na hinintay pa ang sagot nila at lumabas na ako ng bahay.

Naglakad lakad lang ako dito, sa may gawi papunta sa store.

Hindi ko alam kung tama ba yung ginawa kong desisyon eh. Hindi ko alam kung bakit ko nasabi ang mga salitang 'yon. Tanga na ba ako? Naging tanga ba ako? O sadyang pinanganak talaga ako na tanga? Pfft. Naguguilty ako, hindi ko alam kung bakit ko talaga ginawa yun.

Pumasok na ako sa store at bumili ng pagkain na luto na doon.

"1 Egg with rice po and 1 coffee" sabi ko sa cashier

"300 po Ms." sa pagkasabi niyang iyon, kinuha ko na ang wallet ko at binayaran na ang binili ko, paplastic niya na sana kaso pinigilan ko siya

"Wag na po Miss, dito na.lang po ako kakain, may malaking problema kasi kaya dito na lang ako kakain salamat." ayan ang daldal ko nanaman

Pumunta na ako dun sa isang table kaso may tao, kaya wag na lang. Inikot ko ang paningin ko kaso puro occupied. Jusmeee!! Ang aga pa kaya para mapuno yung store na 'to.

Wala na akong choice, gutom na ako.

"Pwede maki-sea---" naputol ang sasabihin ko ng makita ko siya. Yes! He is! Siya nga!! "Bakit nandito ka Antonio?" tanong ko

"Masama ba na mapadpad dito, ano bang malay ko na nandito ka pala" sabi niya habang natatawa tawa

"Hindi naman, anong pakay mo dito?Ngayon na lang ulit kita nakita ha?" sabi ko habang binubuksan ang pagkain na binili ko

"Nag-migrate ako sa Italy eh, since nangyari yung away namin ni Chris" at kasabay nun ang pagkawala ng ngiti sa mga labi niya

"Oh? Anong awra yan?" tanong ko sabay ngisi

"Wala hahaha, kumain ka na nga diyan. Wala ka talagang pagbabago ang daldal mo pa rin. " sabi niya sabay tawa ng mahina "Kamusta na pala kayo ni Matt?" tanong niya na nagpatahimik sa mundo ko

"Ah-- eh, hmm--"

"Ano? wala na kayo no? Sabi naman sayo eh, walang forever" sabay tawa nanaman niya. Namumuro na sakin 'to ha? Makakasapak na ako ng Antonio Gonzales >_____<

"Ako kasi nakipagbreak, nanawa ako ay hindi pala nawalan na ako ng tiwala"

"Ikaw talaga, 'yang utak mo hindi mo ginagamit! Ang tali-talino mo tapos hindi ka nag-iisip ng maayos. Itapon ko kaya sa'yo yang kape na iniinom mo"

"ako kaya magtapon sa'yo ano? Hindi mo pa nga alam istorya eh" sabay taray ko

"Oh sige dahil madaldal ka kwentuhan mo na lang ako"

"E, ayoko nga. Maiyak pa ako"

"Edi patatahanin kita, si Ashley nga napatahan ko noon. Ikaw.pa kaya" sabay ngisi niya

The Four Bad Girls and Boys 2 &quot;LABAN O SUKO?&quot;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon