Chapter 09

1.2K 34 0
                                    

MATTHEW'S PoV

Dali dali na akong bumaba ng kotse ni Kailey. at sinara agad ang pintuan at tinap na ang kotse to give her a sign na umalis na.

"Ang tagal mo!! Nakakainis ka kanina pa ako gutom. Kanina pa kami gutom" sunod-sunod na pahayag ni Xyrelle

"Daldal mo talaga, kasi ganito yun. Una napatagal ako kasi, may parang sumusunod sa akin so, nilito ko siya, umikot ako kung saan saan para iligaw siya. tapos pangalawa ang layo kaya ng inikutan ko,malayo sa store. tapos pangatlo ang haba ng pila sa store. Tas ayun.Tara pasok na tayo" Sunod-sunod kong sagot sa kanya.Such a fvcking liar Matthew you're a Fvking Liaaaar!!

Arrgghh. hindi ko naman ginusto na magsinungaling eh. Ayoko lang na masaktan siya, kasi kinakausap ko pa si Kailey at ang mas masakit pa dun e, we kissed, a fvcking deep and passionate kiss.Damn it! Matt!! You are a Liar!! Ang sakit pala nun sa pakiramdam. Feeling ko nagpapalpitate ako sa ginawa ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko, feeling ko lalabas na yung puso ko.Sheeeeet!! Mattheeeeeewwww!!! Is that you? Hindi kita nakilala sa ginawa mooo! Nakakaguil--- AY PUSANG ITIM NA KINALBO NAGING PUTI!!

"MATTHHHTHHHEWWWW!!!" sigaw sakin ni Christian

"Anooo?bakit ka sumisigaw? Magkalapit lang tayo naninigaw ka!" pabiro kong sabi sa kanya

"Kanina pa kasi tinatawag ayaw magsalita" sabay irap ni Ashley. Ang taray taray talaga ng babaeng 'to

"Ah---eh ano kasi ahmm.. Sorry na" sabay ngiti ko sa kanila

"Tara na manood na kasi tayo. ang dami niyo namang daldal diyan!!" pagtataray din ni Xyrelle kaya bigla ko siyang inakbayan.

"What's the problem?" tanong ko

"Nagtatampo lang naman, kasi ang tagal mo kasi gut---"

"Kasi gutom ka na? Dapat tinatawagan mo ako edi sana nakipagsiksikan ako sa pila dun. Wag ka na tampo diyan" and then I kiss her on her forehead and she smiled at me and pinch my nose "Arayy! hilig mo mangurot ng ilong, matangos na! Wag mo na patangusin pa" pagbibiro ko

"Sorry, namiss lang kita"

"I miss you more"

"Anong i miss you? e, wala pa kayang araw yang pag-alis mo Matthew" singit ni Fael. Bwisit talaga 'to kahit kailan eh. Babatukan ko na 'to eh

"Alam mo! Ang eeeeeepal mo talaga" sabi sa kanya ni Chesca habang pisil pisil ang tenga ni Fael

"Aray-a-a-aray ko naamaaan!!" react ni Fael

"Magtino ka kasi, epal ka ng epal sa kanila eh" sambit ni Chesca sabay hampas kay Fael na ikinatawa ng barkada.

*****

Alauna na rin ng matapos namin ang pinanood namin. Nakatulog si Xyrelle kaya hindi ko na siya ginising at binuhat na lang papunta sa room namin.

Ihiniga ko na siya at tsaka tumabi.

Hindi pa ako inaantok, nilalamon na naman ako ng konsensya ko. Lintek naman kasi eh!! How did you do that Matthew? How? Tell me how.

Tumingin na lang ako sa kisame at nagmuni muni.

Hindi ko na alam ang gagawin ko, siguro tama na munang ilihim ko 'to ay hindi mali!! kailangan ko talagang sabihin 'to, para sabay kaming lumaban. Pero hindi!!! Maliiii. masasaktan lang siya. Aiish! Put* hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko, hindi ko alam kung sasabihin ko ba. Ay hindi!! Pwedeng sa barkada ko na lang, matutulungan pa ako. Ay kaso wag na lang, magalit pa sakin yung mga 'yon. Letche talaga!! Ano ba gagawin ko? Dapat ko bang sabihin o dapat ko na lang ilihim? Lintek naman talaga oh!! Ano ba naman kasi pumasok sa utak ko para kumagat sa halik ni Kailey? Tanga mo naman Matt! Nag-iisip ka pa ba? Aiish!! Ano ba nangyayari sa akin? Ba't ganun ganun na lang kadali yung ginawa ko? Parang wala akong girlfriend sa inasal ko!

The Four Bad Girls and Boys 2 "LABAN O SUKO?"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon