"What do you mean?" tanong sakin ni Charlene.

"Nothing, and girls. You need to be train again," sabi ko sa kanila.

Bihira na lang sila lumaban simula ng nakapagpamilya sila kaya alam kong kailangan nila ulit ng training.

"Sino naman ang magtetrain samin, Unnie?" tanong ni Chrystal.

"Ako. Bukas natin simulan, may ipapakita rin ako sa inyo," sabi ko.

"Ang daya! Ngayon na!" nakapout na sabi ni Jashiel.

Tignan mo tong mga to, parang mga walang problema sa pamilya. Pero alam ko rin na kahit ngumingiti sila, di pa rin naaalis ang sakit.

"Tomorrow," final na sabi ko. Napasimangot lalo si Jashiel.

.

Nakita ko naman ang mga bata sa garden, naglalaro. Start na ang training nila ngayon pero mukhang nauna pa atang magising ang mga anak nila kesa sa kanila.

Pumasok ako sa kwarto ni Abby nang walang katok katok. Buti na lang at malaki ang napagawa kong bahay kaya maraming kwarto na pwede nilang tulugan.

Kumuha ako ng daggers at pinatama iyon sa braso ni Abby. Agad naman siyang naalerto at bumangon at sinalo ang mga hinahagis ko.

Natamaan pa rin siya sa braso.

"Ouch, what was that for?" inis na singhal niya.

"Just waking you up," tipid na sabi ko sa kaniya.

"By throwing me daggers?!" gulat na tanong niya.

Psh, parang dati lang, sisiw pa sa kanya to ah. Humina ang reflexes nila. Mukhang mapapasabak ang mga 'to sa matinding training ulit. Yung skills nila, nakatulog na at kailangan gisingin ulit.

"Yeah," blankong sabi ko.

"Aish! Okay okay! Marami dapat akong kainin mamaya, sinugatan mo ako!" sabi niya habang nakasimangot.

Umalis ako ng kwarto niya nang walang paalam at sinunod ko ang kwarto ni Charlene.

Kinuha ko ang dagger na isa at pinatama sa braso niya. Sa braso lang kasi may training pa sila. Pero maganda na rin sugatan sila agad lalo na para hindi mabigla ang mga katawan nila mamaya.

"Wake up," sabi ko at umalis na.

Plano ko lang naman na sugatan ang mga braso nila. Ang tagal na din simula ng masugatan sila kaya, gusto ko maranasan ulit nila. Sama ko ba? Well, para naman di sila manibago.

Mamaya, konting sugat lang mahimatay na yang mga yan.

"Ziana!" rinig ko pang sigaw niya pagkalabas ko.

Sinunod ko ang kwarto ni Celle at mabilis ko siyang dinaplisan ng katana sa braso.

"Aww!" daing niya. Umalis na ako roon, panigurado namang gising na yun.

Sinunod ko ang kwarto ni Chrystal. Hinagisan ko siya ng dagger at umalis na.

Sunod naman kay Steph. Kinuha ko ang baril ko na may silencer at mabilis na pinadaplisan ng bala ang kabilang braso niya.

Umalis ako agad pagtapos at sinunod si Jashiel.

At dahil mabait si Jashiel, may awa pa naman ako kaya gigisingin ko siya nang hindi nasusugatan. Naawa rin naman ako dahil puro pasa ang isang 'to.

Kumuha ako ng isang tabo na may lamang tubig at bumalik sa kwarto niya. Binuhos ko sa kanya yung tabo. O diba, di siya nasugatan.

Pasalamat pa siya, tinulungan ko pa siyang maligo -_-

"Waahhh!" sigaw niya dahil sa lamig. Umalis din ako roon nang walang paalam.

Last ay kay Alex.

Pumasok ako sa kwarto niya at hinagisan siya ng dagger pero as I've expected, nasalo niya yun at binalik sakin pero di niya naiwasan ang pangalawa kong tira.

"Good Morning ah!" sarcastic na sabi niya.

"Bad Morning," nangaasar na sabi ko at umalis na.

Naabutan ko silang may mga benda sa dining hall at nakasimangot maliban kay Jashiel na nakajacket lang.

Sobrang aga pa kasi pero ewan ko sa mga anak nila at ang aaga magising nandoon na agad sa garden para maglaro. Samantalang yung mga nanay kailangan pang sugatan at buhusan ng tubig para magsigising.

"Mommy, what happened? Are you cold? Let me hug you," sweet na sabi ng anak ni Jashiel na si Luke at niyakap si Jashiel.

"Mom, what happened to your arms? Omo! Why did you use may pink handkerchief?" tanong ni Stephie kay Steph.

"Akin kaya to!" sabi naman ni Steph ng akamang kukunin ni Stephie sa braso niya nag pink handkerchief nito.

Pagkatapos ng breakfast nila, yes sila lang. Pumunta na kami sa training room.

Oras na para puruhan ang mga 'to. Hindi naman ako mahihirapan dahil gigisingin ko lang naman ang natutulog na halimaw sa loob nila. Matagal na nahimbing, ngayon ang oras para gisingin ulit.

Sana lang, mabilisan nilang magising ulit ang halimaw sa loob nila. Dahil kakaunti lang ang oras namin para sa ganitong bagay at kailangan na naming kumilos agad.

...

The New Mafia Empress [COMPLETED] Donde viven las historias. Descúbrelo ahora