Day 8 - Daniel's note

831 11 11
                                    

7:29 AM. This is my 8th day of being with Daniel. I should be happy right? Kasi this is once in a life time experience lang to. Hindi lahat ng fans na gaya ko ay may chance to be with Daniel nang gaya nito.

Tok

Tok

Tok

I knocked three times, but wala. Maybe he got angry because of what I said. And so? Galit naman talaga siya akin on the first place eh.

I knocked again. Pro wala parin. 7:45. No response or sign of a living creature inside his room. OMG! Di kaya???? Nag suicide? Tinakbo ko ng walang isang minuto ang hagdanan and headed to the front desk. Chineck ko ang log book ng mga guests namin, pati ang IPAD kung saan nandun ang lahat ng mga infos about our guests.

But wala. Finally I asked Rhea. Sila kasi ni Jen and assigned sa front desk tuwing summer. Kasi yung mga original na employees pinagseseminar ni ninong sa Singapore para naman ma upgrade ang knowledge nila about Hotel Management.

"Rhea! Nag check out na ba yung guest natin sa C7?" tanong ko sa kanya.

"Relax lang Jan! You mean si Daniel?" tumango nalang ako sa kanya. Halata ba sa mukha ko ang worry?

"Nope, not yet. Actually, he asked Jen earlier to give him a ride patungong bayan." ahh, bakit si Jen? Puede namang ako ah. So si Jen na ang gusto niyang maging Personal Maid? Well. Fine.

Tatalikod na sana ako without any word, when Rhea called me. She smiled.

"Jan! Kung hindi lang natin alam lahat na he's so into Kathryn sa real world, puwede akong maniwala na he's in love with you." gaga talaga tong si Rhe sa sobrang kakanood ng romantic movies pati ako napagdiskitahan.

"He left you a note." sabay bigay sa akin ng nakabukas nang sobre.

"Teka bakit nakabukas to?" tanong ko sa kanya. She was blushing.

"Of course! Since Enrique! Ngayon ka lang  ulit nag blush at naging masya na ganyan. Dapat updated ako girl!" sabi niya. Napakapakialamera talaga ng kaibigan kong to.

"And wag kang magagalit kay Jen! She's after Nathan not Daniel!" pahabol niya.

Lumayo na ako kay Rhea, but while I was unfolding the note dinig ko ang kilig niya.

Jan,

I know you're worrying right now. May bibilhin lang ako sa bayan. Be back later.

P.S.

Mahirap mag let go. Sinusubukan ko, but di ko kaya. But when I'm with you nawawala lahat ng problema ko. I can forget who I am and be who I want me to be. You bring out the best and worst in me.

Aroganteng butiki,

Daniel

Five times ko na yatang binasa ng paulit-ulit ang note ni Daniel sa akin. Pinuntahan ko nalang si Mang Carding and helped him water the flowers. Hindi ko namalayan ang oras. Nakita ko nalang ang hotel service na tumigil sa harap, and found myself breathless. Pumunta naman ako agad.

"Grabe Daniel! Ang saya mo palang kasama." sabi ni Jen sa kanya, habang binubuksan ni Daniel ang driver's seat kung saan nandun si Jen.

Napakaflirt naman talaga ng kaibigan kong to. Ang sarap patayin. Sinuntok pa niya si Daniel ng marahan. Si Daniel naman parang nakikipaglandian din kay Jen.

"Hindi naman Jen." sabi ni Daniel, smiling at her.

"Eherrm.." sabi ko. Ewan ko ba. I'm not jealous. I just have this awkward feeling about Daniel na para bang gusto ko akin lang ang atensyon niya. SHEEEEEEEEEEEEEEEEEEET. Napakailusyonada ko lang. Tss.

Lumingon sa akin si Daniel.

"Uyy, Janine. Are you waiting for me?" tanong ni Daniel sa akin, habang palapit sa direksyon ko. Ang dami niyang dala. May supot galing sa isang jewelry store, siguro bagong accessory niya, or kung hindi naman, siguro para kay Kath.  Other than that, marami pang iba. Siguro pampasalubong. May dala din siyang bagong gitara, pero hindi ko makita ang design nakabalot pa kasi yun.

"Hindi ah. Kapal mo!" inirapan ko siya.

"You received my note right?" tanong niya sa akin. Sa pagkataranta ko, nasabi kong hindi.

"Ahh baka nawala ni Rhea. Marami kasing papel sa ibabaw ng front desk kanina kaya baka na misplace niya." sabi niya.

"Saan ka nanggaling? Parang nag-enjoy ka yata ah, kayong dalawa ni Jen." I eyed Jen, pero ang lapad lapad ng ngiti niya sa akin. And when she saw Nathan, tinawag niya ito at sinundan.

Ginulo ni Daniel ang buhok ko. Ayaw na ayaw ko talagang ginugulo niya ang buhok ko, nagmumukha akong batang gusgusin.

"Are you jealous?" tanong niya sa akin, his smile teasing. Hindi ako sumagot, pero kung tingnan ko siya para bang pinapatay ko siya.

"Nahh, nevermind. Halika samahan mo ako. I want you to tour me again." sabi niya sa akin.

"Tour ka diyan! Hapon na no!" sabi ko sa kanya.

"Sige na Janine… Please?" awwww.. Nagpacute pa talaga tong si Daniel, kahit di naman kailangan. Guwapo naman talaga siya eh.

"Okay, wait for me here okay? Or try mo kayang iakyat na muna yang mga dala mo?" sabi ko sa kanya. I was about to turn my back and get the key sa front desk, nang nagsalita siya ulit.

"Come here." sabi ni Daniel. Siyempre naman diba ako ang sinasabihan niya, eh wala kayang ibang taong malapit lapit sa vicinity niya at nasa direction ko.

"I'm here."

'No. Closer." pagkasabi ni Daniel ng mga salitang yun, para bang gusto ko nang maniwala sa mga pinagsasasabi ni Rhea. Kinurap-kurap ko ang mata ko, but I moved closer just like what he said.

Pagkalapit ko sa kanya, kinuha niya ang kamay ko. He tried to remove my watch, pero agad kong binawi ang kamay ko. Nagtaka siya.

"Alam kong importante yan sayo.But, with or without that watch, mabubuhay ka. Hindi mo ikamamatay and pag move on Janine." he looked straight into my eyes. Naniwala ako. I let him hold my hand again. Hinubad niya ang watch na nakasuot sa akin. He opened the jewelry box with his free hand and revealed a very simple and beautiful watch. It's a ROLEX. Pero hindi yung pangmatanda. As I watched him na sinusuot yun sa akin. Napansin ko ang watch niya. Ayeeeeeeeeeeeeeee…. His and hers watch pala yun.

After niyang nasuot yun, he kissed my wrist.

"Daniel nakakahiya naman." I looked around. Maraming mata ang nakatuon sa amin. May hindi nga nakatiis eh at sumigaw ng "TEAM JANIEL na kami!". HAHA. Kalurkey! Nakakahiya kay Daniel, but he just laughed.

"Anong nakakahiya? Kaw talaga Janine! OK lang yan, at least bago na diba? When you look at your wrist again, hindi na yung old watch ang makikita mo and the memories of it." sabi niya habang kinakamot ang ulo.

Gusto kong maiyak sa tuwa. 1… 2… 3… Tutulo na talaga ang luha ko, but I don’t want to let him see me crying.

"Ang drama mo! Sige na princess i-akyat mo na yang mga dala mo." tinulak ko na siya papasok ng hotel.

A Summer to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon