Pag-ka park ng sasakyan bumaba agad ako at pinag masdan ang paaralan ko nung nasa elementarya ako. 

"Welcome back!" Sigaw ko. 

"Ang ingay mo!" Inakbayan ako ni Ethan habang palapit yung lima. 

"Ano bang kukunin mo dito sa school?" Tanong ni Jonathan. 

"Hindi ko alam. Pinapunta lang ako dito ni Mommy alam na raw yun ni Tito Dave" Si tito Dave ay ang may ari ng school na 'to, uncle din nila Eli at Evan.

"Oh napadalaw kayo?" May narinig kaming boses. Pagtingin namin si Tito Dave pala. 

"Tito!" Bati naming lahat.

"Kamusta na kayo? Namiss ko yung kakulitan niyo nung bata kayo" Sabi niya saamin. 

"Ok lang kami Tito,ikaw po ba?" Nakangiting tanong ni Ethan.

"Ok lang rin ako," Bumaling siya saakin."Ella hanggang ngayon wala ka paring kaibigan babae? ikaw pa rin yung Princess nitong mga 'to" 

"Hahahaha meron na po tito kaso nasa ibang bansa doon na nakatira tsaka ok na 'tong mga ugok saakin" Naka ngiti kong sagot. 

"Ah oo nga pala,Aaron yung pinapakuha pala ng mommy mo" May iniabot siya kay Aaron. 

"Sige po tito. By the way tito pwede po bang bumisita sa play ground?" Tanong ni Aaron. 

"Oo naman pwedeng-pwede,Jeremiah at Jeremy sabihin niyo sa papa niyo bonding naman kami minsan"

"Sige po tito. Brother's bonding" Sabi ng kambal.

"sige na mauna na ako. Mag-ingat kayo" 

"Kayo din po tito" Pag-alis ni Tito, pumunta na kami sa play ground sa loob ng school.

"Manong Guard!" Sigaw ko nung makitang yun pa rin ang Guard na nag babantay sa Play Ground. 

Sumingkit ang mga mata niya na tila'y kinikilala ako. 

"Manong Guard ako po ito yung laging nakatambay dito nung bata pa kami" Nanlaki ang mga mata niya na parang nakilala na ako. 

"Ikaw ba yung batang babae na laging may inaabot saaking tsokolate na flat tops?" 

"Ako nga iyon manong guard!" Sabi ko sa kanya. 

"Ang laki mo nang bata ka" Sabi niya. "Napadalaw ka?" 

"May kinuha lang po yung kaibigan ko dito" Bumaling siya sa mga kaibigan ko.

"Teka kayo yung mga batang lalaki na laging kasama ni Ella?" 

"Kami nga po yun manong guard" Sabi sa kaniya ni Andrei. "Pwede po bang pumasok sa loob?"

"Oo naman" Nag pasalamat kami sa kanya. 

Pag pasok namin. Pumunta ako sa usual spot ko nung bata ako. 

"Hanggang ngayon dyan mo pa tin gustong umupo" Sabi ni Eli. 

"Hahaha oo nga eh dito kasi tayo nag kakilala" Pumikit ako at inalala yung mga panahong nag kakilala kaming pito. 

FLASHBACK *10 YEARS AGO*  7 years old si Ella.

Naka-upo ako sa duyan dito sa playground. As usual ako lang mag-isa. Wala akong kaibigan kasi puro mayaman ang nag aaral dito. Hindi ko ba alam kung bakit dito ako pinasok ni papa. 

"HOY!" Humarap ako sa nag sabi nun. 

"Bakit nanaman ba Stacey?"  Sabi 'ko. Siya lagi yung umaaway saakin. 

"Umalis ka dyan uupo ako" 

"Pero ako nauna dito mag hanap ka na lang ng iba. Marami pa dyan oh"  

"Yan yung gusto ko eh tsaka wag ka ngang mag feeling mayaman porket dito ka nag-aaral feeling mayaman ka na" Sabi niya saakin. "Paalisin niyo nga yan!" Utos niya sa mga kasama niya.

Pinag-tutulak nila ako sa para makaalis lang sa may inuupuan ko. 

"Aray ano ba!"  Sigaw ko. Isa lang ako madami sila hindi ko sila kaya. Hanggang sa may biglang tumulak saakin ng malakas na subsob ako sa putikan. 

"Hahahahaha buti nga sa'yo!" Nag tawanan sila. Tumulo na yung luha ko.

"Hoy! Tumigil nga kayo!" May narinig akong sumigaw. Pag tingin ko dalawang batang lalaki. 

"Tigilan niyo nga siya! Sumbong ko kayo kay teacher eh!" Sabi nung isang batang lalaki.

"Bakit ba lagi ka na lang epal?!" Sigaw nang batang babae na kasama ni Stacey. 

"Lovely tumigil ka na nga. Si Andrei yan,kaibigan niya yung pamangkin ng nag mamay ari ng school" Nanlaki ang mata nung babae. 

"Pasensya na" pag kasabi nila nun umalis na sila. 

Lumapit saakin yung batang lalaki na pangalan ay Andrei. 

"Ok ka lang?"  Sabi niya. Tinulungan niya akong tumayo. 

"Salamat" Ngumiti ako sa kanya. 

"Ako nga pala si Andrei siya naman si Ethan" Pag papakilala niya.

"Ako naman si Ella" Ngumiti siya saakin.

"Friends?"  Iniabot niya saakin yung kamay niya. 

"Friends" Nag Shake hands kami. 

Simula nun lagi na kaming mag kasama. Pinakilala niya rin saakin yung apat kaya naging close ko rin sila. 

ONE Of The BOYSWhere stories live. Discover now