3

1 1 0
                                    

"Joyce! Salamat naman at tumawag ka! Anyare? Ilang Linggo ka ng absent ah!" Bungad ni Gillian pagkasagot niya ng tawag.




"Gil, sorry pero diko pa kayang mag explain. Saka di pa ako makakauwi ng Pilipina-"





"What?! Nasan ka ba? Huy! Anong nangyare sayo?" medyo natatarantang tanong ni Gillian.






"Basta Gillian. Paki-sabi nalang kay kay Ma'am Vesario"







"Oh. Okay. Sige Joyce mag-ingat ka diyan"





"Thanks. Ikaw din. Bye Gillian" pinatay ko na agad yung linya at napabagsak sa kama. Damang-dama ko parin ang lamig dulot ng paglalakad ko kanina sa labas kahit nagsnosnow. Ilang araw ko na din hindi nakikita sila mama't papa. Sabi nila may aasikasuhin lang daw sila sa Seattle at wala ng pampamasahe para samin ni Jack.




Limang linggo na akong absent sa school. Ngayon lang din ako nakatawag kay Gillian dahil ngayon lang din ako nagkaroon ng pagkakataon na makabili ng pang-overseas call card.




Andaming nangyare sa mga nakaraang araw. Kung saan-saan na din kami nagpupupunta. Mapa-korte, buildings, etc. Nakakapagod.







"Ate, nacontact mo na si mama?" lumingon ako sa may pinto at nakita ang aking kapatid na halatang kakagising lang.







"Hindi pa eh..." buntong hininga ko at muling napatingala sa kisame habang siya ay naupo sa tabi ko.








Paminsan-minsan ay naiisip ko rin si Patrick. Okay lang ba siya? Namimiss niya ba ako? Kasi ako, walang araw na lumipas na hindi ko siya naiisip. Kahit anong alaala tungkol sa kanya, binabalikan ko.






Yung halos ilibre ko si Gillian araw-araw para lang pumayag siyang samahan niya ako sa library. Hindi para magresearch pero para manood. Ilang taon na ang lumipas pero iisa lang talaga ang inuupuan ni Patrick sa library.






Dalawang lamesa mula sa kinalalagyan niya ang tinatambayan ko. Mula doon ay napapagmasdan ko siya. Nakakunot ang noo at seryosong binabasa ang mga librong nakalatag sa harap niya. Mula lima hanggang anim na libro ang binubuklat niya at talagang seryoso siya habang nagbabasa mag-isa. Pinapalayas niya yung mga barkada niya dahil nagiingay lang sila dito.




Pinatayo ko ang libro at nagpanggap na nagbabasa dahil sa totoo lang ay pinapagmasdan ko siya. Creepy ba ako? Sorry na. Ang sarap niya lang talaga pagmasdan.






Nagulat na lang ako ng biglang nagring ang phone ko. Si papa!













"Pa!"

"Nak, kamusta na kayo diyan?"

"Pa! Okay lang kami. Si mama?"

"Pa!" Singit pa ni Jack kaya niloudspeaker ko na.

"Joyce, naospital si mama niyo"

"Huh?! Bakit po?!"

"Last week pa kami nandito. Sadyang ayaw niya ipaalam sa inyo. Pero alam kong nagaalala kayo."

"Pa??"

Jokes On MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon