Blackout

20 4 2
                                    

Matapos ang isang kababalaghang pangyayari kahapon ay biglang tumawa ang mama ni Zyke sa inasta ko mabuti nalang daw mabilis niyang na eCancelled ang wedding ni Zyke kay Thalia dahil kung hindi baka daw mapatay ko siya . Luuuh ? mukha ba akong kriminal sa lagay na to?

Maaga akong gumising kahit wala namang pasok dahil gusto daw akong makilala ng Pamilya ni Zyke personally. At hindi ko alam na hahantong ang lahat sa ganito nong una syempre akala ko wala lang sa mama niya ang pagtatagpo namin pero yon pala HINDI. She want's to meet me officially . Kaya heto ako pababa ng unit ko at nanginginig na naglalakad . Hindi paman ako nakaka baba ay nakikita kuna ang pagmumukha ni Zyke sa labas naka park ang sasakyan niya at nakangising kumakaway sakin -_-

"Good morning" nakangiting bati niya sakin at binuksan ang passenger's seat kaya maingat akong pumasok baka lang mauntog ako mapahiya pa tuloy ako.

"Bat ba kasi kailangan pa ng Offcially meeting nayan ? Kailangan paba yon?" Diritsahan kong sabi sa kaniya nang makapasok siya kaya nilingon muna niya ako bago pinaandar ang sasakyan.

"Syempre! Tinigil niya ang kasal nang dahil sayo" nakangisi niyang sabi sakin na pinagtaka ko.

"Bat naman niya tinigil ng dahil lang sakin?" nagtataka kung tanong sa nakangisi niyang pagmumukha.

"Well, sabi kasi niya sakin kapag napatunayan kung totoong may girlfriend ako ay don niya na ititigil ang kasal tsaka yon gusto ka na niyang makilala" konti nalang talaga masasapak kuna tong lalaking to kanina pato nakangisi eh. Tapos kita niyang kanina pa ako nanginginig sa kaba dito. Eh, sino ba kasing siraulo ang hindi kabahan kapag eme-meet muna yung parents nong guy ? Well, based on my cased malala to kasi nagpapanggap lang naman kaming mag on.

"At talaga lang ha! baka ano na namang kasunod niyan" walang gana kung sabi .

Nang sa wakas makarating ako sa isang MALAKING BAHAY -_- Mas malaki pa nga to sa totoong bahay namin noon eh. Binuksan ang gate at syempre hindi naman tanga si Zyke para tumunganga nalang sa labas kaya ipinasok niya na sa loob ang sasakyan.

Sa hindi kalayuan tanaw na tanaw ko ang malapad na ngiti nang mama ni Zyke habang kumakaway na nakaharap sa banda namin. Mabilis na bumaba si Zyke sa sasakyan at pinagbuksan ako -_- tss. GENTLEDOG nyare ?

"Hi , dear. It's nice to finally meet you" nakangiting bati niya sakin tapos bigla niya akong niyakap .

AWKWARD ATMOSPHERE here -_- .

"Hello po maam" magalang kung bati syempre bihira lang akong maging magalang kaya lulubusin ko na.

"Naku! Ano kaba, Just call me Tita nalang or Mom ?" suggest niya pa habang lumalaki yung mata niya kaya ako naman umiling ng umiling.

"Ay sige po Tita nalang" sabi ko sa kaniya tumango naman siya sakin.

"By the way I'm your Tita Casidy and your Tito Mike is working abroad" nakangiti niyang sabi sakin kaya naman tumango nalang ako sa kaniya.

Usapan hanggang sa umabot ng kainan hanggang sa naisipan ko nang umuwi dahil masyado nang gabi. Hinatid ako ni Zyke pauwi habang nasa loob kami ng sasakyan di ko maiwasang tanungin siya.

"Zyke ? natatakot ako baka totohanin to ng Mommy mo" nababahala kung sabi sa kaniya bumuntong hininga lang siya at hindi man lang ako nilingon.

"Edi totohanin nadin natin" mahina ngunit dinig na dinig ng dalawang tenga ko ngunit hindi nalang ako nag komento baka saan pa umabot ang usapan namin. 

Imbis na sa Unit ang uwi ko ay sa Bar kaming dalawa nagpunta ni Zyke nag suggest at pinilit ko talaga siyang pumunta don para uminom saglit pero hindi siya pumayag na uminom daw ako baka ano pang kabalbalan ang gawin ko.

Papasok palang kami sa Bar ay amoy na amoy kuna ang dancefloor hindi ko kasi nakikita -_- kasalanan ko bang katamtaman lang ang taas ko at ang tatangkad pa ng mga tao :D Kamuntikan na akong mahila kanina kung kanino mang kamay yon ay palagi nang dumidikit sakin si Zyke yung dikit na skin to skin na talaga.

"Stay here. mag c-cr lang ako" paalam sakin ni Zyke tumango lang ako tsaka sya umalis at naiwan akong nakatingin sa mga taong parang baliw kung makasayaw.

Ilang oras na nga ba ang lumipas simula nong pumunta siya ng cr ? well based on my observation limang minuto na siyang hindi pa bumabalik at para akong tangang naka-upo habang naghihintay sa kaniya dito. Malilintikan talaga sakin yung lalaking yon pag nagkataon eh. 

Dahil isa akong taong hindi naniniwala sa kasabihang "PATIENCE IS VIRTUE" ano pa nga ba edi, naglakad-lakad na ako para hanapin siya alangan namang buong gabi hanggang abutin ako ng umaga dito kakahintay sa kaniya ? Hindi ko siya mahanap sa loob hindi ko rin siya pweding hanapin sa loob ng CR dahil Boy's only lang don, Naisipan kung lumabad baka sakaling nandon lang siya nagpapahangin.

"Ano bang pag-uusapan natin?" may narinig akong boses sa hindi kalayuan sakin pamilyar kasi eh, boses babae.

"Pwedi ba? pakinggan mo muna ako!" Siya yun. At anong ginagawa niya dyan  sa liblib na lugar. Dahil sa curios ako diko mapigilang tingnan kung sino yung kinakausap niya. And when finally I saw the girl's face it hits me! It's Thalia.

"Ano na naman ? napahiya niyo na ako pati ang buong pamilya ko! Tapos ano ngayon baka naman siguro gusto mo nang aminin na mahal mo na ako?" parang nanikip ang buong paligid ko nang marinig yon. Iwan ko lang kung bakit masikip eh halos hindi narin ako makahinga sa sobrang kaba. At bakit naman ako kinakabahan ?

"OO ------

Bago paman niya matapos ang sinasabi niya ay umalis na ako sa lugar na yon. F*ck? Anong pinagsasabi niyang OO ? at bakit sila nag-uusap ? BAKIT ?

WAIT .........



WAIT ........



LOADING ......





PROCESS.....

WHAT THE HEL IS HAPPENING TO ME ? WHY ? WHY AM I ACTING LIKE I'M A JEALOUS GIRLFRIEND HERE ?? Don't tell me ? -_O .

NO !!!! I won't fall for him . And I won't.

" OUCH!!!" Halos tumilapon ang kaluluwa ko ng biglang may nabangga ako nasobraan ba ako sa pag-iisip ? tsk.

"You okay?" boses lalaki ? -_- hindi ko siya kilala.

"Ah, I'm fine medyo masakit lang ang ulo ko" sabi ko sa kaniya sabay hawak sa ulo ko medyo may tumama kasi sakin kanina kaya napahiga ako.

"Talaga ? sumakay ka nalang sakin I can go---

" Hindi. kaya ko na okay lang talaga" medyo nag-aalangan kung sabi dahil medyo umiikot narin ang paningin ko. Hindi naman ako nakainom pero kung makaikot tong paningin ko tinalo pa yung roller coaster.

"No. your not okay. Look, kasalanan ko rin naman kasi hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko" hinging paumanhin na sabi niya. Aakamang tatayo ako ng bigla nalang umikot at nandilim ang paningin ko narinig ko pa siyang sumigaw dahil sa pagka tumba ko pero hindi ako bumagsak dahil may mga kamay na sumalo sakin. The last thing I know is ...

"Your bleeding"

Then Blackout .

Behind The CloakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon