Camp

30 5 3
                                    

10 years later.

"Zyke ? ano sama kana samin!" bumuntong hininga na lamang ako sa pangungulit ni Tan sa akin.

"Oo nga! tsaka we're not gonna stay don naman eh!" pang second demotion ni Kelly habang nakatunganga silang lahat sa inuupuan ko.

"May pasok pa tayo bukas kaya tigilan niyo ako!" walang gana kung sagot sabay ipinasok ang mga gamit ko sa bag.

"GUYS !!!!!!"

Bigla akong napalingon ng marinig kong sumigaw si Minah malapit sa pinto at tumatakbo papunta saming may hawak na maliit na papel.

"Meron na. Yey! makaka-alis na tayo!!!!!" pagsisigaw niya , kumunot ang noo ko sa naging reaksyon ng mga kasama ko.

"Ano yan?" takang tanong ko sa kanya at sabay-sabay naman silang lumingon sakin ng nakangiti.

"APPROVAL!!!" magkasabay nilang sigaw kaya napatakip ako sa aking taenga!

"Saan naman ?"

"Sa Black Forest!! syempre!" napalingon ako sa aking likuran ng may magsalita -_- .

"Kiel ? don't tell me sasama ka sa mga to?" tanong ko sa kanya sabay turo sa mga kasama ko. Ngumisi siya at tumango sakin.

"Sumama kana Zyke! parang limang araw lang naman tska mag Aadventure tayo don" nakangising sabi niya sakin.

"Ano pa nga ba? sige sama na ako."

"WOOOOOOOOOHHH!!" -_- Kahit kailan talaga .

Fast Forward.

Third person's pov;

Habang papalayo ang sinasakyan ng magkakaibigan hindi maiwasang kabahan ni Zyke dahil hindi maganda ang tinatahak nilang daan bukod sa madaming malalaking puno may mga sanga pang gumigewang sa sobrang katandaan na. Makalipas ang ilang minuto ay may pinasok silang isang maliit na daan kasya lamang ang kanilang sinasakyan doon, Unti-unting dumidilim sa kung saan man ang paroroonan nila tila siya lamang ang nababahala sa kanilang pinupuntahan habang yung mga kasama niya ay abala sa pag-uusap.

"Dito! Dito! dito tayo!" biglang sigaw ng kanilang kasamang si Kelly na may dalang maliit na mapa.

"Ang creepy pala ng lugar nato!" natatakot na sabi Minah habang may hawak na flashlight.

Bumaba ang magkakaibigan sa sasakyan at naghanda ng kanilang matutulugan. Dalawang tent lang kanilang dala isa para sa mga babae at isa para sa lalaki. Nang matapos nila ito ay naghanda sila ng isang maliit na bonfire.

Minah's pov;

"Zyke ? pwedi bang tabi tayo mamaya? nakakatakot kasi eh!" paglalambing ko sa kanya habang nakahawak sa braso niya at nakaharap sa bonfire na ginawa namin.

"Ew! Minah ? Can you just shut up? kilabutan ka nga dyan! your a girl so? ikaw dapat ang umiwas sa lalaki" maarteng sabi sakin ni Kelly habang iniihaw ang marsh mallow niya -_- ihaw daw ?

"Whatever! gusto kong makatabi ko siya" Sabi ko then I rolled my eyes on her. Ngumuso siya at sinimangutan ako.

"Nya! Nya! I don't care! edi makakatabi morin si Tan. And it was like ew!" sabi niya sabay kain ng marsh mallow niya.

"Kung maka ew naman to! kala mo may bacteria ako huh ?!" Inis na sigaw ni Tan kay Kelly. Basta ako gusto kung makatabi si Zyke gusto ko siya eh kaya lang masungit bahala na mamahalin din niya ako.

"You sleep on girls tent. not with us" matalim niyang sabi kaya bumitaw ako at nag lakad ng padabog papunta sa loob ng tent. tss. makatulog na nga lang.

ZYKE'S POV;

"Pahangin lang ako" paalam ko sa kanila at naglakad.

"Hoy? anong pinagsasabi mo dyan! Gabi na! balik ka dito!" Rinig kong sigaw ni Kiel sakin. Hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.

Medyo malayo-layo narin ang napuntahan ko may nakita akong isang maliit na punong umiilaw , hindi ko alam na may puno palang umiilaw edi sana yan nalang pinan-ilaw namin -_- . Naglakad ako palapit sa puno at pinagmasdan ito sa malapitan, kumunot ang noo ko nang malamang isa itong Christmas lights decor na isinabit lamang sa bawat sanga ng punong ito.

Nakarinig ako ng mga papalapit na yapak kaya mabilis akong tumakbo sa isang madilim na bahagi at nagtago. Biglang lumaki ang mata ko ng makitang isa itong tao na nakasuot ng isang pulang cloak -_- May multo ba dito ?? Hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya dahil masyado ng madilim at tanging ang ilaw lamang ng puno ang nagsisilbing ilaw sa buong paligid ngunit hindi ko masyadong makita ang mukha niya dahil naka tagilid siya mula sakin.

Alone in the dark is like a worst fairytale ...

Nagulat ako ng bigkasin niya ang mga katagang yon habang dinadampi ang mga daliri sa bawat sanga ng puno. Para bang siya ay namamanata na iwan ko sa kanya -_- Nagtutula na iwan ?

Alone in the dark is like a nightmare ....

Dahan-dahan siyang naglakad paharap sa kinaroroonan ko ngunit hindi ko padin makita ang kaniyang mukha dahil sa nakayuko siya.

Alone in the dark I feels like dying...

Pinahid niya ang kaniyang mga kamay sa kaniyang mukha tila ba umiiyak siya habang kinakausap o nagtutula ba siya sa harapan ng umiilaw na puno.

Alone in the dark is feels like hell... Nobody cares and It hurts like flame ... I would rather sleep and dream of  ,that this was just a dream ...

Bigla siyang yumuko at may pinulot kasabay ng pagtayo niya ay ang pagkahulog ng suot nyang cloak dahilan para makita ko ang buong mukha niya at halos manindig lahat ng balahibo ko sa nakita ko.

Buong buhay ko hindi pa ako nakadama ng paghanga sa isang tao ngayon lang at masasabi kong nakakatakot pala yung tipong bigla-bigla nalang lumalakas ang tibok ng puso mo na para bang nag-uunahan sa pagtibok ang mga ito.

Yung mukha niya isang Napakagandang mukha, perpekto at wala kang maipipintas, hindi ko alam na may ganito palang itinatagong ganda ang gubat na ito. Hindi pala nasayang ang pagsama ko sa pagpunta dito sa gubat dahil dito korin pala matatagpuan ang ----

"tss. ano bang pinagsasabi ko?" tila baliw'ng tanong ko sa aking sarili.







A/N]: Yaaz! another story of mine will be posted HAHAHA
Date started: April_13_2017
By: Mermaidseeker

Behind The CloakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon