I

15 2 0
                                    

UPUAN

«Kim's»

Sobrang sakit ng ulo ko dahil sa daming lessons na aming nadiscuss kanina.

"Kim, lunch?" aya sakin ni Nadine. Bahagya lang akong tumango at nagligpit na ng gamit.

Papunta na sana kami sa elevator kaso ang daming nakapila. Kaya naghagdan nalang kami. Medyo maraming tao sa cafeteria.

"Kim, nandyan pala si Reid. Sa Robinson na kami kakain. Sorry ha."

"Ok lang. Ano ka ba? Yiiee." pangaasar ko sakanya na ikinapula ng mukha niya.

Nilagay ko ang bag ko sa madalas kong pwestuhan, sa may bandang gilid at malapit sa aircon. Kinuha ko ang wallet ko at dumiretso na sa bilihan ng pagkain.

Bumili ako ng isang order ng afritada at mountain dew. Pagkabalik ko sa table ko ay may nakaupo ng isang lalaki. Tumikhim ako kaso hindi niya ako narinig dahil naka earphones siya. Ghad!

Nilapag ko ang tray at doon ay napatingin siya sakin. Pero wala siyang sinabi at bumalil na ulit sa pagkain niya ng lunch.

"Excuse me pero dito kasi ako nakaupo eh. Baka pwede ka humanap ng ibang pwesto." ani ko sakanya kaso walang reply. Hinila ko ang earphones niya.

"Bakit?" aba marunong din pala to magsalita.

"Ang sabi ko dito ako nakaupo."

"Oo nga nakaupo ka na nga." ang pilosopo sumagot ah.

"Ako ang nauna dito. Kaya maghanap ka ng ibang pwesto mo." medyo naiinis na ako. Nginisian lang niya ako at lumapas ang isang dimple niya sa left cheek.

"Miss, wala ka naman atang kasama tapos lunch time ngayon at maraming tao. Masama bang makiupo dito?" oo nga naman at lunch time na pero nakakainis ako ang nauna dito. This is my place.

"Besides, wala namang pangalan dito na Kimberly." sabi niya at uminom ng tubig. Paano niya nalaman ang pangalan ko?

"P-paano mo alam ang pangalan ko?"

Tinuro niya ang suot ko na nameplate. Tanga oo nga pala.

"Batch 2019. I guess, 4th year ka na." bakit ba ako dinadaldal nito? Sumubo na ako at pasimpleng tumingin sa kanya at nakatingin din pala siya sa akin kaya mabilis akong nagiwas ng tingin. Narinig ko ang mahinang tawa mula sa kanya.

"Btw, I'm Jethro." tinuro nito ang nameplate din niya. Nagtetake pala siya ng medicine. Batch 2020 siya.

"Alam mo, kilala kayong PT sa anatomy. Grabe idol namin kayo sa gross anatomy. I have this certain classmate sa gross anatomy, PT din ang pre-med niya. Ang galing niya."

Feeling close.

"Ah ok."

"Ikaw? Do you have any plans on pursuing medicine?"

"Not yet sure."

May pumasok na grupo ng mga kalalakihan at huminto sila sa table namin.

"Oy oy oy. Mga tol nakikita niyo ba ang nakikita ko?" sabi ng isang lalaki na nakasalamin at nakaclean cut na buhok.

"Kaya pala ayaw sumama ni fafs Jeth satin kasi may iba palang kasabay maglunch." sabi ng lalaking may stethoscope na nakasabit sa leeg niya.

"Ang iingay niyo. Umalis na nga kayo." pagtataboy ni Jethro sa kanila.

Tinapos ko na ang lunch ko at inabot ko na ang aking bag at aalis na. Bago pa ako makalabas sa pinto ay tinawag niya ako.

"Bye Kim. Hope to see you around." matamis pa itong ngumiti sakin.

Napailing nalang ako at tuluyan ng umalis sa lugar na iyon. Why do I have this feeling na may magiging kaagaw ako sa pwesto na iyon.

But I wouldn't mind to share my haven with Jethro.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 22, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Anatomy With LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon