Simula

19 2 0
                                    

HECTIC

« Kim's »

PANAY ang tingin ko sa aking orasan at sa kalsada. Grabe talaga ang traffic dito sa Las Piñas. Kaya nga Hindi ako sa Manila nagaral para mapabilis ang byahe kaso mukhang pareho lang din pala.

Kinuha ko ang cellphone ko at nagsend ako ng message kay Jamie.

To Jamie:

Jem, may prof na ba?

Abot abot na ang kaba ko dahil naalala kong may quiz kami sa PT Evaluation namin.

"Kuya, 'bat sobrang traffic naman yata?" tanong ko kay manong drayber. Nagkibit balikat lang siya at sumagot, "marahil lunes ngayon kaya trapik."

PAGKABABA ko ng dyip ay mabilis kong nilakad ang Tamayo Tower at tinignan ang elevator. Shit under maintenance!

Ano ba yan?! Kelan ba 'to maaayos? Ang mahal ng tuition pero di mapakinabangan ang elevator. Sa 6th floor pa naman ang klase ko.

Naabutan kong paakyat ng hagdan si Leslie. Tinapik ko ang balikat niya.

"Les, wala pa ba si Ma'am Liz?"

"Ah, malelate daw siya ngayon."

Doon nakahinga ako ng maluwag. Sa susunod talaga aagahan ko na! Grr.

Anatomy With LoveWhere stories live. Discover now