“Ate..”

“Will you shut up and get out of my life?”

Nagulat ako. First time niyang magalit sakin ng ganito, first time niya kong sigawan ng ganito.

“Siguro masaya ka na ngayong pati si Elmo makukuha mo na sakin? Geez Julie! Nakuha mo na nga ung loob ni Dad eh, wala na ngang natirang pagmamahal saakin tapos pati ung kaisa isang taong nagmamahal saakin ng todo e aagawin mo pa?!”

“Anong ibig mong sabihin ate? Mahal tayong pareho ni Dad. And hindi ko talagang sinasadyang mahalin si Elmo.. Sorry..”

*PAKKKKKKK

She slapped me. She just slapped me. And nagsimula na ring tumulo ang luha ko.

“How dare you? Paano mo nakuhang mainlove sa boyfriend ko? May konsensya ka ba ha? May konsensya pa bang natitira sayo?! And what? Pareho tayong mahal ni Dad? No! Dahil kung oo hahayaan niya kong kunin ung course na gusto ko! Business Ad? Hell I don’t even care kung malugi ang negosyo niya!”

Naglakad na siya paakyat ng room niya and naiwan lang akong nakatayo dun. I don’t know what to say. Masyado na kong nagiging iyakin these days. Breathe in. Breathe out. Makakasama sa baby…

I was still standing in my position nung bumaba si Ate, dala ang maleta niya. Yuh, hindi niya dala lahat ng mga damit niya nung umalis siya. Pero ngayon, mukhang dala na niya lahat.

Naglakad na siya papunta sa pinto, ignoring me, ng bigla siyang huminto saglit at lumingon saakin.

“Btw, if you’re wandering kung paano napunta kay Tita ung pregnancy test mo. It was me. Well I guess I did a wrong move. Pero it’s not too late, I still have time.”

At umalis na siya. Hindi ko magets ung huling sinabi niya.. She still has time. What does that exactly mean?


 

-

<Lauren’s POV>

Dumiretso agad ako sa bar after kong makuha ang mga gamit ko sa bahay. Sinadya kong pumunta dun ng late para hindi ko sila makitang lahat, ayoko silang makita. Buti na lang at binigyan ako ni Dad ng sariling kotse. Atleast okay lang kung umaalis ako ng gabi.

Pero nakita ko si Julie sa bahay, and hindi pa rin umaalis sa isip at puso ko na naiinis ako sakanya. Hindi, kinamumuhian ko siya.

Ang ingay dito sa bar. Pero mas okay na dito, kesa namang mamatay ako sa sobrang katahimikan sa unit ko. Pumunta agad ako sa bartender at nagorder ng drinks.

“One Absinthe pls.”

Binigay naman sakin nung bartender ung order ko and ininom ko yun in just one shot. I know it’s the strongest drink here. But I want more. And more. And more.

“Isa pa nga.”

“You sure ma’am? Pang 3 niyo na po to.”

I glared at the bartender, “Just give me my order! I’ll pay you, okay?”

Wala na siyang magawa kaya binigay na niya saakin ung order ko. I was about to drink it ng may lumapit sa side ko.


 

“Tequila.” Order niya.

Tinignan ko siya. And she smiled at me. Tinaasan ko siya ng kilay, pero ngumingiti pa rin siya. Fck. Statua ba to o ano? Parang tanga lang.

“I can see that you have a problem.”

“And who are you? Get lost.”

“Hey, I’m a friend okay? I’m Janine Gutierrez. Actually we have the same course, magkaibang section lang.”

“So?” Sorry pero di ko gets kung ba’t siya nagpapakilala.

“Well, you know. I know what your problem is.” Ngiti pa.

“Are you stalking me?”

Natawa siya, “Hell no! I’m just.. well, updated!” Nauutal na sagot niya. “But that’s not important. I’m just here to give you an advice. Don’t give up on him. Kung mahal niyo ang isa’t isa, then ipaglaban niyo. Well, uso ang mistress ngayon.”

Tinaasan ko siya ng kilay, “Are you just giving me an advice or nangaasar ka?”

Ngumiti siya, “It’s for you to decide. After all, kayo naman ang original diba?” Ngumiti pa siya at ininom ang tequila niya sabay tayo at naglakad na palayo.

 -----

Hi po. Uhm gusto ko lang po sana magsorry sainyo if maiikli ung mga last updates ko. Sorry po! Especially po kay Ate geraldinetaopo, sorry po talaga. Pero I'll try na habaan ung mga updates ko. Promise! Itatry ko po talaga! So yun po. =))

The Unconditional Love (JuliElmo)Where stories live. Discover now