KIM CLAN: MEDICAL MISSION

27 0 0
                                    

ZADDIE POV

Hindi ko sinasadaya na makita ang nagtext sa asawa ko dahil nagpop-up ito sa kanyang notification and it's unregistered number. I love you and see you tomorrow ang nakalagay sa text.

"Oh Zaddie akala ko tulog ka na?" tanong nito. Galing kasi ito sa banyo. At kakarating lang nito.

"Nagising lang kasi ako dahil may biglang nagmessage sayo. Mukha yatang ginabi tayo ngayon?" tanong ko dito.

"Ahh oo sorry Zad, nagyaya lang kasi sina Shin at kuya Aethos na lumabas. Problemado kasi si Shin." natatawa pa na sabi nito.

"Ahh ganon ba? Mukhang malaki nga ang problema ni Shin dahil anong oras na kayo umuwi. Kumain ka na ba? Gusto mo samahan kita sa baba para makapagdinner ka." sabi ko. Nakatira kasi kaming lahat ng pamilya ng asawa ko ngayon dito sa bagong renovate na Mansion.

"No need na Zaddie dahil kumain na kami nina kuya Aethos." sabi nito.

"Okey. Punta muna ako sa baba, bigla kasi akong nauhaw. May nagmessage nga pala sayo." at iniabot dito ang cellphone niya. Instead na pumunta ako sa kusina ay dumiretso ako sa may pool area. Dito na muna siguro ako magpapalipas ng iniisip.

"Oh gising ka pa rin pala?" tanong sa akin ng paparating na si Lark.

"Wala naman Lark, may iniisip lang." sagot ko.

"Tungkol ba sa gagawin ninyo bukas?" tanong nito.

"Sort of." sagot ko.

"Bakit natatakot ka na baka may mangyari sayo at mabyudo ng maaga si Jaress?" nakangiti na tanong nito.

"Sira! Sa tingin mo wala ako kaagad na kapalit sa daming umaaligid sa asawa ko?" sagot ko.

"Kung sabagay nandiyan ang anak ni Senator Gutierrez, naikwento nga ni Aethos na nakita nila kanina ito doon sa restaurant nina Kuma." kwento ni Lark.

"Ahh ganon ba? Sinabi mo pa. Kaya pala ganon ang message nito." sabi ko.

"Huli ka!! Sabi na nga ba at nagseselos ka doon sa Althea. Don't worry nakita lang naman nila at hindi nila nakasama sa table." sabi nito.

"Hindi mo naman kasi maaalis sa akin yun Lark lalo na at may sinasabi sa lipunan ang pamilya niya. Samantala ako isang ordinaryong Doctor." sabi ko.

"Ano ka ba? Kabilang ka kaya sa isang Yakuza Clan at tagapagmana pa." sabi nito.

"Oo kabilang nga at anak ako ng Yakuza, pero Lark yakuza yun. Ang clan na kinakatakutan at iniiwasan ng lahat." sabi ko.

"Ano ka ba? Bakit mo iniisip yan? Heto ang tandaan mo, kahit nagmula ka pa sa Yakuza ay ikaw ang pinili at pinakasalan ni Jaress." sabi nito.

"Pero Lark, anytime pwede akong mamatay. Alam mo ang patakaran sa Yakuza. Buhay namin ang kapalit." hindi ko na napigilan ang umiyak. Oo natatakot ako na iwan ko si Jarress. Natatakot ako na mawala sa tabi niya.

"Lark hindi ko alam ang pupwedeng mangyari lalo na kapag nakaharap ko si Dane. Lark we both know na hanggang ngayon ay kaibigan pa din ang turingan natin..." hindi ako pinatapos nito.

"Ikaw siguro Zaddie oo, pero ako? Hindi ko alam magmula ng patayin niya si Daddy." matigas na sabi nito.

"Pero Lark, matagal ang pinagsamahan natin nina Dane." sabi ko.

"Zaddie kung ikaw inisip mo ang mga pinagsamahan natin pero si Dane? I doubt. Alam ni Dane kung gaano ako nangulila sa ama, pero nang dahil sa kanya hindi ko na makakasama si Daddy at hindi na siya makikilala ng magiging anak ko." ramdam ko ang galit ngayon kay Lark.

Kim ClanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon