KIM CLAN: UNEXPECTED

26 0 0
                                    

Ethro POV

Natapos na ang second day ng activities namin and as usual pagod ulit. Wala ulit ngayon ang girlfriend ko na si Aira. Kasama daw ulit ng mga kaibigan niya. At ngayon ay napagpasyahan namin na magdinner sa may malapit sa dagat at nag-inuman ng kaunti. And kami lang mga lalaki except Kayden.

Nagulat kami sa pagdating ng girlfriend ko. At parang nakainom ito.

"Hi babe. Nga pala friend ko si Gwen. Gwen boyfriend ko si Ethro at ang mga kapatid niya si Kuya Jaress at Jara." sabi ng girlfriend ko pa rin hanggang ngayon.

"Ay wala sira na naman ang gabi ko." sagot ng kapatid ko na si Jara.

"Hindi ka pa rin ba sanay Jara? Mga pinsan at mga kaibigan nila." pinakilala niya ang lahat sa kaibigan niya.

"I already know Ryle because he is my Ex. Nice to see you again Ryle." sabi nito. Ngumiti lang si Ryle.

"Talaga Gwen. In fairness he is so cute." sabi ni Aira.

"Yes Aira mas gumuwapo siya ngayon unlike dati." sagot nito.

"Sino naman siya Babe?" sabay turo kay Avea. "Di ba Gwen she is your sister slash PA?" tanong nito.

"Not anymore Aira. At hindi ko siya kapatid hindi ko nga alam kung saan yan galing ni Mama. Kahit nga si Papa hindi na siya kinikilalang anak. Actually ang nagiging connection lang namin ay nagbabayad lang siya sa lahat ng mga ginastos sa kanya ng magulang ko." sabi nito. Nakita namin na yumuko lang si Avea.

"Nga pala Babe kasali ako sa bikini contest tomorrow. I hope nandoon ka din to watch me." sabi nito.

"No need na Aira dahil kasali din si Kuya Ethro at partner sila ni ate Zinnia. Kasali nga din sina Megan at Kuya Finn." sabi ni Jara. Nung nalaman kasi niya na kasali kami ni Zinnia ay nagback out na siya.

"Talaga? I didn't know na may K pala ang isang tulad mo para sumali sa bikini contest." sabi nito at hinarap si Zinnia.

"Ang sabihin mo Aira natatakot ka lang na matalo ni ate Zinnia lalo na at ka partner niya si Kuya Ethro." sabi naman ni Jara.

"FYI Jara hindi ako natatakot. Sige babe at may practice pa kami." sabi nito at hinalikan ako sa labi sabay tingin kay Zinnia. Nagbawi na lang ng tingin si Zinnia.

"Sige Ryle see you around and sana makapanuod ka din dahil contestant din ako. Nga pala Avea pinapasabi ni Papa yung monthly payment mo. At pakisabi kay Tonyang na parehas kayong walang utang na loob maganda nga na nagsama kayo dahil parehas naman kayo." sabi nung Gwen.

"Stop treating Vea like that Gwen." sabi ni Ryle.

"Hindi mo alam kung ano ang tunay na ugali niya Ryle kaya huwag mo siya ipagtanggol!" sigaw nito.

"Ate tama na! Yung sa inyo ni Mama Toni ay ikaw naman talaga ang may kasalanan. Inagaw mo ang boyfriend niya. At yung sa akin, huwag ka.mag-alala pagkauwi ko sa Manila ay ipapadala ko kaagad sa account ni Papa. Pamilya ko pa rin kayo kahit na simula namatay si Mama ay mas lalo ninyo pa ako pinagmalupitan ni Papa. And you? Ever since naman hindi mo ako tinuring na kapatid. Di ba sa bibig na mismo ni ate Aira nanggaling na PA mo lang ako." sabi nito at umiiyak. Dinaluhan siya ng mga pinsan kong babae.

"Shut up Avea! And don't call me Ate!" sigaw nito.

"Aira please paki layo yang kaibigan mo. At pakisabi na huwag niya bastusin ang kasama namin." galit na sabi ni Kuya Aethos. Bibihira lang magalit ito pero kapag nagalit ito ay kakaiba.

"Sorry Kuya Aethos. Gwen let's go." nawala bigla ang kalasingan nito at niyaya nito sa kaibigan niya.

"Ipapaalala ko lang sa'yo Avea. Hanggat hindi ka nawawala sa landas ko I make sure that your life would be a living hell!" sigaw nito. At hinatak na ni Aira papalayo sa amin ang kasama niya. Naiwan na umiiyak si Avea.

Kim ClanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon