KIM CLAN: BLACK ROSE

24 0 0
                                    

Rue POV

"Ahhhhh! Ang sakit na talaga ng ulo ko sa case natin na ito. Lalo na at nakatakas pa yung Levi Garcia." reklamo ko. Halos anim na buwan na rin namin hawak ang kasong ito.

"Sorry, kahit kasi ang pamilya niya ay pinaalis na rin niya sa bansa." sagot naman ni Bella.

"Sayang siya pa naman ang pwede natin maging susi sa case natin." sagot naman ni Maki.

"Maki ano na ang plano mo?" tanong ko.

"Mukhang kailangan ko ngayon ang tulong ng pinagmulan ko." sagot nito.

"Pero delikado yun kapag nalaman nila na isa kang Yakuza." sabi ko.

"Isa kang Yakuza Maki?" tanong ni Bella.

"Oo. At hindi lang yun isa siyang prinsesa ng mga Yakuza at susunod na magiging pinuno ng mga ito." sagot ko.

"Shut up Rue. Hindi ako ang usapan dito kundi ang case natin." suway sa akin ni Maki.

"So anong balak mo Maki?" tanong ni Bella.

"Kukuha lang ako ng information tungkol sa mga Octopus sa pamilya ko. For sure kasi ay meron na ang mga ito." sagot nito.

"Kailan mo naman balak pumunta?" tanong ko.

"Mamaya, dahil ang alam ko ay may meeting sila mamayang gabi sa headquarters." sagot nito.

"Pwede ba kami sumama?" tanong ko.

"Malamang hindi. Mahal ninyo pa ba ang mga buhay ninyo? Kung hindi na sige isasama ko kayo." sabi nito.

"Sige na ikaw na lang mag-isa ang pumunta." sabi ko.

"Sige na at kailangan ko na umalis." sabi nito. Tapos na kasi ang working time namin at uwian na.

"Nga pala Rue van ka ngayon sa mga bar. At kapag nabalitaan ko na pumunta ka doon, sorry but I have to remove you from our team." paalala nito at tuluyan ng lumabas sa office. No choice! Pupuntahan ko na lang siguro si Lola para sabihin na buhay si Bella at kasama ko ito.

"Nga pala Bella may lakad ka ba ngayon?" tanong ko.

"Meron. Bakit Rue?" tanong nito.

"Wala naman. Sige mauuna na rin ako." at lumabas na ako sa office.

Makino POV

Pumunta ako ngayon sa Headquarters.

"Makino, buti at napasyal ka dito?" tanong ni Lolo Hanagata sa akin. Kasunod nito sina Tito Kenneth at Reign.

"Ate Maki." niyakap ako ni Reign.

"Naisip ko kasi yung sinabi mo sa akin Lolo about sa pagiging yakuza." sabi ko.

"Talaga apo? Panigurado ay matutuwa nito ang iyong ina at kung nasaan man ngayon si Darren ay tiyak matutuwa din ito." sabi ni Lolo.

"So paano tara na sa loob." sabi ni Tito Kenneth. Napansin ko na sina Tito Clarence at Tito Chin lang ang nandidito sa Inagawa Clan.

"Lolo nasaan na po pala si Tito Gab?" tanong ko. Close din kasi ni Papa yung tatlong yun. Sina Tito Gab, Tito Chin at Tito Clarence. Ito din kasi ang mga nagtrained sa akin dito bilang yakuza.

"Wala na ang Tito Gab mo." sabi ni Lolo.

"What? Paano po?" tanong ko.

"May nag-inject sa kanya ng gamot at pati rin sa mga tauhan natin kaya naitakas nila yung Levi Garcia." sabi ni Reign.

"Pero papaano po nila nalaman kung nasaan yung Levi Garcia?" tanong ko.

"Yun ang ang pag-uusapan ngayon ate Maki." sagot ni Reign. Sinalubong din ako ng ibang mga yakuza lalo ang mga 6th generation.

Kim ClanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon