Chapter 1

27.5K 721 11
                                    


Andrei

Four years later...

Apat na taon na ang lumipas since mom and dad died.

Masaya naman ako dito sa bago kong tahanan kasama ang dalawa kong kuya.

Si papa Victor naman ay nasa States dahil may kumpanya ang family namin doon. Since si dad, my real dad, ay patay na, si papa Victor na ang nagpapatakbo nito upang hindi malugi. Minsan nga lang siya umuwi dito sa Pinas dahil busy palagi ang schedule niya.

Second year high school na ako ngayon and I can say that I've grown into a fine, normal teenage kid. Not fully, but I'm quite there.

I have two brothers, who are actually my cousins but now I recognize them as my real brothers since I am now a member of their family.

Ang pinakamatanda sa aming tatlo ay si kuya Justin Clark Pangilinan, Justin for short. He's 17 years old, turning 18 in a few months and same school lang kaming tatlo since university ang pinapasukan namin. He is now a second year college student.

Pangalawa ay si kuya Jacob Clark Pangilinan, Jacob for short. He is 16 years old and same school rin kami. He is now a fourth year high school student.

Kung nagtataka kayo kung bakit may Clark ang names nila. It's because tita Alexandra, their mom, was papa Victor's best friend back in high school. Papa Victor's real name is Victor Clark Pangilinan. Pero mas nagustuhan daw ni tita yung Clark, kaya yun na lang ang ginamit niya na nickname kay tito Victor back then. Tapos ipinangalan din sa dalawa nilang anak na lalaki.

Nagkatuluyan sila nung college. But sad to say, after ipanganak ni tita Alexandra si Kuya Jacob, namatay siya a few minutes later. She was already suffering from a heart disease and hindi na niya kinaya ang pressure sa pangananak. Thankfully, ligtas naman na nailuwal si kuya Jacob.

Naawa nga ako sa aking mga kuya dahil hindi nila nakapiling ng matagal ang kanilang mommy.

Pero swerte pa rin sila dahil nandyan pa rin si papa Victor. For me, ako ang kawawa dahil parehong parents ko ang namatay sa car accident at ako lang ang naligtas.

Back to reality. Today is our first day of school and I'm a little nervous.

"Hey lil' bro. Papasok ka ba o magtutulala ka lang diyan?" Sigaw ni kuya Justin mula sa may pintuan.

Hindi ko namamalayan na pasakay na pala sila ng kotse. Damn. I was overthinking again.

"Sorry kuya, pupunta na ako diyan in a few seconds. Kunin ko lang yung bag ko sa sala." Tugon ko.

Tumango lang si kuya at ako naman ay agad na tumakbo papuntang sala para kunin ang bag ko.

After I got my bag, dumiretso na ako papasok sa kotse.

Katabi ko si kuya Jacob sa back seat while Kuya Justin is on the front seat together with manong Rencio, our driver 

"Ba't ang tagal mo? You know it's our first day right? You don't wanna be late on your first day, do you?" Naiinis na sabi ni kuya Jacob.

"Sorry kuya, it won't happen again. Promise."

"Stop that already. It"s okay Andrei, besides malapit lang naman ang university sa bahay natin. We can still make it in time." Ani kuya Justin.

Walang nang nagsalita pa at nagsimula nang mag drive si manong papunta sa university.

Sumulyap ako kay kuya Jacob na kasalukuyang naka earphones at may pinapanood sa cellphone. Nang mapansin niyang sumulyap ako sa kanya ay umiwas siya at humarap sa akin habang ang likod ng phone niya lang ang makikita ko imbes na ang pinapanood niya.

But whatever, alam na alam ko na kung ano yun. Edi ano pa ba? Kundi x-rated videos. Kailan ba titino ang isang 'to? Puro na lang kalibugan ang nasa isip.

"We're here!" Sabi ni kuya Justin.

Tinanggal na ni kuya Jacob ang earphones niya at pinatay agad ang phone niya.

Hindi nagtagal ay pumasok na kami sa kanya-kanya naming classrooms.

As usual, introductuce yourself, recess, lunch break, recess at uwian. My typical na nangyayari tuwing first day of school.

On my way to the parking lot...

"Uy bro. Birthday ni Jonas ngayon and he invited everyone to come to his house. Sama ka?" Paaniyaya ng bestfriend kong si Bryan.

"Ah ganun ba. Sorry bro, strict time ko kasi ang 6:30 eh, magagalit si papa. Kayo na lang, tas pakisabi na lang din ng happy birthday kay Jonas." Sagot ko.

Papa na rin pala ang tawag ko kay tito Victor since siya na ang tumayong magulang ko.

"Sigurado ka ba, Andrei? Sayang naman kung hindi ka pupunta. It would totally be fun, I promise." Pangungulit niya.

"Sorry talaga bro, next time na lang." Sabi ko.

He sighed in defeat.

"Tsk, fine. Para ka namang bata. Bro, we're teenagers. Normal na sa atin ang mga parties and stuffs." Dagdag pa nito.

Hindi na lang ako sumagot sa halip ay nagpaalam na lang ako kay Bryan at dumiretso ba sa parking lot ng university without waiting for his goodbye reply.

"Na naman? Bakit ba palagi kang nahuhuli?" Naiinis na sabi ni kuya Jacob.

"Kausap ko kasi yung classmate ko kanina. Gusto niya akong sumama sa birthday party ng kaklase namin." Sagot ko.

"And then?" Tanong ni kuya Jacob.

"Hindi ako pumayag. Alam kong magagalit si papa." Nakayuko kong sabi

"Good."

Pagkatapos nun ay tahimik lang akong sumakay sa kotse namin.





Don't forget to vote and comment!
You can also follow me for updates.
Thank you!

Kuya (BxB)Kde žijí příběhy. Začni objevovat