Karaniwang Pagmamahal

17 0 0
                                        

Ang Love sa tagalog ay pagmamahal,
Heto ang sagot sa lahat ng dasal.
Ang pagibig na ating iniingatan,
Ang pagibig na madaling masugatan.
Sa isip ko ay kay ganda niya,
Sa kanyang mga mata'y mabubulag ka talaga.
Magandang buhok, maputing mukha,
Di mo mapipigilan, manghang mangha ka.
Ngunit nang nakita ko siya sa personal,
Hindi yon ang aking ipinagdarasal.
Sa magandang buhok at maputing mukha,
Sa dulo pala ay kathang isip lamang.
Pero kahit hindi yon ang aking inaasahan,
Ang tibok ng puso ko'y walang hangganan.
Sa bawat oras kami'y nagkikita,
Unti-unti kong nasasabi sakanya, "Mahal na kita.".
~<o>~
Sa tuwing kami'y magusap nauubusan ako ng hininga,
Sa bawat salita niya Ay! dyus mio! Nakakakaba!
At aking mga pisngi ay unting unting namumula,
Dahil sa ngiti niyang abot langit sa ganda.
Siya ang aking mahal, Siya ang aking dangal,
Siya ang taong aking gustong makasama ng matagal,
Siya ang aking unang gustong makita sa umaga,
At siya ang aking "tiyaga para sa nilaga".
Isang buwan na kami magkasama,
Napansin ko rin na kay tagal na pala.
Kilalang kilala ko na ang aking minamahal,
Alam ko na siya ang aking ipinagdarasal.
Hindi ko na kayang hintayin sabihin pa sa kanya,
Na tayong dalawa sa hirap at ginhawa.
~<o>~
Ilang araw na lumipas masagana parin ang pagmamamahalan,
Ilang araw na dumaan at di ko siya makalimutan.
Dumating sa panahon ang halik na walang sawa,
Dumating sa panahon na nagsawa ang isa.
Nagulat ako sa aking makita,
Na ang aking mahal, ay unting-unti nawawala.
O kay bilis naman ng ganitong panahon,
Para akong tinangay ng malakas na alon.
Sinabi ko sa sarili ko, "Lumaban ka, tumayo ka",
Hindi ko kayang mabuhay ng wala ka,
Ikaw lang ang lakas ko, parte ka ng buhay ko,
Masaya sana ako, kung tumagal sana tayo.
Nawalan ako ng pagasa nang nawala na siya,
Tumatak sa isipan ko nang sinabi niya na, "Lalayuan kita".
Tumanim sa puso ko ang lungkot at galit,
Wala man lang paalam, kahit isang saglit.
Heto ako, tulala, sa isang madilim na sulok,
Mga kamay kong nakahawak sa aking mga buhok.
Sinisisi ang sarili, isipang di mawari,
Hanggang sa tanggapin ko na ang nangyari.
~<o>~
Sampung taon na ang lumipas,
Ang dusa't kalungkuta'y muli nang kumupas,
Heto ako masaya na ngayon,
Tinanggap ko na ang nangyari noon.
Natutunan ko simula sa aking mga daliri,
Na ang pagmamahal ay di madali.
Dahil sa pagasa, akala mo iyon na,
Pero sa katotohanan, pagsubok lang pala.

Karaniwang Pagmamahal - A Tagalog &quot;Short&quot; PoemStories to obsess over. Discover now