12: Kumag VS Hambog

Start from the beginning
                                    

Magsasalita pa sana ako nang bigla nya namang binuksan ang pinto ng banyo. Kaya tumambad sa aking paningin ang kanyang basang buhok, yung dibdib nyang  may tubig oang umaagos papunta sa mga abs nya hanngang sa napadako ako sa natutulog nyang alaga.

Napalunok pa ako. Huki na nung narealiza kong nakatingin na pala ako sa ari nyang noin ay unti unting nabubuhay. Kaya naman ramdam na ramdam kong nangangamatis nanaman ang mukha ko.

Pag angat ko ng aking mukha ay isang nakakalokong ngisi ni Zarex ang naabutan ko. Punyeta. Iba nanaman iniisip nito.

"Ano? May sasabihin ka ba o may iba ka pang business sa akin kaya ka katok ng katok sa banyo? Baka naman gusto mong sabay tayong maligo. Bahala ka, unguaranteed na walang mangyayari sayo. Hahahaha!!" Sabi na eh, sa dumi ba naman ng utak ng lalaking ito. Mas madumi pa ata sa ilog pasig.

"Gago ka. Pakyu. Wala akong business sayo kundi ito!" Sabi ko sabay bato ng brief nyang pinaghubaran sa mukha nya. Hahaha. Sapul ang loko.

"Ah ganun. Humanda ka sa akin mamaya hambog." Pagbabanta nya rin sa akin. Tss, sino nanamang tinakot nya?

"Sige subukan mo lang at malalagot ka talaga sa aking lalaki ka. Hala sige! Pumasok ka na nga sa banyo bago pa tumigas ang dapat tumigas!" Singhal ko sabay sara ng pinto. Narinig ko pa nga itong nagsalita ulit.

"Asus. Pakunwari ka pa. Gusto mo lang din namang tikman eh."

"Inamo. Nyeta ka talaga." Sabi ko naman.

---------------

Hindi kami makatulog ni kumag kaya naman lumabas muna kami at naglakad lakad. Wala pa namang curfew kaya okay lang tsaka diba nga, talo nanamin sila Naruto at Sasuke sa pagiging ninja.

Naglalakad kami ni kumag habang dinadama ang lamig ng hangin ng gabi. Wala lang. Nakakaclear lang ng mind kapag ganito.

Actually umabot pa kami sa UP Diliman campus. Ang laki laki kaya nun. Kaya ang sarap sarap mag lakad ng ganito tuwing gabi. Para kasi syang park na may mga ilaw sa daan.

Habang nasa ganung posisyon kami ay nagsalita si Zarex. "Tol, alam mo ba na naglayas lang talaga ako sa bahay kaya ako nakapunta sa Manila? Kasi may misunderstanding kami nun nila papa tapos sakto naman na luliwas akong Manila sa sumunod na linggo kaya sinamantala ko nang naglayas at nagpaenroll na rin. Buti nga at nakareserve na ako agad ng kwarto dati pa." Pagkwekwento nito.

Barumbado talaga tong kumag na to. "Napaka mo talaga. Grabe to. Anyway, alam mo rin bang naging Mr. Campus ako noong highschool? Ibig sabihin lang nun tol eh biniyayaan talaga ako ng angking kagwapuhan. Mga konting ligo ka pa tol bago mo ako maabutan." Inaasar ko sya kasi palagi nya rin akong inaasar na mas gwapo daw sya kesyo mas maabs daw sya kesyo mas malaki daw katawan nya. Ewan. Masyado talagang payummy tong lalaking to.

"Ano? Tanggap ko pa nung sinabi mong Mr. Campus ka dati at biniyayaan ka ng angking kagwapuhan dahik hindi naman maikakaila iyon, obvius naman tol eh. Pero yung sinabi mong konting paligo ang lamang mo sa akin? Di naman pwede yun tol. Mas gwapo naman ako sayo no!" Sabi nya at nagpose pa ito ng kunyari papogi. Bwiset din eh.

"Tanggapin mo na lang. Alam mo namang may mga bagay sa mundo na kailangan mo talagang tanggapin. Tsaka ano bang pinagpuputok ng butchi mo eh mas gwaoo nga talaga ako sayo!" Tugon ko naman sa sinabi nya.

"Ehy? Mas gwapo talaga ako, pramis!"  Di rin talaga magpapahuli eto eh.

"Mas gwapo ako, mamatay ka man!" Sabi ko rin sa kanya. Kala nya, may hirit din ako no!

"Grabe ka naman tol. Wag naman ganun. Mababawasan ang mga endagered species katulad naten. Ganto na lang..."

Akala ko kung anong gagawin nya eh humanap lang pala ng babaeng mapagtatanungan kung sino nga sa amin ang pinakagwapo.

At yun nga ang nangyare, nung nakahanap na ito ng babae, tinanong nya ito. "Miss, miss! Magtatanong lang po. Kasi kanina pa kami nagtatalo nitong bespren ko kung sino ang pinakagwapo sa amin. Ngayon, tatanungin kita miss, sino bang pinakagwapo sa amin?"

Nakita kong para namang kinikilig ang babaeng kausap nya. Saka ito sumagot. "Actually, pareho po kayong gwapo sa paningin ko. Bagay nga po kayo eh. Ayiieehh" para namang inasinang bulate si ate at nangingisay na sa kilig.

Pero ako naman ang kinilig sa sinabi nyang "Bagay kayo". Lol. Tao kami ate hindi bagay. Hahaha. pero ewan ko ba. Sumaya ako sa linyang yun.

"Aww...kami? Bagay? Si ate talaga. Pero totoo naman eh diba?" Sabi nya saka ako inakbayan at pinagpatuloy ang kanyang kung ano man ang sasabihin. Ako naman tong si ngiting ngiti na kung akala mo eh nanalo sa lotto.

"Paano ba naman kasi, dalawang gwapo no?" Pero nagulat ako sa ginawa nya na nagpakilig uli kay ate.

Tinawag nya pangalan ko. Syempre ako, haharap naman ako, tinawag ako eh.

Pag harap ko... "Tsuuuuuupppppp" nabigla naman ako ng hinalikan nya lang ako ng walang pasabi. At nakakahiya dahil nakita rin ito ng ibang estudyante't bisitang naglalakad dito sa parke. Talaga! Humanda nanaman to sakin mamaya.

Sigawan nanaman ang mga tao. Buti nga at mabilis lang yun at hindi muna sya naging malibog. Mas nakakahiya naman yun.

Natawa na lang ako pagkatapos ng halik sa pasimple syang sinuntok sa tyan. Bwiset eh.

Nagpasalamat muna sya kay ate saka kami umalis at nagpatuloy maglakad.

Kung ano ano na lang ang pinagusapan namin. Mga walang kwentang bagay ngunit nagpapasaya naman sa aming dalawa.

==========

So ayun, may part 2 pa yan. Masyado na kasing mahaba kung ilalagay ko rin dito. So separate chap na rin sya.

Hehe. Sino nga ba ang kinikilig sa tambalang KhyRex/ZaRon? Ako kasi eh. Muntanga si author no? Kinikilig sa sariling gawa Lol. May pinaghuhugatan eh. Hahaha.

Leave your thoughts/ideas/opinions on the comment box at sa mga gustong magpadedic ang magpapromote ng stories nila, leave nyo rin sa comment box. Ayos ba yon?

Okay, see you in the next chapter!!!!

It Started In The Bus [BoyXBoy] (Updating)Where stories live. Discover now