Chapter 37: The Plan

2.4K 66 3
                                    

Andrew POV

"Ohh kumain muna kayo" aya ni madam saamin ng pagkain. "Wag kayong mahiya" lumapit si madam saakin at inabot ang isang plato na may lamang pagkain. "Ikaw Andrew, kumain ka nang madami tignan mo naman yang natamo mo"

"Madam Kristine salamat po" nahihiyang kinuha ko ang plato. Sobrang bait talaga ni madam, mapagalaga at mapagalala.

"Nakoo buti nalang at nabaril ko ung sumaksak sayo!" Naiiritang sabi ni madam Kristine, nasaksak kasi ako sa tagiliran "Saka buti nalang at dinala na kita sa kotse at ginamot ko na yan--"

"Kaya nga po madam! Salamat po talaga! Kung hindi niyo po ginamot hindi pa po ako tumuloy sa pag tutulog na tapusin ang mga gagong yun"

"Ikaw talaga" nagulat ako sa ginawa ni madam na tinap ang ulo ko "Mag pagaling kana dahil mag aalala ang girlfriend mo nan"

"O-o-opo tita" umalis na si tita saakin at pumunta naman kay owen.

"Ohh ikaw OK na ba yang braso mo?" Hinawakan ni  madam ang braso ni owen.

"Tita---Madam masakit po kanina pero nung hinawakan niyo medyo nawala ang sakit" biro ni owen.

"Ikaw talaga! Pala biro ka" tinap naman ni madam ang ulo ni owen "Mag pagaling kana rin baka mag alala pa ang kapatid mo nan na si Yhait"

"Kaya nga po eh, tumatawag siya saakin pero nag sinungaling po ako sakanya baka atakihin po siya ng asthma niya"

"Nako dalhin mo yang si Yhait saakin at ipapagamot ko ang asthma niya"

"Hindi na po madam---"

"Hay nako owen, ngayon kapa tatangi? Sige na, Second week dalhin mo siya sa Saint Ignacio, bibigyan ko siya ng full pakage at ipapa eVIP ko siya. Dapat gumaling na siya"

"Salamat po madam. Sigurado po akong matutuwa po yun"

"Sige na kumain kana" ang bait talaga ni madam. "Nathan" hinawakan ni madam ang magkabilang braso ni Nathan "Kumain kana muna oh" abot ni tita ang plato ni Nathan na hindi niya pinansin kanina pa.

"Mamaya nalang po tita---"

"Mommy. Mommy nalang ang itawag mo saakin, diba?"

"A-a-ahh Mommy"

"Sige na oh" hindi naman inalok ni Nathan ang plato.

"Mommy mamaya nalang po ako kakain pag nagising na si Kenzie" ngumiti si madam at inilapag ang plato sa lamesahan.

"Ano ang sabi ng doctor? Diba sabi niya baka mamayang gabi na siya magigising?"

"Pero hindi pa den po siya kumakain--"

"Sige ka magagalit si kenzie nan kung nalaman niyang hindi kapa kumakain ng lunch" pilit na ngumiti si Nathan saka tumayo. "Oh" inabot ni madam ang plato ni Nathan. "Maupo kana muna doon" inalalayan ni madam si nathan maupo sa lamesahan.

Andito pala kami isang room na VIP. Parang ER, tatlo lang kaming nagalusan. Ako, Owen saka si Kenzie. "Tatawagan ko nalang si kervie para magpadala ng damit niyo ni Owen"

"Ay hindi na po madam ok na po ung damit namin kanina, dibale nang may dugo---"

"Ay hindi! Manahimik kayo dyan at kumain ng madami" napakamot naman kami ng ulo ni Owen. Sa totoo lang hiyang hiya na kami kay madam eh, sobrang bait nila. Ewan ko nga lang kung saan nag mana sila Kenzo at si Kenzie. May side naman sila na mabait.

The Devil queen 2 (complete)Where stories live. Discover now