Chapter 2:The Accident

7 0 0
                                    

Abbygail POV

Bakit ganoon ang trato sa akin ni ate? Diba niya ako mahal?Pero kahit anong gawin ni ate, mahal na mahal ko siya kahit ipagtabuyan pa niya ako sa harap ng madaming tao I will always love her and I will do anything for her.

Habang nagbabasa ako ng book ni Jonaxx sa kwarto ko ay bigla na lang akong nakaramdam ng kaba.

*Unknown No. Calling*

"Oum Hello?"

"Sino po sila?"tanong ko.

"Ako po si Dr.Mendoza kelangan niyo pong pumunta ngayon dito sa ****** hospital"at pinatay kuna ang tawag.

No,please. Halos umiiyak akong nagtungo sa sala.

"Oh Abby saan ka pupunta?"tanong ni yaya.

"Yaya asaan po si Kuya Edward?"

"Nasa garahe iha,bakit"

"Pakisabi po kila Mom and Dad kapag dumating sila na pumunta sila sa ****** hospital"

"Huh,bakit anong nangyari?"nagtatakang tanong ni yaya.

"I'll explain to you later,bye"at agad akong nagtungo sa garahe upang tawagin si Kuya Edward na driver ko upang magpahatid sa hospital.

"Kuya Edward tara sa ***** hospital,now"agad kung tugon kay Kuya Edward.

"Okay Ma'am"at agad akong pinag-drive ni Kuya sa hospital at wala pang 30 minutes ay nakarating na kami dahil walang traffic.

Pagkarating namin sa hospital ay pinaalis ko na rin si Kuya Edward at agad akong nagtungo sa ICU at nadatnan ko doon si Ate Nicole ang bestfriend ni ate at may ilang sugat din ito.

"A-abbygail ang a-ate mo"mangiyak-iyak na tugon ni ate Nicole at itinuro si ate na maraming sugat at nakabandage ang kaliwang paa,marami ring nakakabit na kung ano-ano sa katawan ni ate may dextrose, naka-heart monitor din,naka-oxygen at iba pa.

Agad akong lumapit kay ate at niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit. Nakabalot din ng tela ang ulo ni ate.

"Ate please lumaban ka,wag mo akong iiwan ate"umiiyak kong tugon.

Bigla namang pumasok ang doktor at agad na lumapit kay ate Nicole.

"Kamusta ka Nicole wala bang masakit sayo bukod sa mga sugat mo?"tanong ng doktor.

"Ayos lang po ako Dr.Mendoza,pero yung kaibigan ko po bakit mas malala ang natamo niya kaysa sa akin?"

 Is It Too Late? [Short Story]Where stories live. Discover now