43: Boys VS. Girls

Start from the beginning
                                    

Kaize Angelo's POV

"Kaize, may tanong ako." Tumingin siya sakin. "Bakit ang panget mo?"

"FYI Ara Jimenez, tingin mo panget pa rin ako pag tinanggal ko 'tong salamin ko?" I said with a poker face.

"Kamukha mo si Min Yoon-gi."

Tinanggal ko yung eyeglasses ko, natulala lang siya. Ano kayang iniisip niya? Tsk wag niyang sabihin...

"Ehem." Tumikhim siya tska humarap na sa board. Problema niya? Nagsulat nalang siya sa notebook niya.

Sakto naman nagstart na yung lecture namin. Pagkatapos nun, nagbreak time na.

Kinapkap ko kung nasaan yung panyo ko pero wala, asan na kaya yun?

"Anna nakita mo ba yung panyo ko?"

"Ah hindi."

"Ah ganun ba? Sige mauna na ako." Tumakbo ako palabas ng room. Nasaan yung panyo ko? Importante sakin yun eh.

Tsk nasaan na ba kasi yun!? Napapagod na ako ah.. Feeling ko mawawalan ako ng malay. May asthma pa naman ako.

Habang tumatakbo ako parang naninikip na yung dibdib ko. Hindi na nga ako makahinga sa sobrang pagod.

"Shit.." Hinawakan ko yung dibdib ko. Puta hindi na ako makahinga..

Napaupo ako sa sahig.

"Kaize?" Hindi ko makita kung sino yung nagsalita pero nakilala ko yung boses.

"Kaize ano ba!?" Inalog alog niya ako tska niya ako binangon.

Binigyan niya ako ng tubig kaya ininom ko agad yun.

"Anong nangyayari sayo ha!?" Nag aalala ba siya?

"Ikaw.." Tumayo ako. "Sagutin mo ako. Kinuha mo ba yung panyo ko?" Hindi siya makatingin sakin.

"Kasi.. Ano.." Nauutal pa siya.

"God Dammit! Nasaan ang panyo ko!?" Importante sakin yun!

"Sorry na! Sorry na.. N-nawala ko kasi.." Napayuko nalang siya. Ha! Nagbibiro ba siya? Sorry? Yun nalang yun?

"Why!?" May nangingilid na na luha sa mga mata ko. "Yun nalang ang natitira kong ala-ala kay mom.."

Napatingin siya sakin na para bang hindi makapaniwala. "S-sorry na Kaize.. Hahanapin ko nalang. Sorry.."

Napakamot ako tska ako tumalikod sakanya at humarap ulit. "Fine. Pero sa isang kondisyon."

"A-ano?"

"Tigilan mo na ako. Wag mo na akong aasarin."

Napayuko siya. "Okay.." Tapos naglakad na siya palayo.

HALA! JOKE LANG NAMAN YUN EH!!

Nagloloko lang naman ako. Hindi ko naman aakalain na seseryosohin niya. Pero siguro mas okay na yun, pero bakit ganito? Ang bigat sa pakiramdam. Na guilty kaya siya?

Eh kasi naman yun nalang naman talaga yung natitira kong ala-ala sa real mom ko. Meron akong step mother and mabait naman siya samin, parang ordinary lang yung pagtrato niya saaming magkakapatid. Bale kasi tatlo kaming magkakapatid, panganay ako. Sumunod sakin lalaki at bunso namin ay babae. Well so ayun na nga, taena parang na miss ko tuloy si mommy. π_π

Pumunta nalang muna ako ng Music Hall. Mas okay naman na siguro dito. Pagka pasok ko palang lahat ng ilaw naka patay except yung stage. May piano naman sa gitna nun.

[Now Playing: I Need U by BTS] Ate Iya's Note: Nabaliw siguro ako kaya yan yung unang pumasok sa isip ko.

Habang nagpapatugtog ako may naaaninag akong mga galaw pero hindi ko lang alam kung ano yun, hinayaan ko nalang.

*BLAG*

WHAT THE FUCK

"Ara!?" Tumayo siya tska nag ayos ng sarili. Anong ginagawa niya dito? Kanina pa ba siya dyan?

"Hehe. Bye!!" Aalis na sana siya kaso pinigilan ko.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Ah eh.. Ano.. Hinahanap ko kasi si Kyle. Oo tama! Ayun yun! Hehe."

Parang nainis ako bigla. Nairita ako. "Bakit mo siya hinahanap, ha? May gusto ka ba sakanya?"

"Ah wala ah! Wala talaga! Hindi siya yung gusto ko." Parang natigilan siya. "Sige mauna na ako!"

Ang weird niya pero hinayaan ko nalang siyang umalis.

Bahala nga siya. Mamimiss din akong asarin niyan. Nagbibiro lang naman ako kanina eh, nag iinarte lang ako kanina.

Tsk parang may kulang.. Parang may na miss ako..

"Kaize okay ka lang ba talaga? Kanina ka pa wala sa sarili mong ugok ka." Sabi ni Tinapay habang naglelesson kami.

"Okay lang ako Kie. Hayaan mo nalang muna ako." Parang wala ako sa mood. Na babadtrip nanaman ako pucha.

"Dahil ba yan sa babae?" Oo..

"Hindi."

"Naman pala eh. Kung maka emo ka dyan akala mo sakop mo naman buong mundo."

"Kie paano mo masasabi na may gusto ko sa isang tao?"

"Kung sino ang iniisip mo ngayon."

"..... Bastos ka rin eh noh?" Natawa siya.

"Teka, may napansin ako ah.." Lumingon ako at nakita ko si Andrei. "Bakit hindi ka ata inaasar ni Ara ngayon?"

"Malay ko ba dun sa babaeng yun."

"Weh?" Taena napaka kulit netong Andrei na 'to. -_-

"Hindi ko nga alam."

Taena parang may kulang talaga. Ewan ko kung ano yun pero parang malungkot ako.

"Kaize napapansin ko na kanina pa tahimik si Ara. Alam mo ba kung bakit?" Tanong sakin ni Anna. Umiling ako sakanya. "Hmm."

Nung nagbell na, uwian na. Lahat naman ng kaklase ko umuwi na din, pati sila Christian. Kaming dalawa nalang ni Ara yung nandito.

"K-kaize.." Naiilang si Ara. Taena ako din eh.

"Oh bakit?" Sige mag inarte ka lang. Kingina -_-

"Eto. Nahanap ko na." Inabot niya sakin yung panyo, nakatingin lang ako sakanya. Haha kunwari galit pa din. >_<
"Eto na nga! Ayaw mo?" Nakatingin lang ako sakanya. Haha ang ganda pala niya pag naaasar.

"Kung galit ka pa din sakin okay lang.." Parang naaawa naman na ako. Sige na nga, ayoko nang magpaka martir. Taena talaga.

"Sige na sige na. Tsk." Kinuha ko nalang yung panyo. "Basta wag mo na akong aasarin."

"Hala! Hindi patas!"

"ANO!?"

"Aasarin pa din kita. Pinatawad mo na nga ako eh." Kumindat pa si loko.

Seriously!?














Itutuloy.....
________________________________
Ate Iya's Note:

Badtrip. Sorry po kasi baka matagalan yung next chapter ko. May jetlag po kasi ako eh kaya baka hindi na ako makakapag update ng biglaan. Tska nga po pala malapit na pasukan namin, every saturdays nalang ako makakapag update. So sad :(

Nga pala hindi Iya ang real name ko. Haha lol intindihin niyo na. Mahal ko kayo! >_<

Na realize ko na kailangan din palang I-cast member sila Andrei tapos yung mga ibang kaibigan nila Anna. So eto na yun.. Linagyan ko na rin. Haha ^_^

[COMPLETED] Lucky I'm Inlove With My Bestfriend Where stories live. Discover now