Chapter 1 Journey to Manila

62 2 1
                                    

Ted : Miko.. Ikaw na ang bahala kay Carmela ah.. Hindi kasi talaga sya pwede sa dorm ko bawal ang babae.. Tapos di naman pwede sa tita ko strict kasi muntik na sya isoli sa bahay nila eh..ayaw naman nya umuwi sa kanila.. Wala naman magtutulungan satin kundi tayo tayo lang magkaka clan mate.. Ingatan mo sya ah.. Chiks pa naman yan.. ( sabay ngiti ni Ted sakin at kay Miko ng paalis na sya ng condo nila Miko)

Hi ako nga pala si Carmela.. 18 years old ako ng lumayas ako sa amin..Umalis ako sa probinsya at nag tungo ng Manila ng walang matinong plano kundi ipakita sa family ko at mga kamag anak ng Papa ko na kaya kong tumayo sa sarili kong paa ng di ko kailangang magpakasal sa mga matatandang foreigners na mayayaman na nag ooffer sakin ng kasal. Hindi ko sasabihing napakaganda ko. Pero madalas akong sumali at manalo sa mga beauty contest sa probinsya namin.. Sa mga contest na nasasalihan ko may mga foreigners na nakakapanood at nag ooffer sakin ng kung ano ano.. Naalala ko pa noong 16 years old ako ay may mayamang foreigner na negosyante ang nagpakilala sakin.. Chris ang name nya.. African American at multimillionaire sa lugar namin. 52 years old na sya that time.. I thought mabait sya at tinuturing nya akong anak nya.. Nakita nya ang payak na pamumuhay na meron kami sa probinsya.. Nangako syang pag aaralin nya ako ng law.. Tuwang tuwa ako noon kasi pangarap ko makapag aral sa private school. Pero akala ko abot kamay ko na ang pangarap ko.. Isang araw ay kinausap nya ang mga magulang ko.. Malaki dw ang magagastos nya sakin.. That time naipasa ko na ang entrance exam sa school na pinaka magandang mag aral ng law sa lugar namin. Sinabi ni Chris sa mga magulang ko na pag aaralin nya ako ngunit pagdating ko ng 18 years old kailangan ko syang pakasalan. Syempre umiyak ako ng sobra.. Akala ko kasi matutupad na ang pangarap ko.. Akala ko isa syang anghel na pinadala ng Dyos para tulungan ako. Hindi ko tinanggap ang offer nya.. Hello? Bakit ko papakasalan ang isang taong di ko naman mahal at mas matanda pa sa tatay ko.. Tinry pa din nyang kausapin ang mga magulang ko para iconvince ako. Pero ayoko talaga manggamit ng tao para sa ikabubuti ko. Kaya di ko tinanggap.. Sinubukan ko mag aral ng BS HRM sa lugar namin pero di ko natapos dahil kulang talaga kami sa pera.. Ng mag stop ako ng pag aaral.. Palage ni Papa nababanggit na sana tinanggap ko na lang yung offer saki ng african na yun. Di ko daw ginamit ang utak ko at ganda ko.. Kahit mga kamag anak nya ay yun ang sinasabi sakin.. Kaya ayun ang nag trigger sakin na lumayas ng bahay.. Sa pag alis ko ng bahay ang dala ko lang ay isang supot ng damit. Mga papeles ko na katunayang nakapag college ako kahit di ko natapos at P250.00. Oh db? Ang lakas ng loob ko umalis ng bahay ng walang ka pera pera at walang siguradong pupuntahan.. Naalala ko pa na para makatakas ako sa bahay ay nag sinungaling pa ako sa mama ko..

Mama : Anak .. San ka pupunta? Akala ko wala kayong pasok ngayon?
Carmela : Ah kailangan daw po namin ulitin yung role playing namin sa school kaya dala ko mga costume ko. Balik din po ako agad pagkatapos.
Mama: Oh sige anak.. Mag ingat ka pag uwi mo..
Carmela : Opo ma.. Pero sa loob loob ko..
(Sorry Ma.. Kung kailangan kong gawin to.. Di ko na kasi kayang tiisin na araw araw pinapamukha sakin ni Papa na wala akong kwentang anak dahil di ko natapos ang pag aaral ko. Gusto ko naman magtapos pero nakikita kong di mo na kayang sustentuhan ang pag aaral ko.. Alam o ako ang panganay at ko ang dapat mag ahon satin sa hirap..Sorry Ma.. Babalik ako pag okay na ang lahat.. Papakita ko kay papa at sa mga kamag anak nya na may mararating ako at di ko kailangan pumatol ng dirty old man para magkaron tayo ng maayos na buhay.. Mahal na mahal ko kayo ma.. Mag iingat kayo palage..

Umiiyak akong umalis ng bahay.. Dala dala ang isang supot na damit at ang mga papeles ko at ang perang hiniram ko sa bestfriend kong si Maricar. Habang nasa bus ako ay nag gm (group message) na agad ako sa mga ka clanmate ko kung sino ang pwedeng umampon sakin habang nag hahanap ako ng trabaho sa manila.. GM ang tawag noon sa group message.. Madalas ginagawa to ng mga teenager na mahilig sumali sa mga clan.. Ang Clan ay grupo ng mga taong makikilala mo sa pag gamit ng cellphone through text ipapa welcome ka sa group na yun at makakakilala ka ng ibat ibang klase ng tao. Pwede mo silang ma meet sa tinatawag nilang GEB (GRAND EYEBALL) or MEB (MINI EYEBALL). Patok na patok ang mga clan sa mga teenager noon na tulad ko.. Swerte mo kung mapunta ka sa matinong clan dahil minsan may mga puro bastos kang makikilala.. Sa case ko matitino naman ang nasasalihan ko.. Addict kasi ako sa texting nun kaya mahilig ako sumali ng ibat ibang clan.

Sa kasamaang palad ay wala pang nagrereply sakin noon kaya napilitan akong mag text sa isang ka textmate ko.. Na wala akong idea kung anong itsura nya or ugali nya..

Carmela : Patrick pwede bang makituloy sayo? Kasi lumayas ako samin eh.. Wala ako tutuluyan.. Pero mag apply naman ako ng trabaho agad. Yung magagastos mo sakin babayaran ko agad sayo sa unang sahod ko.. Please?
Patrick : sure no worries.. San kita susunduin? Ipagpapaalam muna kita sa land lady pero kunwari mag pinsan tayo para di ka na singilin sa rent ng bahay okay?
Carmela : okay po.. Thanks talaga ng madame ah.. Umm.. Kasi hanggang Alabang lang alam ko puntahan sa Manila eh.. Masusundo mo ba ako dun?
Patrick : Sige walang problema.. Hintayin mo ako ng 2pm dun.. Punta lang ako ng office para kumuha ng sweldo.. Ingat babe..
Carmela: Babe???
Patrick : Joke lang po.. Sige see you later..

Bago ako mapunta kina Miko madame muna ako pinuntahan para makituloy.. Haha ayan kasi risk taker ako masyado kaya walang back up plan palage.. Balik tayo sa pag hihintay ko kay Patrick.. Well Patrick ang gusto nyang itawag ko sa kanya kasi hawig daw nya si Patrick Garcia.. Hmmm..

Flash Back waiting for Patrick Garcia "daw"

Asan na ba yun? 6pm na wala pa din.. Kinakabahan na ako.. Baka indianin lang ako nito ah.. Ang sakit na ng tummy ko.. Gutom na ako talaga.. Oo nga pala hindi pa ako nakain mula umaga.. Nahihilo na ako sa gutom.. Hindi actually naduduling na ako sa gutom.. Maitext nga yun.. 2pm daw eh 6pm na.. Nakakainis..

Carmela : hello.. Asan ka na po? Akala ko 2pm? 6pm na kasi.. Dadating ka pa ba? Textback asap..
Patrick : babe sorry.. Kasi andito pa ako sa office ang tagal ibigay ang sahod.. Kumain ka na ba?
Carmela : Ah I see.. Not yet wala na ako pera eh..
Patrick : don't worry papakainin kita later.. Sorry po talaga..

Carmela's POV
I hate it pag tinatawag nya ako "Babe" nakakainis! Feeling boyfriend.. Haist no choice lang ako.. Well kung kasing gwapo nya talaga si Patrick Garcia eh pwede na.. Hahaha! Pero ang tagal naman nya sobra.. Ang sakit na ng paa ko kakatayo dito.. Naka heels pa naman ako.. Ayoko naman pumunta kung saan baka maligaw ako or ma jay walking.. Tatanga tanga pa naman ako sa Manila.. Sana dumating ka na..

Phone beeping..
Tutuut.. Tuutuut..

Patrick : Babe san ka na? Andito na ako.. Anong kulay ng damit na suot mo?
Carmela : Naka sando akong white at skinny jeans at heels.. Naka shades ako..
Patrick : Ah sige nakita na kita.. You look gorgeous.. Papunta na ako sayo..
Carmela : okay thank you

Maya maya pa ay may humawak na sa balikat ko..

Patrick : Hi.. Carmela right?
Carmela : nakatingin lang ako sa kanya.. Yyyesss..

Abangan kung ano nangyare sa pagkikita nila..





This is my very own story.. Do not distribute.. Publish.. Transmit.. Modify or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way.. Please obtain permission..

Copyright © LordGrim1030

No soft copy

Premonition? Or Fate?Where stories live. Discover now