F10: Sun Changes

14 12 0
                                    


*Monday, 6:00 a.m., X-House--

Her POV

Maaga akong bumangon sa kama, dumiretso na rin ako ng banyo para maligo at maghanda sa trabaho. Isang Beige sleeveless polo at slacks ang napili kong isuot na tinernohan pa ng itim na leather shoes. Bumaba ako at nagtungo sa kusina. Nagulat si aling Celly ng makita niya akong nakaayos na.

"Papasok ka na ba hija?" malungkot niyang tanong sa akin.

"Opo aling Celly, sa opisina na lang po ako kakain." ngumiti na lang ako sa kanya ng mapakla at nagmano bago umalis sa pamamahay ng X-vox.

Six-thirty pa lang ay nasa kompanya na ako. Nakakapanibago pero kailangan ng masanay.

"Good morning, Mila." Napalingon ako sa tumawag sa akin at napangiti ako sapagkat si Val pala ang bumati sa akin.

"Good morning too, Val. Gah!! I missed you!!" bati ko din sa kanya at saka ko siya niyakap. Ang tagal na din pala namin hindi nagkakasalubong. Na-miss ko rin talaga ang kadaldalan niya.

"You're so early, Val." pagtatanong ko sa kanya.

"No, its only exact time for my arrival, Mila, how about you? as much as I know your arrival was 7:30, right?" napatingin na lang ako sa kanya. Mas maaga pala siyang pumasok kesa sakin.

"Are you going now, Mila?" Umiling-iling ako sa kanya kaya at ngumiti. Ngumiti rin siya at nag-ayang pumunta sa caféteria Pumunta nga kami at kumuha ng kape habang ako naman ako kumuha ng mga biscuits sa cabinet. Umupo kami pagkakuha sa mga kakainin namin.

"So, how are you?" pagsisimula niya habang hinahalo ang kape niya.

"I'm perfectly fine. How about you?" balik ko sa kanya at sinimulang buksan ang biscuits.

Nagka-kwentuhan pa kaming dalawa hanggang sa abutan na kami ng work hours na gamuntikan na naming makalimutan sa sobrang tagal ng tsismisan namin. Hay!! back to work na!! Kaja!!

Maghapon ang matuling lumipas sa aming mga trabaho, as usual may mahaharot na sa mga ka-trabaho ko. Si Cassi kasi ay may M.U. na kay Shane, yong negrong singkit, hehehehe. At si Sonja--

"Errr!! Lavie!!! get back my mouse!!!" naputol ako d'on kasi naggagantilan sila ni Lavie at Sonja sa buong office.

"Lavie!!!" habol pa ni Sonja kay Lavie.

"Hahahaha, you want it? Come and get it baby." nangingising pang-iinis sa babae ka-trabaho din namin. Natatawa na lang kami para sa kanilang dalawa kaya kinakantyawan namin sila ng malakas.

"Hey! don't you know that most of people are coming home with that?" kantyaw ni Brook sa dalawa ng nag-aabutan na sila sa mouse.

"Hahahaha, nevermind them Brook." paninita naman ni Mi She sa katabi.

Naiiling na lang ako sa kanila habang pinagpapatuloy ang pagto-troubleshoot ng mga network system. Ilang sandali mula ng bumalik ako sa ginagawa ko ay bigla na lang nag-ring ang phone ko. Dinampot ko ito at nakitang sila mama pala ang tumatawag. Mabilis akong tumayo at lumabas sa kumpanya patungo sa front outdoor Du Ching. Kaya hingal na hingal akong sinagot ang tawag nila.

"Hello ma?"

"Hello anak? kamusta ka na dyan?" tanong nila mama. Bumuntong-hininga ako bago sumagot.

"Ayos lang po ako ma, pasensya na po kung hindi ako nakakatawag sa inyo ha? medyo busy na po kasi ang anak ninyo. Kamusta na po pala kayo ma?" pinilit kong siglahan ang boses ko kahit na sa totoo at gusto ko ng umiyak sa phone ko.

"Ano ka ba anak, ayos lang kami, alam naman naming hindi biro ang trabaho mo dyan. Naiintindihan ka namin anak." Lihim kong pinumasan ang mga luha ko sa mata at pilit pa ring tumawa.

"Salamat po sa pang-unawa ma, hayaan niyo po babawi ako kapag nakauwi ako dyan." medyo gumaralgal ang boses ko, tumikhim ako ng isang beses.

"Salamat din anak, miss ka na rin kasi namin ehh. Marinig lang namin ang boses mo anak magiging panatag na kami." at dahil sa mga sinabi ni mama, wala na di ko na napigilan ang maiyak sa telepono. Ghad!! I really miss them so much!!

"Oh bakit parang umiiyak ang aming prinsesa, huh?" pinahid ko ang luha sa mata ko at suminghot ng sipon.

"Wala po ito ma, sadyang miss na miss ko na po kasi kayo ni papa kaya po ganito. Salamat po ma." ngumiti ako kahit na pinagtitinginan na ako ng ilang guards doon.

"Walang anuman anak, lagi kang mag-iingat ha? bye anak." at pinutol na nga ni mama ang tawag. Napaupo ako saglit para ilabas ang konting lungkot at pangungulila sa puso ko. Iyak ako ng iyak at hindi ko napansin na may nakatayo na pala sa harapan ko.

"You need this?" napaangat ako ng mukha at napatayo ng wala sa oras. Si Xan nasa harapan ko at may hawak na panyo, suot ang hoody jacket niya at black face mask ay agad ko siyang nakilala sa boses.

"Xan? what are you doing here?" umupo siya sa bench na malapit sa amin at hindi sinagot ang tanong ko. Sumunod ako sa kanya sa bench pero magkalayo ang distansya namin.

"I don't know, I scrolling alone the town and my feet get me here." tipid niyang lintaya sa akin, natahimik ako sa pagkakaupo ko ng maya-maya'y inilahad niya nanaman ang panyo niya sa akin.

"Take this you need this." kahit nag-aalangan ay kinuha ko ang panyo sa kanya. Napatingin ako sa panyo ng bigla siyang tumayo at lumapit sa akin. Kinuha niya ulit ang panyo at pinunasan niya mismo ang basang pisngi ko. Nagulat man ay hindi ako nakatutol sa ginawa niya. Matapos iyon ay binalik niya sa kamay ko ang panyo ay tumalikod na lang siya sa akin. Nakakawindang man ang ginawa niya ay mahinang nagpasalamat ako sa kanya kahit na malayo na ito sa akin, saglit siyang huminto pero kalaunan ay naglakad ulit ito palayo sa akin.

Matapos ang nangyaring iyon ay hindi na ata bumalik sa mundo ang utak ko. Kahit na tapos na ang oras sa trabaho na hindi ko na na-concentrate ang pag-eedit na ginagawa ko. Tumingin ako sa relo ng department namin at alas-siete na ng gabi. Nakasalampak ako sa office chair ko bago patayin ang computer unit ko, inayos ang ilang gamit sa mesa ko. Gayon din pagpatay ng ilaw dito sa department namin saka naglakad pauwi.

'Xan.'
-----

-Yuki

Just a FangirlWhere stories live. Discover now