"Niloloko nyo ba si Keifer?"

Sunod-sunod silang nagtayuan at agad na nagpalipat-lipat ng tingin samin ni Yuri. Hinihintay kung may sasagot kahit isa samin.

Kingina naman!

Tinignan ko si Josh na may pakiki-usap pero inirapan lang nya ko. Anu bang nagawa ko sa kanya? Bakit ganun nalang ang galit nya sakin? Sobra ba kong nakagulo sa Section nila para magalit sya sakin ng ganito?

"Anu?! Wala bang sasagot sa inyo?!" Galit na tanung ni Felix.

Hindi ako makasagot. Wala akong maisip na sabihin. Kasi totoo yun! Totoo yung engagement na yun pero pinili naming ilihim sa kanila.

"Keifer! Wala ka man lang bang sasabihin?!" Inis na tanung ni Rory sa kanya.

"That engagement is a deal between there family. Jay-jay and Yuri has nothing to do with it. End of discussion." Mahinahong sagot nya.

"Syempre alam mo... Pwede ba namang hindi." Sarcastic na sabi ni David.

Agad syang tinignan ng masama ni Keifer. Humakbang sya palapit kay David kaya naman agad akong pumagitna.

"Keifer! Tumigil ka!"

"Don't you dare talk to me like that. You think i'm stupid?!" Galit na bunton nya kay David. "...I know what your doing behind us. I know your working for Percy!"

"Anu?!" Galit na sigaw ni Felix at agad na lumapit kay David. "...may contact ka kay Percy?! Totoo ba yun?!"

"Tangina! Anu pang hindi namin alam?!" Galit na sabi ni Drew.

"Bakit hindi ikaw ang sumagot nyan?!" Sigaw sa kanya ni Denzel. "...akala mo ba hindi namin alam na nagsusugal ka na naman?!"

"Wala kang paki sa bagay na yon! Unahin mo yung asawa't anak mo na hindi mo naman kayang panindigan!"

Agad na lumipad ang kamao ni Denzel sa muka ni Drew. Pumagitna si Mayo sa kanila para awatin sila.

Nagkakagulo na naman sila. Kanya-kanya ng awat sa mga nag-aaway. Nayakap lang ako kay Keifer na pilit nakikipag-talo kay David kasabay ni Felix.

"Wag ka nga magmalinis! Baka nakakalimutan mo yung mga pinag-gagawa mo!" Sigaw ni David kay Keifer.

Hindi na nagpa-awat ang Hari at tuloy-tuloy na lumapit kay David para makipag-suntukan. Napunta ko sa gitna. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Lahat sila nagkaka-gulo na naman. Kanya-kanya ng gulo at awat.

Ganun nalang ang panlulumo ko. Kasalanan ko to. Wala ng dapat ibang sisihin dito kundi ako. Hindi naman sila magkakaganito kundi dahil sakin.

"Kasalanan mo to! Umalis kana sana sa Section namin nung may pagkakataon ka pa!" Galit na sisi sakin ni Josh.

K-kasalanan ko.

Gusto kong sumagot sa kanya. Gusto kong ipagtanggol ang sarili ko sa mga pinag-sasasabi nya. Pero wala akong ibang nagawa kundi ang tignan sya habang kusang bumabagsak ang luha ko.

"Wag mong pagsasalitaan ng ganyan si Jay-jay!" Galit na sigaw ni Ci-N bago sumugod kay Josh.

Nagsusuntukan na rin silang dalawa. Pinilit ko silang pigilan pero tinulak lang nila ko palayo. Napaluhod nalang ako sa panlalambot.

"Tama na..." Halos wala ng lumalabas na boses sakin pero kailangan ko silang patigilin. "...Tama na! Please!"

Wala pa ring nakikinig. Huminga ako ng malalim para pigilin ang pag-iyak ko. Umayos ako ng tayo para makita silang lahat. Kailangan na nilang huminto.

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon