Heart 1

20 2 0
                                    

Magkaiba ang gusto sa mahal. Alin nga ba tayo don? Hindi mo masabing mahal mo ako pero pinaparamdam mo. Hindi mo kayang ipakita na mahal mo ako pero sinasabi mo. Yung totoo? Gano kataas ba ang ating grado? Bakit sobrang labo?
Maiba tayo. Simulan natin sa simula. Halungkatin nating ang nakalimutang alaala. Ang matatamis na alaala kung saan una tayong naging masaya. Mga alaalang sa tuwing nagtatagpo ang ating mga mata tayo'y masaya. Walang halong iba, kundi pawang kaligayahan lamang. Ang saya balikan diba? Sana nanatili na lang tayo sa alaala para hindi na matapos ang saya.
Pero teka.. Hindi naman lahat ng alaala masaya diba? Aminin nating parehas tayong nasaktan. Bakit? Una dahil magisa akong lumaban. Pangalawa takot kang sumugal. Bakit ka nga ba takot sumugal? Diba kapag mahal mo handa kang gawin ang lahat. Ah oo nga pala, hindi nga pala buo ang pagmamahal mo. Tama ako diba? Dahil panakip butas mo lang ako.
Wag mo nang itanggi, dahil hindi ako manhid.
Siguro nga hindi tayo tinadhana. Siguro nga pinagsabay lang tayo ng daan pero magkaiba parin ang landas. Siguro nga dumaan lang ako sa buhay mo. Baka nga plano to ng May Kapal.

Salita ng PusoWhere stories live. Discover now