[39] Plan

431 8 1
                                    

*Chapter 39: Plan

Kakauwi ko lang galing school. Okay naman ang first day ko sa PBU, masaya. Down to earth ang mga tao doon.

Pero di ko rin maiwasan ma-miss ang BOF at QUEENS.

Ang kwentuhan ng mga QUEENS, ang kakulitan ng BOF. At ang pagsasama nilang lahat.

*sigh*

Kung di siguro nangyari tong lahat, masaya pa rin akong kasama sila.

Si Wyane ang may kasalanan ng lahat. Hindi masisira ang buhay ko kung hindi ko sya nakilala.

Handa na ako. Handa na akong harapin ulit sya at ipadama ang sakit na naramdaman ko noon. Pero ang tanong, saang lupalop sya nandodoon?

Hindi ko naman pwedeng tawagan si Terence dahil umiiwas na nga ako sa kanila. Si Ryan nalang.

Pinuntahan ko sya sa kwarto nya. Busy sya sa pagla-laptop

"Ryan, alam mo ba kung nasaan si.....Wyane" lumingon sya sa akin.

"The hell Mizel, hanggang ngayon ba Wyane pa rin?" galit nyang sabi

"Look, everyone deserve a second chance"

"except him" dagdag ni Ryan

"Ryan naman!"

"Mizel! I'm trying to protect you! Tapos ikaw tong nagpupumilit. Mizel, kapag nasasaktan ka mas nasasaktan kami ni dad" Doon ako napatigil. "Just forget him Mizel."

*sigh*

I know I'm selfish right now. Pero hindi nya lang ako nasaktan physically, sinaktan nya rin ako emotionally. Kaya sorry Ryan, I have to do something just to make him realized how I'm hurt right now.

Pumunta ako sa kwarto ko at kinuha ang cellphone ko. Sinearch ko sa contacts ko ang number ni Terence. Sabi ko hindi na ako makikipag-usap sa BOF at QUEENS pero ito nalang siguro ang paraan para magawa ko ang plano ko.

Dinial ko na yung number ni Terence.

"Mizel!" Nagulat ako nang mabilis sagutin ni Terence ang phone nya. "How are you? Nasan ka?"

"I'm fine Terence. I'm here in our house." sagot ko

"Pupuntahan kita"

"No Terence. Wag na."

"Why?"

"Alam mo ba kung nasaan si Wyane?" pag-iiba ko. Napatigil naman sya.

"Terence?"

"S-si Wyane pa rin ba hanggang ngayon?" bakas sa boses nya na malungkot sya.

I'm sorry Terence.

"He's at X village XX Street. He's living there with Ate Shane"

Ate Shane? He has a sister?

"Thank you Terence"

"Mizel, please do take care. If you need help, I will always at your side to help you"

"Thank you" then I ended the call.

Nag-ayos ako ng sarili ko at dali-dali akong pumunta sa address na sinabi sa akin ni Terence.

Magdo-doorbell na sana ako pero nagulat ako nang may marinig ako na nabasag sa loob ng bahay nila. Dali dali akong pumasok. Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang isang lalakeng nakabulagta sa sahig at sa tabi nito ay isang basag na bote.

"The hell? Gusto mo bang magpakamatay?" galit na sabi ko sabay punta sa kanya at itinayo sya dahan dahan.

"M-Mizel?"

*Be Ready My Butler*Where stories live. Discover now