Huling Sayaw

98 5 1
                                    

G/N: #Starry new labteeem ko ♡ HAHAHA! Please enjoy mga broken d'yan! XD

Dedicated to: Mandypamor and Liaaaaah16

Basahin niyo yung ka-drama-han ko ngayon babies, labyu ♡

~*~

Stelle's Pov

Heto na naman. Ang pinaka-ayaw ko sa lahat, para kasing graduation din 'to, pero ito ang pinakamemorable sa high school life. Ang JS Promenade. Ang pinakamahalaga na event para sa mga estudyante. Syempre, baka daw kasi magkaroon sila ng chance na makasayaw yung mga crush nila. Ako, mahalaga 'to sa akin kasi.. kasi... this is our last promenade.

Napatingin ako sa mga nagsasayawan sa dance floor, ang sweet nilang lahat tignan. Sa event na 'to, na-realize ko na may mga tinatagong kagandahan at kagwapuhan pala ang mga schoolmates ko, hahaha. Napatingin ako sa lalaking papalapit sa aking gawi.

"Stelle.." he said.

Tinaasan ko lang siya ng kilay, "ang panget mo pa din, Harry," sabi ko.

He smirked, "pogi ko kaya, tara sayaw tayo?" sabi niya.

Tumayo ako at tinignan siya mula ulo hanggang paa. Normal naman siya.

"Hey, minsan lang ako mag-aya ng babae. Tara na, alam ko namang gusto mo rin akong kasayaw," sabi niya.

Nginisian ko lang siya at 'di ko alam kung paano niya ako nadala sa dance floor. Yung dance floor, medyo crowded. Pero nung nakita namin na hindi crowded sa gitna, doon niya ako dinala. He placed my hands on his shoulder, and he placed his hands on my waist. I looked around, lahat sila ang sweet.

"Seriously, Stelle? Bakit 'di mo ko matignan ng diretsiyo sa mata?" tanong niya.

Napatingin tuloy ako bigla sa kan'ya.

"H-ha? A-ano? Anong pinagsasabi mo? Tinitignan nga kita, eh!" sabi ko.

Nilapit niya ang kan'yang mukha sa akin. He's so close. I bit my lower lip.

"Bakit?" tanong niya.

Napaiwas ako ng tingin. Hindi ko siya matitigan habang sumasayaw. Comfortable naman kami sa isa't-isa, hindi ko lang siya matitigan ng matagal sa mga mata, kasi... kasi gusto ko siya.

"Iisipin ko na talaga na yung ibang tao yung kasayaw mo ngayon, at hindi ako," sabi niya.

Napakapit bigla ako sa shoulders niya dahil may nagbump sa amin.

"S-sorry," sabi ko.

Mas lalo niyang hinigpitan ang paghawak sa beywang ko. I can smell him.

"Well, baka gusto mo na tumingin sa akin," sabi niya.

Kapag tumingala ako at nakatingin siya sa akin baka.. baka magkiss kami.

"H-ha? O-okay na 'to," sabi ko.

Naramdaman ko yung kamay niya na hinawakan yung chin ko at itinaas. Nagkatinginan kaming dalawa sa mga mata. Sobrang lapit ko sa kan'ya. Actually hanggang tenga lang niya ako.

Huling SayawKde žijí příběhy. Začni objevovat