Chapter 7- SA

22 6 0
                                    

Zelle's POV






Hinatid ko muna si Drake sa Starbucks since doon naman siya pupunta at the first place, at ako naman ay dumiretso na sa bahay.

"Hi Manang!" Bati ko.

"Ma'am Zelle, gabi na po bakit nasa labas pa po kayo? At saan po kayo galing?" Nag-aalalang tanong niya sa akin.

Napangiti naman ako kasi kahit papano ay may nag-aalala papala sa pagkawala ko kahit sandali lang.

"May tinulungan lang po akong kaibigan. Sige po manang, aakyat na po ako sa taas, medyo pagod na rin po ako eh. Ikaw rin po, magpahinga ka na."

Umakyat na ako papunta sa kwarto ko at humiga sa kama.

Napaisip naman ako sa sinabi ni August kanina. Kaya ko pa kaya siyang pagkatiwalaan ulit? Aisshhhh!!!! Ano ba yan August! Ginugulo mo nanaman ang utak ko eh!

Nagpalit muna ako ng damit at tinungo ang daan papuntang dreamland.








*************

"Ma'am Zelle gising na po, sabi po ng mommy niyo na mauuna na raw po siya kasi may meeting pa siya, kumain na raw po kayo sa baba para hindi kayo ma late."

Dahan-dahan ko namang binuksan ang mga mata ko. Nakita ko si Manang na nakatayo sa gilid ng kama ko.

"Anong oras na po ba Manang?"

"6:50 na po."

7:30 magsisimula ang class naman kaya may sapat pa akong oras upang maghanda.

"Ahh sige po, maliligo po muna ako." Sabi ko at dumiretso sa banyo.

Kung tinatanong niyo kung bakit si manang lang ang palaging kasama ko yun ay dahil busy si mommy sa work. Hindi naman ako yung klaseng anak na nagtatampo kasi inuuna ng magulang ang trabaho nila, okay lang naman sa akin na unahin muna ni mommy ang work niya.

Kasi naman diba? Anong kakainin ko kung hindi siya magtratrabho? Anong uuwian ko? Anong susuotin ko? Lahat ng mga pangangilangan ko ay na su-sustain ni mommy dahil sa pagtratrabaho niya. At alam kong pagod si mommy sa work niya kaya hindi ko na siya kinukulit pa.

Another question na baka nasa isipan niyo. Nasaan ang daddy ko?


Ewan ko. Try niyong pumunta sa presinto baka nandun. Eh sa laki ng kasalanan niya kay mommy bagay lang sa kanya ang makulong!

Hindi ko ni minsan nakita ang daddy ko. Hindi ko alam ang pangalan niya. Ang kwento lang sa akin ni mama ay pagkatapos niyang sabihin na buntis siya at si daddy ang ama, itinakwil na kami ni daddy. Hindi niya ako pinanagutan.

Aisshhhhhhhhhhh! Yoko ng magkwento baka kung saan pa ako pupunta.

Natapos na akong maligo at magbihis. Bumaba na ako para mag breakfast. Sinalubong naman ako ni Manang.

"Ma'am Zelle, may nagpapabigay po sa inyo nito." Tsaka inabot niya sa akin ang isang bouquet of flowers.

"Kanino raw po galing?"

"Hindi ko rin po alam eh. Nakita ko lang ho to sa gate kanina tapos may sulat rin po na ipabibigay sa yo." At inabot niya sa akin ang sulat.

Zelle,

I don't have enough courage to show myself to you. Pero hayaan mo naman akong magbigay ng mga regalo para maipakita ko ang aking pagmamahal para sa yo.

-SA



"S A? Ano yun?" Takang tanong ko.

"Baka secret admirer?" Sagot ni Manang.

Ay oo nga! Mabuti pa si Manang alam niya. Pinalagay ko naman muna kay Manang yung bulaklak sa kwarto ko at ako naman ay nagsimula ng kumain.
















*********

"Bess bakit naman biglaan?" Malungkot na tanong ko kay Francine (a/n: go back to the first 3 chapters kung hindi niyo siya naaalala.)

"Hindi ko nga alam bess Zelle eh! Ayokong pumunta ng London pero pinipilit ako nila mommy at daddy! Huhuhuhuhuhuhhuu!"

Tama yung nabasa niyo. Pupunta na siya ng London. Iiwan niya na ako!

"Wala naman akong laban diyan sa parents mo eh. Pero mag sa-skype pa rin tayo bess ah? At huwag na huwag na huwag mo akong ipagpapalit ng ibang bestfriend! Kundi babatukan talaga kita!"


"Oo naman Bess Zelle! Hindi kita kayang palitan! Loyal ako no! Ikaw lang ang nag-iisang bestfriend ko sa buong mundo! From north pole to south pole! From mercury to Pluto! From tropic of cancer to tropic of capricorn! From—"

Bago pa niya ipagpatuloy ang mala speech niyang sasabihin eh naunahan ko na siya.

"Hep hep hep! Alam ko na bess, panatag na ang loob ko. Pero kailan ka ba aalis?"

"Bukas ng hapon." Mahinang sambit niya.

"Bukas?! Agad-agad?! Nagmamadali?!" Gulat na gulat naman na tanong ko.

Grabe hindi ko naman akalain na bukas na yung flight niya! Akala ko may next week pa, o kaya next month! Pero bukas? Ano yun? May meeting? Ayaw ma late?

"Ewan ko nga eh! Pero ang alam ko, dapat mag bonding na tayo ngayon! Mawawala na ako bukas!" Ay ano yun? Mamamatay ka na?

"Di tayo papasok? Ay nako bess ah! Gusto ko namang mag bonding tayo pero ayaw kong mag cutting!" Protesta ko.


"Sino bang may sabi na mag cu-cutting tayo? Ililibre mo lang ako noh!" Ay parang sure na sure na siyang ililibre ko siya. Pero sige na nga! Last day naman niya ngayon eh! Pagbigyan!




Yun nga. Nawaldas ang pera ko. Ang takaw naman kasi nitong si Francine eh! Parang baboy!

Sa kalagitnaan ng pagkain namin, umingay bigla ang cafeteria. Napatingin naman kami sa doorway para tingnan kung ano ang dahilan ng pag-iingay nila.





Akala namin may artista. Yun pala may away. Isang parang baboy na babae dahil balot na balot siya sa pink, at isa namang parang normal lang na estudyante.

"What's your problem ba?! You make punas to my skirt! Dinumihan mo eh!" Sigaw ni girl baboy.


"Ay conyo? Di bagay! Ewwwwww." Side comment ni bess Francine, pero binulong niya lang. Tinapik ko naman siya sabay iling.

"Ikaw naman yung may kasalanan eh. Tapos tatanga-tanga ka pa, kita mo ngang may dadaan inuna mo pa yung pagpapaganda mo!
Mukha ka na ngang clown!" Sigaw ni simple girl.


Ay palaban pala 'tong isang 'to!

"What did you just call me? Clown?! Your inggit lang kaya dahil your not maganda naman!" Sigaw naman ni girl baboy.




Ang sakit naman sa tenga yung boses niya. Kaya hinatak na si Francine para sana makalabas na kami dito.

Pero sa kamalas-malasan namin.








*Pakkkkkkkkkkkkkk!*



















































******

Wala si August sa UD na ito! Medyo sabaw nga eh pero sana suportahan niyo ^_^…

Backspace Please?Où les histoires vivent. Découvrez maintenant