Chapter 5- Lasing

37 8 0
                                    

Zelle's POV



Napagdesiyunan kong magpunta sa park. Doon ako laging tumatambay kapag nalulungkot ako. Bumili muna ako ng ice cream, pampawala ng sama ng loob.

Umupo ako sa isang bagong pinturang bench at pinagmasdan ang mga batang naglalaro, mga magkasintahang ubod ng sweet, at mga pagala galang tao. 

Ang hirap pala. Alam ko namang minahal talaga ako ni August at aminado ako sa sarili ko na mahal ko rin siya. Pero nasaktan niya ako. Sinayang niya ang tiwalang ibinigay ko sakanya ng buong buo. At higit sa lahat, nagawa niya akong lokohin kahit alam niya mismo na may nararamdaman siya para sa akin.

Ayoko na. Tama na. Masakit na.

Tinapos ko na ang ice cream ko at naglakad patungong kotse ko.

Pero may biglang yumakap sa akin sa likod. 

Yung pamilyar na amoy.

Pamilyar na tindig ng katawan.

Isa lang ang yumayakap sa akin sa likod, which I find really sweet. Pero hindi ngayon.

"Zelle, hindi ako magsasawang habulin ka, suyuin ka. Mapatawad mo lang ako." pagmamakaawa niya habang nakayakap pa rin sa akin.

Hindi ako sumagot. Tinangka kong makatakas sa pagkakayakap niya pero mas lalo niya lang itong hinigpitan.

"Naiintindihan kong galit na galit ka sa akin. But please, give me a second chance to prove how much I love you." 

August please. Tama na.

"Second chance? Kung bibigyan pa kita ng isang pagkakataon para na rin kitang binigyan ng isa pang bala dahil hindi mo ako nabaril sa unang tira mo. August, you wasted the trust I gave to you. Minsan nga napapaisip ako kung bakit ikaw pa? Sa dinami-dami ng matitinong lalake sa mundo, bakit ikaw pa ang napili nitong puso ko? Masakit oo, pero alam mo ang mas masakit? Nagawa mo na nga akong paglaruan noon, tapos na realize mo na mahal mo pala ako ngayon, gusto mo na ulit akong makuha. Ano ako? Isang laruan na kayang makipagsabayan sa kung anong trip mo? May damdamin rin ako August. Sana naman maunawaan mo 'yon." 

Pagkatapos kong sabihin 'yon, narinig ko na ang paghikbi niya.

Mahal ko pa rin siya. At nasasaktan pa rin akong makita siyang umiiyak.

Pero sa ngayon, mamahalin ko muna ang sarili ko.



I gathered all my remaining energy and pushed him. Hindi ko na siya inabalang tingnan dahil baka biglang magbago ang isip ko at yakapin siya.

Nagmamadali kong pinaharurot ang kotse ko papuntang bahay.

********

August's POV

Tang*na. Ang sakit. 

Ang sakit palang marinig mismo sa babaeng mahal mo na nasasaktan siya dahil sayo. 

Pagkatapos umalis ni Zelle, pumunta ako sa bar. Sabi nila malilimutan mo ng saglit ang problema mo kapag uminom ka. Kahit saglit lang, okay na sa akin. Ang gago ko kasi eh! Sinaktan ko ang babaeng mahal ko.

Backspace Please?Where stories live. Discover now