Chapter 1- Revelation

54 14 4
                                    

Zelle's POV

Ilang weeks na akong nandito sa loob ng kwarto ko. Kumakain naman ako pero once a day lang. Sapat naman 'yun para mamatay ako.

Hindi pa ako handang makita si August. Masakit, ang sakit sakit. 'Yung parang ikaw lang ang naaapektuhan, sa inyong dalawa ikaw lang palagi ang nagpapatawad. Kahit hindi ikaw ang may kasalanan, aakuin mo nalang for the sake of your relationship.

Ang mas masakit pa ay nakita mo siya kasama ang ibang babae. It hurts so damn much.

Hindi ko maitatanggi na may kasalanan din naman ako, pero meron din naman siya. Sa katunayan nga mas malaki pa ang kasalanan niya keysa sa akin!

Ewan ko ba. Sa t'wing naaalala ko yung mga pinagagawa niya sa akin, umiinit ang ulo ko! To the point na gusto ko ng sumabog.

Isa pa 'yang Brianna na yan eh! Palaging nakikisawsaw sa relasayon ng iba! Naku! Kapag nakita ko sya! Ipapalapa ko sya sa leon!

*Ringggggg ringgggggg*

Kinuha ko ang phone ko para tingnan kung sino ang tumawag. Walang iba kundi ang bestfriend kong si Drake.

Sinagot ko naman ito.

"Thank God at sumagot ka na rin Zelle! Alalang-alala na ako sayo! Kulang nalang basagin ko yang pintuan mo para kaladkarin kita palabas pero syempre hindi ko ginawa 'yun kasi may respeto ako sa mga babae pero grabe ka! Sasabog ang utak ko sa mga pinagagawa mo!"

Mahabang bungad niya sa akin.

"Sorry, gusto ko lang munang mapag-isa ngayon."

"Mapag-isa? Eh halos mag iisang buwan kanang nagkukulong sa kwarto mo, wala ka ba talagang planong lumabas? Maawa ka naman sa amin ng mommy mo."

Napagbuntong-hininga ako. Siguro nga tama siya. Kailangan ko na talagang lumabas dito.

"Oka-"

Bago ko pa tapusin ang sasabihin ko, bigla akong napatigil dahil sa nagsalita.

"Zelle! Zelle please talk to me! I'm so sorry, it wasn't my intention to cheat on you bu-"

I ended the call.

Siguro nga handa na akong lumabas ng kwarto ko pero hindi pa ako handang humarap o mikapag-usap kay August. Hindi ko pa kaya. Masakit pa rin kasi.

Backspace Please?Où les histoires vivent. Découvrez maintenant