"Wala!" sigaw ko.

Ang lakas kasi maka-gago ng ngiti ni Keifer. Busit! Isama pa yung mayabang niyang tingin. Para na rin siyang nagbigay ng clue.

"Sagutin mo na lang kasi ang tanong namin." sabi ni Rory.

"Hanggang halik lang! Wala pa nga akong experience!" pasigaw kong sagot at nagtawanan sila.

Mali yata na sinabi ko pa ang huling parte. Mas lalong lumakas ang tawanan nila at malamang na asarin na naman nila ko. Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko kaya yumuko ako.

Sobrang nakakainis!

Ngayon ko ramdam ang hirap ng nag-iisang babae sa Section namin. Badtrip! Badtrip! Badtrip!

"Naghanap ka pa ng birhen kagabi. Sana pala sarili mo nalang inalay mo." sabi ni Blaster at tumawa ng malakas.

"Ako naman magtatanong." sabi ni David.

Bahagya akong tumingin sa kanya habang nakayuko. Nakangiti siya kahit na mababakas sa muka ang pagiging seryoso niya.

"Kung wala ba si Keifer. May pag-asa ba ko sa'yo?" tanong nya.

Mas lalung nag-init ng pisngi ko. Napaiwas ako ng tingin kasabay ng malakas na tibok ng puso ko. Ramdam ko ang titig sakin ni Keifer at Yuri.

Hindi ko alam kung bakit, pero kinakabahan ako ng sobra sa tanung nya. Naghihintay din ng sagot yung iba.

Sa totoo lang hindi ko masagot kahit sa sarili ko lang. Mabait sakin si David, kasama namin sya ni Ci-N sa mga kalokohan. Nililibre nya kami kahit walang espesyal na okasyon. Kahit seryoso'ng seryoso ang muka nya, ramdam kong nage-enjoy din sya'ng kasama kami.

Pero kahit saan ko tignan, parang wala naman ibang meaning ang mga yun. Magkaibigan lang kami at ganun din naman ang tingin nya sakin.

Kung sasabihin kong hindi, baka sumama ang loob nya sakin. Kung sasagot naman ako ng Oo, hindi rin naman ako sigurado at baka umasa sya.

Bigla nalang syang tumawa kaya napatingin ako sa kanya. "B-bakit?"

"Hindi mo naman kailangang seryosohin yun." Sabi nya kaya medyo gumaan ang loob ko.

Tumawa nalang ako kahit pilit. "W-wala... Eh Ulupong ka din kasi."

Nakitawa naman bigla ang mga pesteng Ulupong kahit halatang plastic yung iba. Napailing nalang si David sa mga pinag-gagagawa nila. Ang lakas kasi ng mga tama nila sa utak.

"Anu yung Ulupong?" Tanung ni Ci-N na nasa tabi ko.

Nga-nga!

Hindi nga pa nga pala nila alam na sila ang mga tinutukoy kong Ulupong. Baka magalit sila sakin kapag nalaman nila yun.

"A-anu... Ahas talaga ang meaning non pero... samin ginamit ng mga matatanda yun para ibansag sa mga luko-luko." Paliwanag ko.

"What the..." Bigla'ng sabi ni Keifer. "...You called me Hari ng mga Ulupong."

Taka namang napatingin sa kanya yung iba. Hindi ko pa nga pala sinasabi sa kanya ang meaning nun. Akala ko kasi nakalimutan na nya na sinabi ko yun. Nagpilit ako ng ngiti at baka sakaling madaan sa pagpapa-cute.

Yun eh, kung cute nga!

"...So you mean Hari ako ng mga Luko-luko?!" Inis na tanung nya.

Mas nilakihan ko pa ang ngiti ko. Labas gilagid kung kailangan. Kayalang mukang hindi gumagana, masama na kasi ang tingin nya sakin.

"H-hindi naman sa----"

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon