A/N: hi sa mga nagbabasa hahaha sorry sa mabagal na update😂😂 nilamon na naman kasi ako ng kdrama. So ito na nga update ko, sana magustuhan nyo. Mirah Elle at the media, si bae suzy po sya
**************
Kherz PovMaaga akong nagising dahil may hahanapin pa ako sa library, tsk bakit kasi ayaw pa kay pareng google kami maghanap para madali. Habang pababa na ako ng hagdan ay may natanggap akong text
___________
09773******Hi bes! Good morning haha malapit na tayo magkita
Rara...
_____________Na excite naman si ako sa sinabi nya kaya dali dali na akong bumaba, kilala nyo kung sino yun? Hahaha si Mirah yun Rara lang nickname nya. Hindi na ako kakain ng agahan sa canteen na lang ayaw ko abalahin si Ace eh
Pagkalabas ko ng aming gate nakita ko si Ace na nagpupunas ng kanyang motor, napatingin naman sya sa akin kaya bigla syang nagdali dali sa pagpupunas at sumakay na tapos pinaharurot ang kanyang motor. May pupuntahan ba yun? Makikisabay sana ako eh hahaha, maglalakad na lang ako palabas ng subdivision maaga pa naman
Pagkarating ko sa school ay tiningnan ko ang aking relo kung pede pa akong kumain, baka kasi kulangin ako sa oras eh pupunta pa akong library. Mabuti naman at 6:50 pa lang, gutom na talaga ako
Naglakad na ako papuntang canteen ng may narinig akong bulungan sa nadadaanan ko, syempre pinakinggan kong mabuti hehe may pagka tsismosa ako, sarreh naman
"Alam mo ba, may kasama si Ace sa canteen ngayon!"
"Sure ka? Babae o lalake?"
"Sabi babae daw, baka naman girlfriend nya"
"Huh! Imposible naman yun never namansin ng babae yun eh"
Whaaatttt!!! May kasaman babae si Ace!!! Hala sino naman yun? Binilisan ko ang aking paglalakad para makarating sa canteen
Pagkabukas ko ng pinto agad kong hinanap si Ace kaso may biglang pamilyar na sumigaw sa pangalan ko
"KHERZTYN BESS!!!!"
Napatingin naman lahat ng tao dito sa canteen sa kanya, pagkatingin ko dun sa sumigaw na yun ay literal na napanganga ako. Kinusot ko ang aking mata para makita kung sya nga yun, at di ako nagkakamali si Rara nga yun ang best friend ko waaahhh!!
Naglakad ako papunta sa kanya at napansin kong may kasama siyang lalake, kaso nakatalikod sa gawi ko kaya di ko nakita, pero mukhang pamilyar. Pagkalapit ko biglang nalang ako hinila ni Mirah paupo
"Ang bagal mong maglakad, pa slowmo effect ganun?" Sabi nya na nang aasar. Aba't kakakita pa lang namin nang asar na agad sya
" Hindi ka pa rin talaga nagbabago, bruha ka pa din" sabi ko at ininom ang coke na nasa lamesa.Napatingin ako sa lalaki na kasama nya dito sa table at...
"Ano ba naman! Ang baboy mo" sabi nya na pinupunasan ang kanyang damit. Ah nabugahan ko kasi sa sya ng coke sa gulat. Si Mirah ba yung sinasabi ng mga babae dito sa campus?
"Pfft! Hahaha nga pala Ace sya si Kherztine, sya yung sinasabi ko sayo kanina na bestfriend ko" singit ni Mirah
Tumawa naman ng pilit si Ace at inabot ang kanyang kamay kaya nagtaka ako
"Hi Kherztine, nice meeting you" napatunganga ako kasi sa tamis na ngiti na ibinigay nya sa akin pero halata mo namang peke, tapos yung mata naman nya parang papatay ng tao at parang gustong sabihin na tanggapin-mo-yung-kamay-look, kaya tumawa ako ng pilit
BINABASA MO ANG
Love Story of a Nerd (Slow Update)
Teen FictionAnong mangyayari sa isang nerd kung ito ay umibig? Magkakaroon kaya sya ng love story na hinahangad nya? Prince Charming sa buhay nya? Pano mangyayari yun kung ang pinapangarap niyang Prince Charming ay may iba ding pinapangarap at ang masaklap ay s...