Chapter 6

576 32 0
                                    

Kherz Pov

Di pa rin ako makapaniwala na magiging kapaitbahay ko si Ace!! Waahhh bakit hindi pa sa bahay na lang nila kami tumira"ψ(`∇')ψ hahaha charot lang

"Mama! Totoo ba talaga na dito tayo titira hah?" Tanong ko kay mama. Actually pa sampo ko ng tanong toh, ehh kasi naman di ko akalain na ninang ko ang mama ni Ace at magkapitbahay pa kami

"Oo nga ang kulit mo naman" singhal sa akin ni mama. Pero nagtataka ako bakit hindi pa inaayos ni mama ang gamit niya╮(─▽─)╭ Hay hayaan na nga. Hhmmm asan kaya kwarto ko, hanggang second floor tong bahay naman hmmp sosyal ahh.

Pumunta na ako sa taas para hanapin ang kwarto ko, nakita ko agad yun kasi obvious na obvious na akin yung kwarto kasi may malaking karatula na nakalagay tapos ang nakasulat 'KHERZTYN ROOM' Oha ewan ko lang kung di mo pa mapansin yang ganyan, capslock eh damang dama hahaha

Pagbukas ko ng pinto...(」゚ロ゚)」 ooooohhhhh lalala ang ganda sheemmss!! Tatlong kulay ang pintura niya, kungbaga parang salitan yung kulay red, pink, at light purple. Ang ganda talaga pramis kompleto lahat may t.v na nga eh , yaman naman nina ninang

"Anak, tapos ka na ba diyan! Dalian mo pupunta tayo sa ninang mo para magpasalamat" rinig kong hiyaw ni mama sa baba. So ibigsabihin makikita ko ulit si Ace. Kailangan ko maging maganda, nag ipit ako ng bun ayos na yun tska inayos ng konti ang aking bangs na kahit anong gawin ay magulo talaga tapos nilagay ko na ang aking salamin, kailangan ko talaga tong salamin kasi pag wala sobrang labo ng paningin ko. Ayan natapos na ko, lintsak walang nagbago(^_^;) pangit pa rin

So dahil nga walang nagbago kahit anong gawin ko ay nagdesisyon na akong pumunta sa baba para sumabay sa pagpunta kina ninang. Habang naglalakad kami sa kabilang bahay ay sobrang lakas ng tibok ng puso ko

DUG DUG

DUG DUG

DUG DUG

Wahh bakit ang lakas? Wala namang mangyayari masama di ba? Aish kherz anu ka ba si Ace lang yan na nalove at first sight ka('∀`)♡ Bwisit naman eh lalong lumakas ng nakapasok na kami sa loob, yung parang bibitayin ka yun yun eh

"Oh nandyan na kayo! Musta ka na mare na miss talaga kita. Ayan na ba ang anak mo?" Sabay turo sa akin ni ninang, napatango na lang ako ng mabilis kasi kyaah ang ganda niya(●♡∀♡) siguro dito nagmana si Ace. Ang papa kaya niya gwapo din, syempre naman kherz di naman magiging ganyan kagwapo si Ace kung hindi maganda at gwapo ang magulang niya

"Hi Kherz, ang cute mo at ang ganda mo talaga!" Sabi ni ninang sabay kurot ng pisngi koヾ('▽`;)ゝ

"Haha thank you po" sabi ko nalang kasi sinabihan niya ako ng maganda, akalain mo yun nasabihan ako ng ganun once in a lifetime lang yun noh haha┗(^0^)┓

"Yan maganda, na bulag ka na ba mare?" Gulat na sabi ni mamaヘ( ̄ω ̄ヘ) sige lang mama itanggi mo pa na maganda ako, teka bakit di ko nakikita si Ace asan kaya siya. Nilibot ko ang mata ko at mapapanganga ka na lang sa ganda ng bahay nila, di ko pa ba nasasabi na buong bahay ay naka carpet ng kulay grayヽ(°◇° )ノ habang natulala ako sa ganda ay may biglang tumama sa akin noo┏(`ー')┛ what the! Sino yung hampas lupa na may ganang patamaan ang aking precious noo na may pimple, tinamaan pa ata ang isa

Pagkatunghay ko⊂((・▽・))⊃nakita ko si Ace na nakatingin sa akin ng diretso at nakapoker face

"Hey ugly girl, get that ball beside you!" Sigaw ng isang bata hah saan galing yung boses na yun? Pagtingin ko sa likod ni Ace may nakita akng isang batang sobrang gwapo parang mini me ni Ace at ang taba ng pisngi waahh!(ノ^o^)ノ

Kinuha ko yumg bola sa ibaba ko at lumapit sa bata pero

"Don't you dare to come near me, it looks like you have a virus. My kuya said to me that when your hand touches my skin I will be ugly too!" Sigae ng bata sa akin at parang galit na galit. Hmmp langyang kapatid yan sabihan ba naman ako na may virus, tiningnan ko ng masama si Ace pero siya pparang wala lang sa akanya yun(●`・(エ)・'●)

"Oh anong nangyayari dito Ace at Adrin" nagulat ako kasiay biglang dumating na lalaki halatang matanda na ito, hindi kaya ito ang papa nila. Sabi na eh gwapo din parehas sila ng mata ni Ace pero ang mata ng kanilang papa ay parang masaya at hindi katulad ng kay Ace na matamlay, hmmm may problema kaya siya

"Nothing dad, we were just talking to an ugly girl" sabi ni Ace, aba at talagang ipinagmalaki pa na ugly ako(● ̄(エ) ̄●) napailing na lang ang papa nila at tumingin sa akin *lunok lunok* grabe iba din pagsayo na nakatingin nakakatakot. Biglang siyang tumawa na ikinagulat ko

" You must be the daughter of Christine, right? What a beautiful girl they have" sabi ng papa ni Ace, orayt nakadalawa na ako na nasabihan ng maganda, magdiwang tayo madlang people!┗(^0^)┓

"Tsk dad you're kidding!" Sigaw ng bata, pangalan ata Adrin, aba yun ang narinig ko kanina hehe. Bigla na lang umalis si Adrin at tumakbo sa kusina, haha ano yun walk outヽ(°◇° )ノ

"Hayaan niyo na yung batang yun sadya na siyang ganun" sabi ni ninong, syempre asawa siya ni ninang kaya ninong nalang din tawag ko

Bigla na lang din umalis si Ace, magkapatid tlaga mga walk out boys eh

"Tara na iha sa garden, siguradong nandun na ang ninang at mama mo" sabi ni ninong ng nakangiti, gwapo talaga eh ano kaya itsura ni pag nakangiti. Sunod na lang ako kay ninong kasi hindi ko naman alam ang pasikot sikot ng bahay

Pumunta kami sa may bandang tagiliran ng bahay tanaw mo na agad ang garden kasi may malaking glass window yun na nabubuksan basta yung parang ganun haha

"Oh ayan na pala si kherz at si Adrian eh, upo na kayo at iihawin lang namin ang barbecue at isda para may konting handa naman tayo, may ice cream diyan sa table kung medyo guton na kayu" sabi ni ninang na ikinatuwa ko(≧∇≦)/ wie may ice cream favorite ko yun. Tumakbo ako agad dun sa may lamesa pero nakita ko yung dalawang magkapatid na kumakain din\(〇_o)/ waaah baka maubos yung ice cream haha feeling kanya lang.

Tumabi ako sa upuan ni Adrin pero di niya ako pinansin, hmm wampake lang ang peg ehh kanina nga halos isumpa ako hayaan na nga may ice cream naman. Kumuha na ako ng maraming ice cream at sinimulan ng kainin habang kumakain ako sinulyapan ko si Ace, ang weird lang ah di nila ako pinapansin puro nakatingin lang sila sa kanilang cellphone

"Mukhang ayos kayo dyan ahh, magkasundo na ba kayo?" Sabi ni ninang na hindi ko namalayan na nandito na, ganto ba talaga pag kumakain ng ice cream hindi mo na napapansin ang iba haha

"Haha, siguro po? Pero sana maging close kami" sagot ko na lang kasi wala talagang pakielam ang magkapatid╮(─▽─)╭

"Oh siya iwan na muna ulit kayo, tulungan ko ang iyong mama sa pagluluto dahil ang papa at asawa ko hibdi maistorbo dahil sa dami kanilang kwentuhan" sabi ni ninang na nakatingin kina na papa na natatawa

"Osige po, siguradong masarap yan" sabi ko kay ninang, nginitian niya ako saka umalis

Natapos ang pagluluto nila at kumain kami ng masaya, yung dalawang magkapatid hala ayn pagkatapos kumain ng ice cream ay pumasok uli sa loob

Napansin ko kina mama na kanina pa sila tawa ng tawa pagkatapos tumingin sa akin, problema nila nantritrip ba mga to. Hi di ko na lang pinansin at tinuloy ang pagkain...

*****
Kinabukasan

"Nagising ako dahil sa sikat ng araw sa kwarto ko, wala pa palang kurtina eh, ang tahimik ng bahsy namin bakit kaya? Bumaba ako para hanapin sina mams pero ang nakita ko ay isang sulat na nakadikit sa noo ko, mga baliw ilagay ba naman sa noo ko pano kung may napisa na pimple tss. Binasa ko na lang ang sulat na ikinagitla ko⊙︿⊙

Dear sa napakaganda naming anak,
Aalis muna kami ng papa kasama ang ninang at ninong mo, pupunta kaming korea(^v^) alagaan mo sarilu mo hah isang taon lang kami dun, may kasama ka naman eh yung anak ng nunang mo si Ace hihi, magpakabait ka ha. Pasalubungan na lang kita ng gusto mo(/^▽^)/
Nagmamahal,
Nanay


Love Story of a Nerd (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon