CHAPTER 12

293 18 7
                                    

Ace Pov

I just woke up early cause my head really hurt, shit. Bumangon na ako sa aking higaan at pumunta na sa c.r

"This will be a hard day, I think?" Bulong ko sa sarili ko at sinimulan ng maligo, pagkatapos kong maligo nag toothbrush na ako. Inayos ko na ang aking sarili para pumasok, hindi na ako kakain ng agahan. Aish, naalala ko nga pala di din ako kumain ng dinner kagabi, tsk kakain na lang ako sa school pagkadating ko

Bigla kong naalala si Kherztyn, kumain na kaya sya? Kung di lang talaga inihabilin sa akin ng magulang ko yang babaeng yan wala naman akong pakelam sa kanya kahit mamatay yan sa gutom, tss pasalamat sya.

Tumingin ako sa aking relo at 6:30 pa lang, ang aga pa dahil 8:30 pa ang simula ng first class ko. Lumabas na ako ng bahay at hinanda ang aking motor, ayus na din siguro kung maaga ako kakain din naman ako sa canteen. Habang pinupunasan ko si Jane, oo tama kayo may pangalan tong motor ko, pakelam nyo ba? isa ito sa mga importantemg bagay sa akin dahil kasama ko noon si.... Aish wag na nga natin pagusapan. Napatingin ako sa bahay ni Kherztyn at nakita ko syang naka uniform na din at palabas na ng kanilang bahay, aba ang aga naman neto. Natapos na ako sa pagpupunas ng motor ko at sumakay, nakita naman ako ni Kherztyn at parang may sasabihin pa pero pinaandar ko na agad si Jane, sigurado sasabay yun sa akin

15 minutes lang nadito na ako sa school kasi malapit lang naman sya at walang trapik kaya hindi hassle. Dumeretso na ako sa canteen at hindi ko maiwasang mailang sa mga babaeng bumubulong sa daan ko

"Ang gwapo talaga nya noh??"

"Oo nga, kaso suplado yan"

"Keri na yan"

"Hay, kelan kaya sya magkakainterest sa mga babae?"

Tss, wala ba talga silang magawa kaya pati buhay ko pinapakaelam pa nila. Hindi ko na sila pinansin at deretso ang lakad ko papuntang canteen. Umorder na ako ng pasta tska coffee at umupo sa bakanteng table

Habang kumakain ako may napansin akong isang babae na nakatayo sa may cashier at tila may hinahanap, pinanuod ko lang sya dahil di ko maalis ang tingin ko sakanya. Di ko itatanggi na sobrang ganda nya, shet maputi, matangos ang ilong, katamtaman din ang height nya pati ang ganda ng mata nya kahit nakakunot na ang kilay nya at parang iiyak na, pfftt problema nito

"Ano na miss? Makakapagbayad ka ba" rinig kong sabi ng tindera nitong canteen


"Sandali lang po, nanawala po talaga yung wallet ko dito ko lng naman po nilagay sa bag ko" naiiyak na sabi nung babae

" Miss pede pakidalian humahaba ang pila dahil sayo" masungit na sabi ng tindera. Napatingin naman ako sa likod numg babae at ang haba na nga pila shet

Tumayo na ako dahil ayaw ko makakita ng mga ganung eksena

********

Mirah's Pov

Hi ako nga pala si Mirah Elle Quizon, siguro naman napakilala na ako ng aking bestfriend na si kherz noh. Okay mamaya na ako magkwekwento tungkol sa amin at hahanapin ko muna yung wallet ko, tsk naman eh kung ngayon ka nga naman minamalas

"Ano na miss, makakapagbayad ka ba?" Tanong nung tindera, huhuhu langya naman eh asan na ba kasi yung wallet ko

"Sandali lang po, nanawala po talaga yung wallet ko dito ko lng naman po nilagay sa bag ko" naiiyak na ko waahh first day na first day ko ganto nangyari

" Miss pede pakidalian humahaba ang pila dahil sayo" napatingin naman ako sa likod ko at hala ang haba na nga dahil sa akin

"Anu ba yan! Isa na naman ba sa mga mahihirap"

"Tsk pwede naman sabihin nya na wala siyang pambayad, hindi yung magsisinungaling pa na nawawala yun wallet"

"Arrgghh!! Such a poor"

Naririnig ko na yung bulungan nila sa likod ko, tsk naman eh. Napagdesisyunan ko na hindi na lang ako kakain

"Ahh miss, hindi ko na ku-----" bigla na lang naputol ang sasabihin ko ng may nagsalita sa likod ko

"Eto na yung bayad nya Miss" sabi nung lalaki na nasa likod ko, pagtingin ko napatulala na lang ako dahil watdapak lang ang pogi nya. Kinuha na nya yung tray ko at hinila ang aking kamay papunta sa table, nagpadala na lang ako sa hila. Waaahhh savior ko!!!

Pinaupo na nya ako sa upuan at binigay sa akin yung tray. "Oh kain ka na" nakangiti nyang sabi sa akin. Waahh grabe na dis, ang gwapo nya talaga lalo na pag ngumiti

"Ahh s-salamat nga pala" nahihiya kong sabi, eh kasi naman eh kung makatingin toh, kinikilig ako haha

"Walang anuman, at nga pala bago ka lang siguro dito noh?. Ngayon ko lang kasi kita nakita" napatango naman ako sa kanyang tanong at ngumiti na naman sya😍😍😍

"Ah bago nga lang talaga ako dito, pero may kakilala na ako dito sa school" sabi ko ng nakangiti, aba dapat di rin ako magpapatalo sa pag ngiti

"Ganun ba? By the way my name is Ace Kris Mortonyl" sabi nya sabay lahad ng kanyang napakagandang kamay na parang sa babae. Naconcious naman ako sa aking kamay at napatingin dun

Nilahad ko na lang din ang aking kamay kasi baka mangalay sya "Hi ako naman si Mirah Elle Quizon"

"What a good name" komento nya "Sige kain ka muna hahaha" tawa nya pa

Nagkwentuhan lang kami habang kumakain ako at promise ang daldal nya

Kung nagtataka kayo bakit lumipat ako dito sa school nato kasi ayaw ko na dun sa school ko dati mga bully sila. Hindi ko matiisan ang mga ugali nila kaya napagdesisyonan ko na pumasok na lang dito tsaka dito din naman pumapasok yung bestfriend kong si Kherztyn eh kaya masaya na ako. Sya lang ang naging bestfriend ko simula pa nung bata pa kami, kahit na mayaman kami, oo mayaman kami pero di naman alintana yun dahil di napakabait nyang kaibigan sa akin hindi sya plastic katulad ng iba dyan sa kantuhan at ang habol lang ay pera, tss I hate those girls. Siguro nagtataka kayo kumg bakit nawawala ang wallet ko? Akondin kasi nagtataka kung bakit nawala, tss pano na yung mga credit card ko dun, hays sabihin ko na lang kay dad na nawala ko yun at ipa freeze yun para hindi nakawin yung pera ko dun

Habang nagkwekwentuhan kami ni Ace ay may nahagip ang aking mata na papasok dito sa loob ng canteen alangan naman sa labas haha, at yun na nga para bang naghahanap ng upuan kasi medyo madami na din tao kahit umaga pa lang, siguro dito din sila nagbrebreakfast

"Kherztyn bes!!!!"sigaw ko sa excitement at saya, aba ngayun ko lang uli sya nakita

Nagitla naman itong si Ace sa pagsigaw ko pati na din ang mga tao dito sa canteen, sarreh naman

Biglang tumingin sa akin si Kherz at lumaki ang mata hahaha ang kyot talaga ng babaeng toh, kaso ang pananamit na naman nya amg baduy talaga eh sinabihan ko na sya dati na magdress na lang kesa magpantalon at sabi naman nya ayus na daw sakanya magpantalon komportable na sya so um oo na lang ako, hahaha eh sya dun sya masaya

Nakitang kong papunta na sya sa pwesto namin at ito namang si Ace ay kunot na kunot ang noo, hmm bakit kaya?

**********

Bawi talaga ako sa next chapter hahaha ang ikli na kasi ng mga ud ko

Vote and comment po kayo dali















Love Story of a Nerd (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon