"Salamat, pare," sagot ko at saka ko itinago ng business card sa wallet ko.

Pagkatapos noon ay pinag-usapan na namin kung kailan sila makakadalaw ng sabay-sabay. Para naman lumakas ang loob ni Mike sa pinagdadaanan niya ngayon. Kahit naman ganun 'yon ay hindi naman namin maitatangging kabarkada pa rin namin siya. Pasasaan nga ba at makakapagpatawaran din ang bawat isa.

*****

"So, paano na 'yan, Boy Angas!?" biro ni Helga kay Mike. "Mas lalo ka nang walang binatbat sa kaguwapuhan ng Jason ko ngayon!" Medyo pinormahan kasi ni Mike si Helga noong kami'y nasa kolehiyo pa.

"Baka dagdagan mo ang bukol ko kapag kumontra pa ako kaya sige na nga!" mahina pero nakangiting sagot naman ni Mike kay Helga.

Nagtawanan ang lahat.

"Kapag gumaling ka na, mag-asawa ka na!" biro ni Art. "Para naman may pipingot na sa tenga mo kapag naiisipan mo na namang gumawa ng mga kabalbalan!"

"Kailangan ba talaga 'yun?" tatawa-tawang sagot ni Mike. "Kina Maggie at mama pa nga lang, lamog na ang tenga ko. Ano pa ang matitira sa tenga ko kung mag-aasawa pa ako?" Nagtawanan ulit ang lahat. "Pero sige, hindi pa naman kasal sina Helga at Jason kaya pwede ko pang sungkitin si Helga, hindi ba?"

"Susungkitin pala, ha?" reaksyon naman ni Jason. "Nakikita mo ito?" Sabay pakita ng kanyang kanang kamao. "Eto ang susungkit sa mukha mo!" At saka ulit nagtawanan ang lahat.

Wow. Hindi ko maalala kung kaming walo ay naging ganito kasaya before. Normally kasi, parating wala si Mike kapag nagkakatuwaan kami ng ganito. Naninibago ako. Pero sana ganito na lang parati. Sana nga magbago na si Mike.

"May itatanong ako sa iyo, kuya," sabi ni Maggie sa kapatid niya nang makaalis na ang aming mga kabarkada. "Sana magsabi ka ng totoo, please?" hirit pa niya habang inaayos ang unan sa likuran ni Mike. "Ano ba talaga ang nangyari sa inyo ni Ate Claire? Sa iyo ba o hindi ang batang ipinanganak niya?"

Nakita ko na medyo napapikit si Mike. Parang nag-aalinlangang sumagot.

"Mahabang istorya," matipid nitong sagot. "Pero hindi talaga akin ang bata."

"Paano mo naman nasiguro?"

"Inamin sa akin ni Claire."

Nagkatinginan kami ni Maggie.

"Paanong inamin?" tanong ko. "Inamin niya na hindi ikaw ang ama?"

Tumango lang si Mike.

"Eh bakit hindi niya—" si Maggie.

"Syempre hindi niya sasabihin sa inyo 'yun, Maggie," sagot ni Mike, "Kahihiyan niya 'yun eh. Pero 'yun ang totoo. Anak niya ang batang 'yon sa naka-one night stand niya noong mga panahong nag-aaway kami."

"Eh 'yung kay Melanie? Anak mo ba 'yung kay Melanie?"

Nag-aalinlangan man ay tumango na rin si Mike. Pagkatapos noon ay umiyak ito habang sumusulyap-sulyap sa akin.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2014, All rights reserved.

Hindi na kailangan ng salita para maiparating niya sa aking pang-unawa ang paghingi niya ng tawad. Partikular na sa pagtataksil nila ni Melanie sa akin.

"Anong plano mo sa anak niyo ni Melanie?" follow-up question ni Maggie.

"Sa ngayon ay hindi ko pa alam, Maggie," sagot ni Mike, "As you can see, I am all messed up. Ni hindi ko kayang tulungan ang sarili ko. Ni hindi ko alam kung paano ako aahon dito, sa bangin na kinasasadlakan ko."

"I'm sorry, kuya. I don't mean to be insensitive sa sitwasyon mo. We'll take it one day at a time."

Ilang saglit pa ay dumating na ang mga biyenan ko na karilyebo namin ni Maggie sa pagbabantay kay Mike. Dala-dala nila si Andre na ngayon ay ipinasa na nila sa amin.

"Tawagan mo si Melanie, Bernard," sabi ni Maggie sa akin habang nagmamaneho ako pauwi, "Kailangan niyang malaman ang nangyari kay kuya. Puntahan man niya o hindi ay mabuti na rin na alam niya."

"I will."

Pagka-uwing pagka-uwi namin ay binuksan ko agad ang telebisyon para makinig ng balita. Bumungad agad sa amin ang balita tungkol sa kasong kinasasangkutan ni Mike. Ipinakita doon ang interview sa aking biyenang lalaki at sa abogado nito pati na rin ang mga abogado at tagapagtanggol ng kabilang kampo.

Sumunod na ipinakita ang mga pictures at video clips ng mga bumubog kay Mike pero mas naka-focus ang atensyon ng mga nagbabalita sa presong umabuso kay Mike. Isa itong matangkad at matabang lalaki na 'di hamak na mas malaki kay Mike. Puro tattoo ang katawan nito at hindi ngumingiti. Sa hilatsa pa lang ng pagmumukha niya ay halata ko nang wala itong gagawing mabuti.

Bigla tuloy akong napaisip.

Ano kaya ang pakiramdam ng tinitira ka sa likod ng kapwa mo lalaki?

Iniisip ko pa lang ay parang kinikilabutan na ako. Sa lahat yata ng Sex Trip ay iyon ang hindi makuhang ma-imagine ng utak ko.

Ano kayang klaseng trauma ang nararamdaman ngayon ni Mike? Anong uri kaya ng pagbabago ang idudulot ng mga pangyayaring ito sa kanyang pagkatao... sa kanyang buhay.

***

"M-Mike." Humahagulhol na nilapitan ni Melanie si Mike. Nagpasundo kasi ito sa amin ni Maggie nang sumunod na araw. Kasa-kasama niya ang anak nila ni Mike na si Annie at dalawang anak-anakan na sina Din-din at Marie.

Nakita namin na napaluha rin si Mike. Lalong-lalo na nang makita niya ang kanyang anak na si Annie. Sumampa pa ito sa kamang hinihigaan niya para lang mayakap at mahawakan siya.

"M-Melanie," mahinang tungon ni Mike habang hinahaplos ng kaliwang kamay niya ang kanang pisngi ni Melanie. "Patawarin mo ako." Sabay hagulhol nito, "Patawarin niyo ako." Sabay sulyap din kay Annie.

"Oo, Mike," sagot ni Melanie, "Pinapatawad na kita." Sabay halik niya sa palad ni Mike.

Napansin ko rin na medyo maluha-luha na rin si Maggie. Mukhang nata-touch siya sa eksena. Dahil doon ay inakbayan ko siya at hinalikan sa sintido.

"Everything will be alright, babe," bulong ko sa kanya, "You'll see."

[ITUTULOY]

S. T. Book 1 [PUBLISHED] [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon