The Intern

40 6 4
                                    

Thea Hawkins. Isang new intern sa Gregory intstitute of Mental Health. Sa loob ng office ay nagkakaroon ng interview kasama ang head ng nasabing Asylum.

Habang magkakaroon sana ng interview nagkaroon ng matinding komosyon sa labas na naging dahilan para makiusisa silang lahat.

Nagulat si Thea dahil sa isang lalaking nagwawala. "Ayoko na dito! Magaling na ako! Ayoko na dito! Ayoko na sakanila!" saad ng pasyente habang nakaluhod sa sahig at tinatakpan ang tenga

Habang nanonood silang lahat. Walang nagtangkang lapitan ang lalaking nagwawala hanggang sa dumating ang mga taong nakaputi at sapilitan itong pinipigilan sa pagwawala.

"Bitiwan nyo ko!" pilit pa rin nagpupumilit ang pasyente kahit hinahawakan na sya ng mga ito. "Papatayin ko kayo sige!" banta pa nito

"Hindi kami naniniwala! Wala kang kutsilyo." sabi ng isang naka puti. "Oo nga. Payat-payat mo na yan nananakot ka pa? Hipan kaya kita." at hinila ng dalawa ang pasyente. Natawa si Thea dahil nakita niya na makukulit ang mga makakasama niya.

"Papatayin ko talaga kayo" at nagpumiglas ng malakas at sinugod ang isa sa mga pasyente.

Tinulak-tulak ng isa ang pasyente at nilagyan ito ng straight jacket. "May Araw din Kayo! Ayoko na dito!" sabi ng pasyente.. At nawala na ito sa paningin nila. "Ahm Doc madalas po ba ang ganitong scenario dito?" excited na sabi ni Thea.

Tumango ang doctor at bumalik na sila sa kuwarto kung saan iinterviewhin dapat si thea na naudlot dahil sa lalaking nagwala

Bago pa sumunod si Thea sa doktor ay may kumalabit sa kanya. "You." napatalon sya sa sobrang gulat. Lalo na nang makita ang muka nito.

"Jusko, mahabaging Ama" gulat na sabi ni Thea. Humagikhik ang taong kumalabit sa kanya. Isa din pala itong intern sa Gregory Institute of Mental Hospital. Sabay silang pumasok sa silid Kong saan sila iinterviewhin.

Pagkapasok ay medyo kinabahan siya sa mga nadatnan. Medyo marami ang mga doktor at ang iba ay hindi nya kilala. Napalunok sya.

Napansin ng lalaki ang pagiging tense ni thea. "Ui relax ka lang. Sigmond Lebeuf nga pala." siko ng lalako sakanya at nagpakilala. 3 doctor ang nasa panel at 7 silang intern ang nasa interview.

Isa-isa silang tinawag sa gitna upang tanungin. Magkasunod sila nila Sigmond. Ikaapat si Thea at ikalima si Sigmond.

"Why you think we should accept you in this institute?" tanong ng isang doctor sa panel. "I believe that every patients needs proper care and I know that I have that talent to help them get better." sagot ni Thea. Naimpress ang binata sa sagot ni Thea.

Bumulong ang doctor na nagtanong sa katabi niyang doctor bago muling magtanong sa kanya.

"Okay.. Thank you. We will be calling you when we finalize your internship." sagot ng nasa gitna. Lumabasa na ang dalaga at hnd narinig ang sagot ng iba pabg sumunod na aplikante. Si Thea ay nakapagtapos na Medicine. Isa siyang Psychiatrist... Sa ngayon ito ay ang una niyanv step para makapunta sa Princeton general Psychitric intsitute.

Kinakabahan pa din si Thea kahit na nakalabas na siya ng silid. Kaya minabuti niya munang mag-ikot ikot sa Hospital. Tinantya niya muna ang oras bago siya nag-ikot.

Sa kanyang pag-iikot ay nakikita niya ang mga pasyente na may iba't ibang ginagawa pero napansin niya ang kaninang pasyenteng nagwawala sa silid nito. Nasa sulok ito at nakatakip sa tainga, at tila ba takot na takot. Bumubulong ito sa sarili: "Hindi. Wag! Hindj mo ako mapapatay! Aalis ako dito. aalis ako. AALIs ako." Nais pa sanang silipin ni Thea ang kabuuan ng kwarto nang biglang may kumalabit sakanyang Janitress. Halos mapatalon ito sa gulat .

Rhythm StoryHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin