Little RED Riding Hood

59 11 5
                                    

SI RED AY LUMABAS NG BAHAY.

Upang magtungo sa kanyang may sakit na lola

Dala dala niya ay isang mahabang espada para sa proteksyon

Kinubli nya ito sakanyang suot na pulang hood.

Naglakad sya ng dahan habang nagmamasid sa kwintas niyang suot na kulay gintong trayangulo

Habang nasa daan, napansin niyang may presensya sa likuran niya, ngunit nakakapagtakang may sumusunod na isang hindi malaman kung bata o dalaga.

Habang naglalakad, mariin niyang hinawakan ang kanyang basket na naglalaman ng mga tinapay.

Naglalaway siyang tumingin sa tinapay at naisip na tikman sana ang tinapay ngunit naalala niyang may lason pala sa loob nito.

Bahagyang napatingin siya sa likod niya ng masigurado nga niyang may sumusunod sa kanya.

(Umawit sya ng Rockabye!!)

Biglang kumalat ang maitim na usok sa gubat hangang sa wala na siyang makita

Napasigaw na lamang sa sakit si Red, dahil sa may tumama sa kanyang tagiliran. Pagka tingin niya rito, may nakatarak ng espada sa kanyang tagiliran, nag durugo na rin siya

"Elyominto" sigaw ni red na parang nag-orasyon.

Unti unting hinugot niya ang espada, at naghilom ang sugat. Ngunit sa hindi malamang dahilan, bigla siyang nakaramdam ng dalawang malakas na bisig sa bandang bewang niya. Napag alaman nyang lalaki ang nagmamay ari sa mga bisig na siya'y akap akap

"BLACK?" Wika ni Red. Sinenyasan naman siya nito na wag maingay at agad silang nagkubli sa isang puno upang doon magawang pagmasdan kung sino ang mga sumusunod kay Red.

Biglang tumahimik ang buong kagubatan at tanging tunog lamang ng bell ang naririnig nila. Nanginginig sina Red na naghintay sa ilalim ng malaking kahoy ng aloveon.

Ito pala'y bell ng eskwelahan kung saan oras na upang mananghalian. Nagising si Red sa kanyang maikling panaginip. "Sayang! Mahahalikan ko na sana siya!" Wika ni Red sakanyang sarili.

Bahagyang napatalon si Red dahil sa gulat. "Black" pagtawag ni Red sa kanyang lihim na sinisinta. "Red, tanghalian na, bangon na", sagot ni Black. Napayakap si Red sa sarili, pansin nyang malamig na sa kanya si Black.

Nagmadali sa pagkain si Red upang makabalik muli sa pagtulog. Dahil doon, masaya sila ni Black at...

Nagmamahalan.

Bigla syang nakarinig ng malakas na katok. Nilamon siya ng takot dahil alam niya sa sarili niyang nag-iisa lang siya sa bahay nila. Nakita niya ang pintoan na may dumaloy na dugo na dahan dahan kumakalat sa sahig.

Sinilap nya ang mukha ng tao. Nakita nya ang bangkay ng walang hiya nyang INA. "Ikaw lang pala" bulong nya sa sarili. Biglaan syang sumigaw ng "Escabeche!" May lumabas na parang bilog na lumalabas lamang sa mga orasyon.

Muli na naman siyang nakabalik sa kagubatan. Sa eksena kung saan malapit na sila maghalikan ni Black. Ngunit walang Black sa kanyang harapan. Paglingon niya, nakabitin na ito sa puno ng patiwarik, putol ang kanang kamay, bali ang leeg at luwa ang mata habang nalilgo sa sariling dugo. Gulat na gulat siya at di makapaniwala sa nakita.

Dahil ang nakita niya ay banana split na may cherry on top! Sa mismong ulo ni Black. Imbes na matakam sya, naiiyak siya sa eksenang ito. Bigla na mang may sumigaw ng "Cut" at bumalik na sa normal ang studio. Ngunit may nakakagimbal na nangyari sa isang crew ng technical team.

Napatigil ang lahat ng nasa set. Paanong patay na ang crew na ito gayong kumuha lamang ito ng pagkain? "Wag kayong lalapit sa bangkay! You might ruin an important evidence that will lead to culprit" wika ni Black na naging detective mode na muli kahit na hindi ito myembro ng pulis. Isa sa bagay na pinaka hinahangaan sakanya ni Red.

"Hindi pwede ito! Madudumihan ang pangalan ng team ko!" Bigla namang namatay ang lahat ng ilaw. Sa muling pag bukas nito ay may sulat na sa tabi ng bangkay. Ang sabi nito'y "Humanda ka my Little Red. You're going to be fvcking mine again." Dahil sa nabasa ni Red, Napa iyak siya...

Yinakap sya ni Black at pinatahan naman sya ni White. "Tahan na Red! Wag kang mag alala nandyan si Black" biglang nakaramdam ng gutom si Red, at bigla nyang nailabas ang kakaibang pangil na nakita ng lahat ng tao sa studio.... "You-you're a -"

"You're a vampire?" Gulat na gulat na tanong ni Black at White. Tumawa ng malakas si Red.

"No! Yung favorite gummy candy ko ito na pangil."

Napatulala namn sila White at Black dahil inabot nanaman ng kabaliwan ang kanilang kaibigan.

Palabas na sana sila para kumain nang biglang may narinig silang putok ng baril.

"Walang lalabas!" Wika ng lalaking may peklat sa mata.

"At bakit naman hindi? Ha?! Mamang mukhang aswang!", wala sa sariling banggit ni Director.

"Ang ingay mo!" Nagpaputok si peklat guy at natamaan sa puso si Director, na may hawak palang baril at nabaril ang iba't ibang members ng team.

Pero namatay si White at Black.. Napasigaw sa takot si Red.

Nagising siya ng pawis na pawis at kayakap si White. "Okay ka lang at si Black, okay lang sya!" Sigaw na sabi ni White matapos siyang kulitin ni Red, na tinatanong si Black.

Di na ata to tama sabi ni red ng may biglang sumigaw

"Hoy Red! Bwesit ka umuwi ka na sa bahay nyo matagal kanang hinahanap ng may sakit mong lola "

Lumingon sya at nakita nya ang dati nyang kakilala

Biglang lumapit yong babaeng mukhang kabayo at nagsusumigaw

"May pa Red Red ka pang nalalaman ha! Ano ba talagang drama mo Redolfo Santos Jr. talagang maglalad lad kana ba!"

at umuwi si Redolfo sa kanila ng bigo. siya ay pinatalsik ng director.

LITTLE REDOLFO RIDING TANDEM.

Rhythm StoryWhere stories live. Discover now