The Fallen Moon

59 10 10
                                    

Tatlong lalaki ang nagbabantay sa hari... Ngunit isa isa silang pinaslang ni Hwang, ang mandirigma ng Moon Village... Nais niya wakasan ang buhay ng hari dahil kinuha nito ang kanyang pinakamamahan na kasintahan... Ginawa itong isang kabit sa Palasyo...

Nang maabutan na ni Hwang ang Hari di niya inaasahan ang ginawa ng kanyang kasintahan. Nakatayo ito sa harap ng hari na may hawak na espada.

Sabi...

"Hwang alam na nila na darating ka." tumingin ang dalaga na parang nagsasabing bilisan mo umalis isa itong patibong.

Ngunit di nya napansin ang ibig ipahiwatig ng dalaga sapagkat nangingibabaw ang galit.

Nang paatake na sana si Hwang may lumipad na palaso galing sa taas. Naging dahilan para mapahinto siya.

Napalingon siya... Si Ki Saram isa sa mga kaibigan niya na nasa palasyo. Di niya maunawaan kung isa itong banta o babala. Bigla pumasok sa silid ang mga gwardia at napalibutan si Hwang

Walang magawa si Ki Saram kundi manood lamang. Ang buong palasyo na ang kalaban ni Hwang.

Pinikit nya ang kanyang mga mata at binigkas ang ipinagbabawal na teknik Kung saan pwede itong pumatay ng ilang tao sa loob ng palasyo.

"Hyejung pyu koreko neh jung ko." saad niya.. At mula sa sahig ay sumingaw ang itim na usok at nagsitumba ang mga malapit sakanya. Inihanda na niya ang kanyang espada

Mula sa apat na metro lang ang layo lahat ng mga alagad ng palasyo nagsitumba. Nagulat ang lahat. Di nila mawari ang nangyari. Sa kadahilanang ayaw ng kasintahan ni Hwang na tumungo siya sa palasyo ay dahil maaaring ikakapahamak niya ito. Ang hawak niyang espada ay ang espadang papatay sa hari.

Mula sa himpapawid ay bumulusok ang isang palaso, di ito nailagan ni Hwang at tinamaan siya sa binti. Napaatras siya at nakarating sa balkonahe, papalapit ang mga gwardya... Napatingin siya sa ibaba ay kukha itong mataas at walang kasiguraduhan kung ano ang naghihintay sa ilalim. Dahil naisipan na lamang niya na tumalon.

Tumalon si Hwang kahit wala siyang kasiguraduhan na mabubuhay pa siya pagkatapos. Anong silbi ng kanyang mahika kung pagpatay lang naman ang kaya niyang gawin para sa iba? Napapikit siya habang nahuhulog mula sa mataas na balkonahe.

Isang buwan ang lumipas... Hindi parin humupa ang pangyayare. Balitang balita ito sa buong kaharihan na Sun Empire. Sa ngayon ay tinutugis si Hwang. Dahil ng imbistigahan ang kanyang nabagsakan, walang natagpuan roon na bakas niya.

Madaming naniniwala na patay na daw si Hwang. Imposible daw'ng mabuhay ang isang katulad niya sa pagkakabagsak. Madaming kumakalat na balita. Pinagpiyestahan na daw yung katawan ni Hwang ng mga lobo.

Mula sa malayo ay may nakita siyang maliit na liwanag. Gumagalaw ito kaya sinimulan siyang kabahan. Ngunit hindi nya inaasahan ang taong pinaggagalingan ng liwanag...

Ito ay ang pinino ng Moon Village... Si Baek Cho. Malapit na siya makarating sa paanan ng bundok kung saan naninirahan ang mga Moon. Hirap na hirap siya sa paglalakad maliban sa sugat na natamo ay may bali siya sa sakong. Pinilit niya parin maglakad

Habang nag-iingat si Hwang sa paglalakad may tangang babaeng nakabangga sa kanya dahil sa pagmamadali. Natumba si Hwang at napaibawbaw yung babae.

Sa hindi inaasahang dahilan ay ngumisi ang babae at unti unti nilapit ang muka kay Hwang. Naestatwa sya nang maramdaman ang tusok sa kanyang leeg. Pangil iyon ng babae.

"Isa kang!" alingasngas ni Hwang. "Oo isa akong Forest Demon, at isa kang pagkaen," at kakagatin na siya nito. Subalit bago yun mangyare ay may aninong lumitaw na natakpan sila. "Ughhhh." huling salita ng babae. Si baek Cho ay nasa tabi nalang niya bigla

Rhythm StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon