Caught in the Act [EDITED]

Magsimula sa umpisa
                                    

"Nilinisan ko lang ang sasakyan. Handa na ito para sa reunion natin sa Batangas." sagot ni Anton habang inaamoy ang niluluto ni Marie. Ramdam ni Marie ang biglang pag-lapit ni Anton sa kanya. Nakapulupot pa rin ang braso nito sa bewang niya na nagdadala ng kakaibang kiliti sa kanyang kalamnan. "Ang bango niyan... Mhhhmmm, parang ang sarap papakin, dilaan at kagat kagatin." agad nakuha ni Marie ang gustong ipahiwatig ni Anton. Hindi niya tinutukoy ang pagkaing niluluto ni Marie kundi si Marie mismo. Agad niyang naramdaman ang pag-gapang ng kamay ni Anton sa kahit saang parte ng katawan niya.

"Anton ano ba! Magbigay galang ka nga!" saway ni Marie, naramdaman niyang naglalakbay na ang mga kamay ni Anton sa gitna ng kanyang mga hita at tinataas na ang palda nito. Ayaw niyang makita silang nasa ganoong posisyon ng kanyang mga anak. Kung maaari sana’y wag silang gumawa ng kahit anong kabastusan sa mataong lugar lalong lalo na sa bahay nila dahil baka makita sila ng kanilang mga anak at baka gayahin nila ito.

"Di ko na mapigilan Hon! Pero huwag kang magkaila, di mo ako kayang tanggihan." ngumiti ng nakakaloko si Anton at ipinagpatuloy niya kung anong ginagawa pa niya kanina pa. Biglang naramdaman ni Marie ang mainit na hininga ni Anton sa tenga niya. Ang mainit niyang bulong na kumukuryente sa pagkababae niya.

"Mhmmm." napasinghap si Marie sa kakaibang kiliting nararamdaman niya sa bawat paghaplos ni Anton sa katawan niya. Ayaw niyang bumitaw kay Anton. Gusto niyang habangbuhay na lamang silang nakaganoon. Gusto niyang ipagpatuloy ni Anton ang kanyang ginagawa ngunit kailangan niyang magpigil dahil baka ilang sandal na lamang ay makita na sila ng mga anak niya.

"Mommy?" biglang bumitaw si Anton sa pagkakayakap kay Marie noong narinig nilang dalawa ang tinig ng kanilang isa pang anak na si Samantha sa likod nila. Napabalikwas si Marie at hinarap ang anak sa likod.

"S-samantha... K-kanina ka pa?" gulat na tanong niya rito. Bigla siyang nagising sa animo’y pantasiya niya kanina.

"Opo..." simpleng sagot ni Samantha. "Umiinom lang ako ng tubig habang pinapanood kayo." tila nabuhusan ng hiya at kaba si Marie. 7 years old lang si Samantha at nakita niya lahat ng iyon? Ano nalang sasabihin niya sa mga classmates niya? Napaisip si Marie. Ayaw na ayaw niyang mapahiya sa mga amiga niya sa eskwelahan, lalong-lalo na’t sila ang mga hinihirman ng pera ni Marie sa panggastos nila araw araw.

Napahalik na lamang si Anton sa pisngi ni Marie at nag-paalam na maliligo muna siya. Umakyat na siya patungong banyo at ipinasada ang kanyang makisig na katawan sa mainit ng tubig mula sa shower. Napabuntong hininga siya habang sinasabunan ang sarili. Ano ba tong nararamdaman niya? Ba’t ba siya natutuliro kapag may babae sa harapan niya? Ba’t ba siya nawawalan ng control kapag naaamoy niya ang halimuyak ng isang babae? May sakit ba siya?

Napailing na lamang si Anton at napagpasiyahang mag-bihis na lamang. Inihanda na niya ang kanyang mga gamit para sa reunion. Napaupo siya sa kama at nakita ang larawan ng pamilya. Naroon ang masasayang ngiti nilang dalawa ni Marie kasama ang apat nilang anak. Sana naman ay maging maayos ang lahat sa reunion. Sana sa gagawin niya ay magiging masaya na siya.

Ilang minuto pa ang nakakalipas at nabigla siya noong tabihan siya ni Ruby sa kama nilang mag-asawa. Nakangiti lamang ang anak niya sa kanya. Alam niyang may kailangan na naman ito sa kanya at gagawin nito ang lahat makuha lamang ang gusto nito.

*****

“Mommy ba’t niyo po iyon ginagawa?” tanong ni Samantha. Inosenteng inosente ang mga mata nito. Pahiyang pahiya si Marie sa kanyang ginawa kanina. Halos gusto na niyang lamunin siya ng lupa. Ano na lamang ang sasabihin ng Papa Bert niya kapag nalamang nahuli sila ng anak nilang nag-tatalik sa kusina. Halos nakikita na ni Marie ang imahe ng ama at mga kapatid niyang pinagtatawanan siya. Hindi niya lubos maisip kung ano ang gagawin niya.

"Samantha, ang mag-asawa ay nagmamahalan...” natigilan si Marie sa pag-papaliwanag, kahit papaano gusto niyang ipaliwanag ang kaligayahan at karapatan ng mga mag-asawa sa kanyang anak na kakasaksi lamang sa kanilang ginawang pag-tatalik. “Uhm, pinapakita nila ang kanilang pagmamahalan sa paraang pisikal... N-nagmamahalan k-kami ni Daddy mo kaya iyon... gusto naming paligayahin ang isa’t isa sa paraang alam naming dalawa na magugustuhan ng isa’t isa." naubusan si Marie ng pwedeng ipaliwanag sa lahat ng nasaksihan ni Samantha.

Sandaling napatingin si Marie sa kakalabas lamang na sina Anton at Ruby sa kwarto nilang dalawa. Ilang linggo na rin niyang napapansin na tila may nililihim ang dalawa. Ano kaya ito? Nagpapabili na naman ba si Ruby ng bagong damit? Ng mamahaling telepono?

Bumalik siya sa realidad ng biglang tumunog ang oven, hudyat na tapos na ang oras na inilaan niya upang maluto ang turkey. Ito na rin ang hudyat na tapos na ang oras niyang pag-papaliwanag kay Samantha kung ano ang ginagawa nila kanina at oras na upang marinig ang sasabihin ni Samantha. Tatanggapin kaya niya ang pag-papaliwanag na ginawa ni Marie? Kinabahan si Marie sa kung anong pwede niyang marinig na tugon ni Samantha.

Tumingin si Samantha sa mga mata ni Marie at ngumiti ito. Isang inosenteng ngiti.

"I know, they fuck."

=======x=======

Hoho, new story for all of you guys. This story is a mystery. First time kong gumawa ng ganito, pure tagalog ito at walang halong english. Itatry kong magsali ng deep tagalog words. First mystery story ko to kaya bear with me. :D Wag po munang mag-judge sa kabuuan ng kuwento dahil hindi ito SPG. Oo, SPG siya ngunit hindi sa Temang Sekswal kundi sa Lenggwahe at Karahasan. :D

Deadly Reunion [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon