"Love!" he kissed my forehead and smiled. "Kanina ka pa?"

I raised an eyebrow on him which gave him a nervous smile. Takot na takot kasi yan sa'kin kapag tinataasan ko na ng kilay. "Ay hindi. Nakapaglipat na nga kami ni Mary ng ibang mga gamit mo."

He pulled me closer to him and made me rest my head on his chest as he started to give me light kisses on my head. "Namiss kita love."

"Sus, namiss daw. Pero hindi mo naman ako pinapansin kanina."

"Sorry na, napasarap laro ko kanina eh."

Dumating si Mary na may dalang pitcher at isang basong tubig. "Isa lang dinala ko ate, wala pa namang naitutulong yan si kuya sa pagbubuhat eh," Mary said and stuck her tongue out on her kuya. "Bababa na muna ako ha? Tutulong lang ako kay manang magluto."

"Kita mo, pati si Mary inis sa'yo," I told him. "Hindi mo naman kasi siya tinutulungan."

He picked up one of his Ironman vinyl figures na nakadisplay sa shelf. Hindi na namin nilagay sa isang box kasi ididisplay niya rin naman ulit kaya ililipat na lang namin sila. Grabe, may maliliit na Ironman figures din siya na nandoon sa isang box, tapos itong mga vinyl figures. Tapos may isang life size siya sa loob ng kwarto. Nung unang kita ko nga doon nagulat ako. Ang creepy naman kasi.

Hindi pa kami tapos maglipat ng mga gamit niya nung narinig namin yung phone niya na tumunog. Aba itong si Ricardo, binaba agad yung Ironman figure tapos nagpunta sa kama niya saka dinampot yung phone. Akala ko may nagtext lang at saka nagreply, pagtingin ko nung lumapit ako, aba, naglalaro na naman ng Mobile Legends!

"RICHARD FAULKERSON JR KANINA KA PA HA!!!! ITITIGIL MO BA YAN O IBABATO KO TONG IRONMAN MO?!"

Ready na kong ibato yung hawak kong laruan niya kung hindi pa siya lilingon pero lumingon naman, at takot na takot na nga. Binaba niya niya yung phone niya saka unti-unting lumapit sa'kin.

"Maine, wag mong ibabato yan please," he pleaded and walked towards me. Kinuha niya yung hawak kong Ironman vinyl figure, nilapag sa kama saka ako niyakap. "Sorry na, sorry na."

"Ang kulit mo kasi eh, hindi pa tayo tapos mag-ayos dito tapos inuuna mo pa yang Mobile Legends na yan."

"Hindi na, sige na. Tatapusin na natin to."

"Akin na muna yung phone mo."

His brows furrowed. "Bakit?"

"Basta, akin na muna."

Inabot niya sa'kin yung phone niya saka siya naglipat ulit ng mga gamit niya sa kabilang kwarto. I typed in the password and immediately deleted Mobile Legend, saka ko ni-lock at binalik sa kanya.

"Anong ginawa mo?" he asked as he got back to his room. Wala na palang ililipat from his shelves since nandun na lahat sa kabilang kwarto.

"I deleted Mobile Legends on your phone," I said nonchalantly. His face dropped as he heard it and started scratching his head. "Oh, may problema ka ba?"

He shook his head and draped his arm over my shoulder. "Wala po, mahal kong reyna. Tara na, kakain na din daw ng lunch. Nakaluto na si manang."

***

Nasa poolside kami at nagpapahinga ni RJ pagkatapos naming ayusin yung kwarto niya. Pagkatapos kasi naming kumain, inayos na namin agad yung room niya. Hindi rin naman namin masyadong ginalaw yung room since we only had to move his clothes and display stuff. Nauna na kasing ayusin ni manang yung bedsheets and curtains sa room.

"Love, si Kuya Dan ba dapat talaga yung pupunta sa States?" I asked. Magkaharap kaming nakaupo sa isa sa mga pool loungers.

"Kami talaga dapat lahat," he told me and held my hand. "Kaso sabi ni dad nag-aaral pa kami nina Mary. Si Kuya naman kasi nag-drop na sa school saka nag-apply na sa isa sa mga schools doon at natanggap naman kaya sabi niya kahit siya na lang muna. Si dad hindi rin naman pumayag kasi wala daw maiiwan sa business niya dito," his dad owns a chain of restaurants kasi. "Kaya ayun, pumayag na lang siya na si kuya na lang yung pumunta doon."

"Oh..."

"Oh, why?" he asked and started caressing my cheek with his thumb. "May problema ba?"

I shook my head. Umayos ako ng upo saka sumandal sa kanya, resting my head on his chest as he wrapped his arms on my waist. "Wala naman, nagulat lang siguro ako kasi akala ko ikaw yung pupunta sa States. Parang... kinabahan ako."

"Ikaw talaga, hindi naman ako aalis kasi hindi pwede. I'm planning to finish my studies here with you kaya ayaw ko din umalis."

"Kahit ayain ka ulit ng lola mo?"

"Hindi naman magagalit si lola kung sakali," he kissed the top of my head. "Teka love, next week birthday na nina Karla and Gio," sabay kasi sila ng birthday. "May nabili ka na bang regalo?"

"Wala pa nga eh," I sighed. "Samahan mo naman ako bumili bukas."

"Sige. After class bumili tayo. Isama na natin sina Paolo at Kevin. Malamang wala pang nabibili yung mga yon."

I chuckled. "Naku, sinabihan nga din nila ako na isama sila. Hindi daw nila alam kung anong bibilhin."

Narinig naming nagtititili si Mary sa loob ng bahay nila. "Kuya! Kuya!!" she screamed while running towards the pool area. "Kuya!!"

"Ano ba yan, Mary. Bakit ba sigaw ka ng sigaw?" RJ asked. Nagtatatalon si Mary sa tapat namin habang hawak hawak yung laptop niya. "Umupo ka nga! Susmaryosep baka maibagsak mo yang laptop mo!"

"Kuya!!! Naku kuya!!!"

"Ano bang meron, Mary? Why are you so excited?"

"Ate, Kuya, congrats!!!"

Our brows furrowed as she said congratulations. "Ha? Anong sinasabi mo? Di pa kami engaged ni Meng," sabi ni RJ. Nahampas ko tuloy siya. "Aray naman, Meng!"

"Anong sinasabi mong engaged? Siraulo," I saw him wince a bit and he started caressing his arm. I turned to Mary and asked, "Ano ba yun?"

"Nakapasa kayo sa UP!!!"

"Wait, totoo ba?" I asked. Teka, hindi ako makapaniwala. "Seryoso ba, Mary?"

She nodded and showed us the list of UPCAT passers. We first saw Faulkerson, Richard Reyes Jr. tapos pagscroll down namin, nakita na namin yung name ko. Mendoza, Nicomaine Dei Capili.

"Oh my god," I exclaimed. "Oh my god!!!" I started hugging RJ sa sobrang excitement ko.

"Congratulations, my love," he whispered to my ear as he caressed my back. He pulled out and caressed my cheeks. "Sabi ko sa'yo, kaya mo eh."

I smiled at him. "Thank you for helping me, love. Thank you, sobra."

***
A/N: Filler chapter na unbeta'd hahahaha as usual. Edit ko na lang next time. Any thoughts on the story so far? Comment lang kayo. Happy reading! 😊

Your UniverseWhere stories live. Discover now