Nang makababa ako ay pinaandar ko na ang sasakyan ko.

Wala akong pake kung mabilis 'to o ano. Basta wa-la -a-kong-pa-ke

Napahampas na lang ako sa manibela ko ng madatnan ko ang traffic. Kahit kailan sa Pilipinas hindi nawawala ang traffic.

"t*ng*n* naman oh! Malalate na akooo!!!" sigaw ko habang nagbubusina ng nagbubusina

Maya maya pa ay naka-usad na rin lahat ng sasakyan.

Mga ilang minuto rin ay nakarating na ako sa school. Pagkapasok ko ng gate ay hinanap saakin ang i.d. ko kaya mabilis ko itong hinanap sa bag ko.

"Oh ayan po! I.D na lang kasi eh" sambit ko kaya pinapasok na ako ng guard.

"Pre!" sigaw ng isang lalaki. Oo may bago na akong barkada ngayon. si Raffy, Antonio, Leinard, Jann at Walter.

"Oh, bakit?" pagsalubong ko sa kanila. Pare-parehas kaming course kaya makakasama ko pa rin sila

"Sabay-sabay na tayong pumasok para kapag late tayo sabay-sabay din tayong pagagalitan" sabay tawa ni Antonio. Kung batukan ko kaya 'to?

"Bakit ba kasi kayo nandito?" tanong ko

"Naghihintayan. Ikaw lang nahuli" sagot ni Raffy

"Anong magagawa ko? Traffic sa dinaanan ko. Kasalanan ko pa ba 'yon?" sarkastiko kong tanong

"Sana nga mawala na ang traffic kasi p*tang*n* pare-pareho tayong malelate eh" inis na sabi ni Leinard

"Wala yan! May forever na sa traffic" natatawa kong depensa

"Tara na. pumasok na tayo" aya ni Jann

Naglalakad lakad lang kami dito sa hallway, nagtatawanan at nagkekwentuhan. Halos wala kaming pake sa nakakasalubong namin' profs.

Maya maya pa ay nakarating na kami sa classroom at tsaka dire-diretsong pumasok doon.

"Mr. Lim, why are you late?" tanong sakin ng prof namin ngayon

"Traffic. Anong magagawa ko dun? Papaliparin ko yung sasakyan ko? Langya, Prof nagpapatawa ka yata eh" sabay upo ko. Halos lahat ng kaklase ko sa subject na 'to ay nakatingin sa akin.

"Go to the office Mr. Lim!" utos niya sakin

"Ano? High School life lang? Naranasan ko na yan nung high school ako, warning pa lang yan. So pwede. wag na lang?" sabi ko. Rude. Rude. Rude. Rafael Josh Lim. "Prof, pwede ka na siguro mag-lecture. Siguro kung nagtuturo ka na, may mga natutunan na kami kasi wala kaming matututunan kapag pinapagalitan mo lang ako eh" dagdag ko pa. Napailing sa akin ang teacher ko dahil sa ginawa ko sa kanya. Wala akong pake. Boss niyo ako ngayon.

*kriiingg kriiinggg*

"See? Sinayang mo lang oras mo!" sabi ko sabay ngisi. Hinayaan ko lang silang magsilabasan lahat hanggang sa kami na lang nila Raffy ang matira.

Nang makalabas silang lahat maliban samin' lima ay nagka-usap usap kami.

"Grabe pare, I can't do that kind of thing" sabi ni Jann

"Tss, totoo naman kasi lahat ng sinabi ko. Nakakainis, imbis na may matutunan tayo kahit late tayo. Nagbunganga pa siya" paliwanag ko

"Oo nga naman, may point ka diyan" sabi ni Antonio

"Kumain na lang tayo. nagugutom na rin ako eh" aya ni Raffy

"Lagi ka naman gutom, Raff" natatawang sabi sa kanya ni Leinard

Sabay sabay na kaming lumabas sa classroom at sabay sabay rin kaming naglalakad palabas ng hallway.

"Paano kapag mahaba ang pila sa cafereria?" tanong ni Raffy

"Good looking guys first, kaya ako mauuna" sagot ko

"Hindi, playboys first" natatawang sabi ni Leinard kaya binatukan ko ang g*go. "Aray naman! Lahat tayo 'yon. Nakahilera" natatawa niya pang sabi

"Ewan ko sayo" sambit ko

Dire-diretso kaming pumunta sa cafeteria nang biglang may lumapit sakin.

"Hoy ano? Hindi ka talaga tutulong dito?" tanong niya

"Kita mong kakain ako, magpapatulong ka?"

"Aish! Ako nga hindi kakain, tapos ikaw kakain?"

"Nagugutom kaya ako"

"Rafael Josh Lim, next subject na 'to"

"Franchesca De Vera, alam ko"

"Alam mo pala bakit hindi mo pa ako tulungan?" tanong niya

"Tutulong na" sagot ko "Bakit ba kasi laging tayo yung pinagpapartner e, ang dami dami naman diyan" bulong ko

"Ano? May sinasabi ka?" tanong niya habang nakataas ang kilay

"Wala! Sabi ko ang galing ng partner ko lagi akong pinapa-alalahanan" sagot ko

"Bilisan mo na lang kumain para mabilis na 'to mata--" naputol ang sasabihin niya nang biglang may nakita siyang lalaki at halos himatayin na siya sa kilig "Babe, anong ginagawa mo dito?" tanong niya sa lalaking medyo namumukhaan ko

"Sasamahan ka kumain, nakarating kasi sakin na hindi ka raw kakain. Hindi pwede 'yon, babe" sabi pa nito. Eww! Babe. Kadiri! Yakk! Ang pangit ng tawagan niyo. Nakakasuka yaaak! "Ikaw ba nagsabi na hindi siya kakain?" nabaling sa akin ang tingin ng boyfriend ni Franchesca

"Hoy! Sa tingin mo ba pipila ako dito kung ako yung nag-utos sa girlfriend mo na wag kumain? Siraulo 'to!" sabi ko na naiirita na. Nakakabwisit! Makapamintang akala mo alam na buong istorya

"Sino tinatawag mong siraulo?" tanong niya

"Ikaw, tanga" sabay tawa ko para medyo maasar. Aamba na sana siya ng biglang yakapin ni Chesca ang lalaking 'yon at hinila paalis sa harap ko. "DUWAG KA G*GO!" sigaw ko habang nakakuyom ang kamao ko

"MAGHAHARAP DIN TAYO, HAYOP KA!" sigaw niya pabalik

"Angas 'non, pre ha?" sabi ni Raffy

"Babangasan ko rin mukha niyan" may halong galit kong sambit

"Teka, bakit parang galit na galit ka talaga?" tanong ni Jann

"Sinisisi ako na ako raw dahilan ng hindi pagkain ni Franchesca, hayup na yan" sagot ko

"Wala ng ibang malalim na dahilan?" paninigurado ni Leinard

"Eww, anong akala niyo sakin? Mahal ko pa si Chesca? Hindi na no!" sagot ko

"sigurado ba yan? baka naman one day makita ko kayo magkaholding hands na lang diyan" natatawang sabi ni Raffy

"Tssk, manahimik na nga lang kayong mga ugok kayo" utos ko

******

Natapos na akong kumain at nandito kami ni Chesca sa may field para gawin yung pinapagawa nanaman samin.

Madalas kami talaga ang pinag-papartner sa tuwing may gawain na gan'to, konti na nga lang at makakasapak na ako ng prof eh, ipag-partner ba naman ang mag-ex -_____-

"Okay, gan'to yan. Ito yung sagot sa number 50" sabi ko habang pinapakita sa kanya ang nagawa kong solution

"Ang haba naman!" reklamo niya

"Ayan ang alam kong gawin eh, bakit ka nagrereklamo? Edi hanapin mo yung boyfriend mo at kayo ang gumawa niyan!" inis kong sabi

"Nagseselos ka ba?" tanong niya na ikinagulat ko

"Hindi. Bakit naman ako magseselos?" tanong ko sabay ngisi ko na siya naman' tumawa ng malakas

"Hindi talaga?" sabay tawa niya ulit "Okay hahahaha" at halos takpan na niya ang bibig niya mapigilan lang ang pagtawa niya

Lumipas ang ilang minuto at natapos ko rin ang mga solutions at si Chesca ang naglagay sa mga naka-question mark pa.

"Chesca?"

"Hmm?"

"Boyfriend mo ba si Paul?" tanong ko

"Hahaha, oo" sagot niya habang nakangiti sakin "2 Months na kami" dagdag pa niya.

The Four Bad Girls and Boys 2 "LABAN O SUKO?"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon