Ma'am A... ???

14 1 2
                                    

Tuesday.

2nd day of classes.
Parang ang dami nang nangyari kahapon. Parang gusto ko nang grumadweyt.

Habang naglalakad ako patungong room 139, para sa first subject namin, eh may nakasalubong akong mga senior students. Shall i say. Kasi mukhang mga matured na at mukhang mga stressed pa ang mga mukha.

Haha peace ulit. Nagsisimula na akong mambully. Pero sa isip pa lang naman. Hahahaha.

Going back to higher level students, tumigil sila sa tapat ng room namin. Lima sila. May dala silang sobrang kapal na book. Hindi ko makita ang title. Basta makapal. Pero teka.... may mga numbers and variables... Ibig sabihin ba..... owwww.

Math majors tong grupo na to.... nasa may pinto sila ng toom 139 kaya di ako makapasok.

Wala pa namang teachers kaya naghintay ako sa labas. Naghintay na umalis sila. Ngunit teka... lima sila pero yung isa .... si Jan de Vera???
Tropa nya tong mga to???

" Dito ka pa rin pala pumasok ha!!" Sabi nun isang lalaking student na medyo bilugan ang mata at medyo payat.

"Syempre loyal to pre!!!hhhhahaha"

Hay naku! Nakita ko na naman ang ngala ngala nya sa sobrang pagkapresko nya! Ang lakas pa ng tawa. School nya to? School nya to???

"Nung major mo pre?? Math?? Hahahaha!!!!" Tanong nung isang slim din na lalaking moreno.

"Oo pre. Sisiw lang kasi ai. Para madaling pag aralan."

Isa pang hirit ng kayabangan!!! Matatangay na ko dito sa sobrang hangin!! Grr. Kainis! Pwede padaan naman o!!!!

"Naman! Kadali dali ng math! Hahahaha" dagdag ulit nung slim na moreno. May pinagmanahan pala tong Jan na to eh. Hmmp.

"Madali pala ha! Madali kung madali. Pero... hoy! Nagiging mahirap kapag si Ma'am A na ang prof!!" Sinabi nung pangatlo sa grupo. Mukhang tahimik. At Genius din. Maputi sya at malapad ang noo. (Dun siguro ako nagbase ng katalinuhan niya)

"Masyado mo namang tinatakot itong si Jan! Magbibigay lang naman yan si Ma'am A ng isang problem, pero isang yellow pad paper din ang pupunuin mo para sa solution!!! Hahahaha." Sabay sabay nag-appear-an ang apat maliban kay Jan na halatang walang pakialam sa pananakot nila..

"Oo nga pala jan.. si Ma'am A kadalasan niyan magdo-drawing ng triangle....tapos ilalagay yung length ng isang side. Tapos... ikaw na bahala maghanap ng lengths ng dalawang natitirang sides. HAHAHAHA" sobrang lakas ng tawa niya.
Yung pang apat pala nilang kasama, tango lang ng tango. Sang ayon lang ng sang ayon sa mga pinagsasabi ng mga tropa niya..

"Pre andyan na si prof. Pasok na ako. Mga walang kwenta! Tinakot pa ko sa major prof namin!! Umalis na kayo dito mga the heck!!! Hahaha" tinaboy na ni Jan yung tropa niya dahil parating na nga talaga yung professor namin sa Filipino.

Nung nagsialisan na yung apat na patuloy pa rin sa pagtawa, pumasok na rin ako ng room. Marami na ang nasa loob. May ibang late. Pero ano naman sa akin...??? Haha

Pero habang naghahanda ang aming guro sa Filipino, eh sobra akong napaisip. Ako yata yung natakot sa pinagsasabi nila sa Professor namin sa major. Hayys.

Sino kaya si Ma'am A...?

Pero mas tama sigurong itanong eh.... anong klaseng guro kaya siya????




tropang math majorsWhere stories live. Discover now