Unang Sulyap

23 1 0
                                    

What the!!!
Wala akong kakilala dito. Kainis!!
Orientation pa naman. Hhays

Nasa pavillion ang mga students ngayon. Actually, mukhang mga bagong students na masisipag lang ang naririto. Halata kasing yung iba panay ang tour sa buong school. At yung iba naman, na datihan at alumni ng school, Aba! Sila ang tour guide. Haha.
Di ba nila alam na first day of classes ngayon? Dapat alamin kung ano ang mga dapat gawin at kung ano ang mga changes this school year? Tapos ano? Makikibalita na lang sila sa orientation? Madaya! Kami nagpagod makinig, makikinabang kayo!!!? Haha joke lang!!
Makahanap na nga lang ng kakwentuhan, este kakilala pala.

By the way i am taking Bachelor of Secondary Education major in Mathematics in this university ( Bicol University of Arts and Sciences) in short.. BUAS! Mga buang kasi mga tao rito! Joke!

Speaking of tao, ang dami na ng nasa pavillion. Di mahulugang karayom sa dami ng studyante. At last!!!! May mga nakita na akong dati kong classmates nung fourth year high school.

Tumapik ako sa likod ni Joveth, na katabi lang ni Jonabel at Ringo.
Napalingon silang tatlo at mukhang nagulat. Inunahan ko na sila sa pagsasalita.

"Uy! Dito rin pala kayo magcocollege! Di q kayo nakita nung enrollment. Last week kasi ako nag-enroll"
Sabay ko habang pinipilit lakasan ang boses dahil napakaingay sa loob ng pavillion.

"O! Dito ka mag-aaral? Kala ko dun sa... anyways.. ano ang course mo" tanong ni joveth saakin.

"Ah, BSED major in Math ang course ko. Kayo?"

Isa isa silang nagsabi ng course nila. Si joveth, BSIT major in electricity parehas sila ni Ringo.
C Jonabel naman BSIT Garments naman.

Natapos ang orientation. Pumunta na kami sa kanya kanyang Department namin. Ako, sa EDUC Building syempre. Sila sa Technology Building. Magkadugtong lang ang Department namin. Katapat ng department namin eh yung library at sa tapat naman ng Department nila ay ang Engineering Department. Andun sana ako. Tss. Kaso... long story. Ibang story yun. Iba ang title... wag kayong ano. Haha.

Handa na ba talaga akong maging college student? Ano kaya ang pinagkaiba nito sa high school experience ko?
Handa na ba akong maging educ student? Kakayanin ko kaya?
O mas handa ba akong masulyapan ang bagong mga mukhang makakasalamuha ko araw araw?
Mababait ba sila katulad ko? Joke!!
Makakasundo ko kaya sila? O mapipikon lang din sila sa pambubully ko? Hayys.

Nasa second floor ang classrooms namin dahil sa baba nito eh laboratories.
9:15 na. Di ko alam kung anong gagawin ko at saang classroom ako tutuloy. Hayys. Wala talaga akong kakilala ngayon sa educ building as in.
Totally outlandish ang lahat. Nagkukumpulan ang mga magkakakilala, nagtatanungan kung saan sila. Ako?? Wala. Nasa gilid lang. Kinukuha ang certifificate of enrollment ko dahil nandoon ang schedule ng subjects ko. Habang ginagawa ko to, ipinatong ko muna ang mga gamit ko..yung folders at libro.. sa may corridor. Wala kasing table man lang o chairs sa labas ng mga classrooms.
Habang pahirapan pa rin ako sa paghanap ng COE ko sa bag kong sobrang pangbabae, (si mama pumili nito. Hindi ako ) eh may biglang kumalabit sa balikat ko.

"Hello, BSED ka rin?"

Napatingin ako sa kanya. Ang totoo tingin lang ang naibigay ko dahil sa naiinis na akong di ko mahanap ang COE ko. Kaya nagsalita sya ulit sa pag-aakalang di ko sya narinig.

"BSED rin ako. Major in English. Guato mo sabay na tayong pumasok sa room 215? Wala kasi akong kakilala dito. Kung ayoa lang. Baka kasi late na tayo."
Ha? TAYO? paano man nya nalamang BSED ako?

"Ah. Oo.major in math ako. Pano mo nga pala nalamang BSED din ako?" Tanong ko habang patuloy pa rin ako sa paghanap ng COE ko.

"Ah. Nakita ko sa COE mo jan sa transparent folder mo. Ayun oh"sabay turo nya sa baba.. sa mga gamit ko sa baba.
What the!!! Andyan lang pala ang COE na to.. kinuha ko na at tiningnan rin.
Hala!!! 9:00-10:30 Child and Adolescent Development room 143.!!!! Late na nga kami!!!

"Ui late na nga tayo. Bilisan natin halika na!"

Dali dali naming hinanap ang room 143. Sa totoo lang di na namin tinanong ang pangalan ng isat isa. Wala ng oras para jan. Hahaha.
Pagdating namin sa room... boom!! May mga late din. Hindi lang kami. Hihihihi. Pero nagsisimula ng magsalita ang professor namin. Maganda sya. Matangkad. Medyo mataray pero palangiti. Mukhang matalino din. Sya ai professor Joana C. Baldo. Ayos! Mukhang di boring ang subject na to!! Humanap na rin kami ng mauupuan.
Ngunit habang nagsasalita c ma'am, unti unti ko na ring pinagmasdan ang paligid. Ito pala ang college.
Kayo ang maglilipat lipat ng classroom at hindi ang teacher. Bahala kayo kung malate kayo o umabsent.
Unahan din sa upuan at walang sitting arrangement.
Pagkatapos ay nakita ko na rin ang mga mukha ng mga taong makakasama ko araw araw. Nasulyapan ko na rin sila sa wakas.

Ang tanging katanungan na lamang...
Sino sa kanila ang MATH MAJORS???

tropang math majorsWhere stories live. Discover now