Meet the Dyosa

21 1 3
                                    

Bago matapos ang bio sci  eh nag assign na ng reporters for the next meeting si prof.

Kainis pa!! Isa ako sa mga reporters. At alam nyo ba kung ano ang topic ko?? EXCRETION!!!

Nagsilabasan na kami nung time na for the second subject in the afternoon. Humanities sa Room142 kay Professor Ayo.

As usual unahan sa seat. Pero ang swerte ko at nakakuha ako ng mauupuan. Yung iba kasi eh naubusan kaya hayun, naghanap ng available chairs sa ibang room para hiramin.
Nakakamangha ang room 142. Sobrang daming nakapaskil at nakadisplay na artworks.
May ibang paintings, replica ng kung ano anong bagay, merong mga handicrafts..at kung ano ano pa. Dahil tuloy sa pagkamangha ko eh di ko namalayang nag-groupings na pala. May first activity agad kaming gagawin. Hindi ko alam kung anong group ko. Kaiinis! Kaya nagtanong na lang ako sa katabi ko..
"Kuya..ano pong group ko?" Haha.

Hiyang hiyang tanong ko kay kuyang nakacheckerds.. by the way, hindi sa nagpapakabata ha, kuya ang tawag ko kasi halata namang mas matanda na talaga siya sa amin. Aminado naman siya at di na nagreact sa pagtawag kung kuya.
Anyways..bakit ba ako nagpapaliwanag tungkol jan?? Eh dapat kung pagtuunan ng pansin eh kung ano ang grupo ko sa activity ngayon. Hahahaha

"Ah. Group 2 ka kasi group 1 ako. Dun daw kayo sa second row uupo."

"Ah salamat po. Sige po" hay. Kapalpakan ko kasing di ako nakinig. Nang magsabi na si Prof Ayo na magtipontipon na ang magkakagroup eh pumunta na ako sa pwesto namin.
Si prof Ayo pala eh napakamahinahon magsalita. Medyo may edad na rin gaya ni Prof Mapalad. Pero di gaya nya eh napakabait ni Prof Ayo. Halata! Sobra.

Nang lahat ng group ay settled na, hunayaan na kami ni Prof mag-usap usap kung paano gagawin yung activity.
At ako naman???? Wala akong alam sa kung anong activity ang pinapagawa. As in totally, i have no idea. At teka lang, artwork din ba itong nakikita ko sa harap ko?
Parang ngayon ko lang siya napansin. Napakaputi nya. Parang dyosa rin ang ganda nya. Punong puno ng bangles ang kanang kamay nya at nakakaattract yung malaking bulaklak na earings niya. Oo. Classmate namin siya!! At laking gulat ko na Math major din siya. Habang na-aamaze ako sa nakita ko eh may panirang kumukulit sa kanya. At dahil din sa kanya kaya nalamang kong math major si dyosa. walang iba kung hindi si Jan deVera. Panay ang tanong nya kung anong pangalan. Saan galing na school. Anong major.. at kung ano ano pa. Halata naman kasing trip niya tong dyosa na to.

Habang sinasayang namin ang oras na hindi pinag-uusapan ang activity, eh nainip na siguro yung isa naming kagroup...si MJ.

"Kumusta? Anong gagawin natin sa activity..?? Sino magdadala ng materials? Sinong gagawa??"

Expect niyo bang magsasalita ako? Ako na walang alam kung anong gagawin.. kaya ayun, tahimik lang ako. Di ako umimik. "Kayo bahala!" Yun lang din ang nasabi ng isa pa naming kagrupo. At si Jan? Natigilan silang dalawa sa pag-uusap.   Kaya napansin kong bugnut na rin si MJ. Walang kwenta ang group na to! Yun ang feeling kong nafifeel nya. Kaya nung susubukan ko sanang magsalita para tanungin na kung ano ba talaga yung activity para maayos ko din ang plano eh nagsalita na si Dyosa.. este Joan. Oo. Joan Insuya ang pangalan nya kung hindi ako nagkakamali ng pagkakarinig sa pag-uusap nila ni Jan.
Infairness bagay sila. Pero sa pagkakarinig ko rin eh may boyfriend na si Joan. Owwww. Sad life kay Jan. Wawa man. Hahahaha.
" Ako na bahala gumawa ng activity. Sasabihin ko na lang kung ilan ang contibution"
Wow ha! Wala kaming gagawin? Nice! Artistic siguro to!
At dahil doon, balik sa chismisan ang group namin. Hindi na ako nakisali sa usapan. Tahimik lang ako ulit nagmamasid sa mga paintings. Ang gaganda kasi.

Pero, sana itong isang magandang Math major na ito, hindi lang basta maganda, sana makasundo ko rin sa kabaliwan ko. Pero mukhang imposible. Pero malay natin.... di pa naman nagsisimula ang kwento. 

tropang math majorsWhere stories live. Discover now