Biological Science

16 0 0
                                    

Pagkatapos ng lunch namin nila MJ at Marjo, pumunta na kaming room 140. Dun kasi ang classroom namin sa biological science kay Professor Mapalad. Pagdating namin sa room, may mangilan-ngilan na ring classmates namin ang naroon din.
Tambay mode kami ngayon. Hinihintay na magsimula na ang biological science.
Honestly, isa sa mga ayaw kong subjects ang BIO. Ayoko kasing pinag-aaralan ang animals. Yung magda-disect. Yung hahawak ka at pag-aaralan ang mga yun..naku!!ikakamatay ko siguro yun! Mabuti na nga lang nung high school eh plants lang yung dinaysek namin kung hindi baka bagsak ako sa isang grading period sa Biology class namin.

Mukhang kompleto na ang BSED nang dumating si Professor Mapalad. Matanda na, maitim, may nunal sa ilong, panglalaki ang gupit, may mga borloloy sa katawan at ang nakaagaw ng pansin sa akin ay ang medyas nyang itim.

Sabaysabay kaming bumati ng "Good Afternoon Ma'am".. tanging tango lang ang ibinigay sa amin ni prof. Mapalad. Mukha yatang masungit. Nasa may unahan na sya. Nagmasid sa amin at sinabing ipakilala namin ang sarili namin sa unahan.. whaaaat??? Introduction of myself??? Hayyys...

Para akong lalagnatin nito.. dumagdag pa sa kaba ko eh yung mga classmates kong nagSpeech na mag-iintroduce lang ng sarili nila..

Nakakathreaten yung iba. Mukhang ang tatalino. Lalo na ang isang ito. Ang kapal ng lens ng eyeglasses nya. Halatang genius.

"Hi everyone! I am Karina Barra. Physics major from...blah blah blah"..

Wow ha.. physics major!! Lupet!!

Ito din isa pa to.. Halatang galing sa pamilya ng mga politicians.. ewan ko ba kung bakit ko nasabi. Feel ko lang. Hmmm. Siguro sa boses?? The way he speaks.. basta.

"Good afternoon each and everyone.... i am Bryan King Fajardo Quinto, from blah blah blah" ang daming sinasabi.. tsk. Kabado na tuloy ako.. baka ako na ang sunod. Random kasi.. tinuturo lang ni prof ang sunod. Tsk.tsk. tsk.

Halos lima na ang nagpakilala ng biglang may dumating na......hayys!! Ang yabang nya maglakad. Late na nga nakataas noo pang pumasok. Agaw atensyon tong mokong na to!! Grrrr. Sobrang presko! Di ko gusto isang to! Promise! Napakayabang ng awra nya! Nakakasira ng araw. Kanina pa tong umaga ng mapansin ko ang lakad nya. Di ko na pinagtuunan ng pansin dahil nakakaalibadbad. By the way, sya yung tinarayan ni "he na she" sa computer lab. Kainis talaga patawa tawa pa habang papunta sa seat nya! Grrr!

"Mr. Jan de Vera! Why are you late??" Tanong ni prof habang pakamotkamot sya ng ulo nya habang nakasmirk.

"Sorry Ma'am!" Sabi nya habang nakatawang papaupo na sa seat nya.

Napailing na lang si prof.. hayys. I feel you prof!!!

Wait for a minute...tama ba ako? Ang sunod na magpapakilala ay si "he na she"???

Oo nga.. am right!!!

Kaabang-abang to!!

Nang tinuro sya ni prof Mapalad eh walang hiya hiyang tumayo with all confidence. Halos lahat ng confidence sa loob ng classroom eh kinuha nya na ata. Haha. Joke. Peace tayo ha.. lahat nakatingin na sa kanya.....

"Hi everyone. Good afternoon. Before i introduce my self, let me share some thoughts to ponder.. blah blah blah... I am Justin Sorsogon saying 'Dont wish to become a fish if you do not know how to swim!!'"

Wow ha!!!! He nailed it!! Kabog lahat ng quotations ng mga naunang nagpakilala.
Now i know his name.. by the way English major siya. Great news!!hihi. Mukhang matalino.

Pero nakakagulat din tong isang to..
Sobrang confident sya sa pagiintroduce ng sarili nya. And alam nyo bang may dala syang napakahabang quotation?? Sobrang haba as in! Quotation nga ba yun o speech ni Luther. Haha. Peace. Pero mas nagulat ako dahil.....MATH MAJOR SIYA! Her name was Maria Ñorin. Matangkad sya. Slim din. Morena. At mukhang mataray nga lang.

Pero sa totoo lang di naman talaga ako nakikinig ng pagpapakilala ng mga classmates ko. Makikilala ko rin sila. Nakakapukaw lang ngayon ng atensyon ko eh ang mga pandigmang quotations na binibida nila sa pagpapakilala. Pero may mga iba rin na pangalan lang ang nabanggit, uupo na.

At eto pala nga ang medyo harsh na nangyari.. c Marjo at yung isa na math major din pala na si Florinda, napag initan ang maiksing palda.

"Ms. Florinda Tesoro and Ms. Marjo Encalledo, nakulangan ba ng tela ang mga suot nyo?! Next time huwag magtipid sa tela ha! Never wear that kind of dress in my class"

Savage!! Ang talas ng dila ni Professor Mapalad.

And this is also mean! Yung isang classmate din naming akala ko talaga ay babae eh napansin ni prof na Lalaking may mahabang buhok at naka make up. Hindi lang pala dila ang matalas kay prof. Pati mata at pakiramdam.

"Mr. Boy in white, pagupitan mo yang buhok mo at alisin yang make up mo. Dalawang klase lang ang istudyante ko rito! BABAE at LALAKI!"
Sobrang nilagyan ni prof ng emphasis ang mga sinabi nya. Totoo nga ang balibalitang terror ang teacher sa bio sci....tsk tsk tsk.

Marami na rin akong natandaang pangalan. Pero ang napansin ko, masyadong tipid magsalita ang mga math majors. Si maria...si florinda..si ate lora..at eto ang worst!! Si Jan de Vera, Math major din!! Hayys..

I only introduce myself by saying my name and ended it by saying"Glad to meet you guys. "

😉

tropang math majorsWhere stories live. Discover now