"Alex, stop," Ariella whispered while panting. Hinawakan niya ako ng mahigpit sa balikat saka buong lakas na inilayo ako mula sa kanya. Pero nakayakap pa rin ako sa bewang niya.

Napatingin ako sa leeg niya kung saan ko siya huling nahalikan. At hindi ko napigilang mapangiti nang makita ko'ng nagmarka ang halik ko doon. She's mine.

"Mali ito. Umalis ka na," bulong niya habang pilit na umaalis sa yakap ko.

"Then why does it feels so right?" tanong ko naman.

"Alex, tama na."

"Hindi ako titigil hangga't hindi mo ako pinapakinggan."

"At paano ka nakasisiguradong paniniwalaan kita?"

Nginitian ko naman siya saka dinampian siya ng halik sa labi. "You didn't have to. Just listen."

---------------

Ariella's POV:

Nahilot ko ang batok ko pagkatapos ang mahaba-habang pakikipagpambuno ko kay lesson plan. Nang mapatingin ako sa alarm clock ko ay nakita ko'ng alas-dose y media na pala ng madaling araw. Kaya pala ang sakit na ng mata ko. Mabuti na lang at weekend na bukas kaya puwede akong gumising ng tanghali.

Bumaba muna ako sa kusina para sana uminom ng tubig nang makarinig ako ng mahinang paghilik mula sa sala. Nang sumilip ako sa sofa ay napapalatak ako. Nandoon na naman kasi si Alex at mahimbing na natutulog.

Ito na ang pang-apat na beses na dito siya sa bahay natulog dahil ayaw daw niyang umuwi sa bahay niya. Nandoon daw kasi ang babaeng laging nakabuntot sa kanya at naiinis na daw siya sa presensya ng babae. Ayos na rin naman kami kasi naipaliwanag na niya sa akin ang mga nakita ko. Dumagdag pa si Clover na kapatid pala ng kaibigan ni Alex na si Crimson, na siya ding tumulong sa akin noong na-flat-an ang sasakyan ko habang pauwi na ako. Matagal na daw nilang kilala si Rica dahil best friend pala siya ng nakababatang kapatid na babae ni Alex. Sadya daw na malandi ang babae lalo na kay Alex kaya wala na silang nagawa dahil kung ano ang gusto nito, iyon ang masusunod.

Napabuntong-hininga ako nang maalala ko si Danica. Ganoon din kasi siya kay Jemimah noon. Ang kaibahan lang, nasa tamang pag-iisip si Rica. Alam niya kung ano ang ginagawa niya at alam niya kung kailan siya titigil. Sadyang makulit at malandi lang siya pero sobrang malambing naman. Si Alex lang naman itong walang pasensya sa dalagita at lagi pa niyang pinagsusungitan. Kaya nandito siya sa pamamahay ko para iwasan 'yong tao samantalang wala naman ako'ng nakikitang mali. Okay, meron. Sobrang kulit at ingay niya kaya kahit ako ay hindi rin makatiis. Kaya hindi na ako nagulat kung dito man sa akin pumunta si Alex imbes na doon sa mga kaibigan niya.

Kung tutuusin ay hindi siya dapat nandito. Hindi tama na magpalipas siya dito sa pamamahay ko kasi, una sa lahat, estudyante ko siya. Hindi ko alam kung saan niya namana ang katigasan ng ulo niya at talagang ipinipilit niya ang gusto niya. Usapan na nga sa buong San Luis ang pananatili niya sa bahay ko. Akala ko nga mawawalan na ako ng trabaho nang ipatawag ako ni Father Manuel sa opisina niya. Mabuti na lang at nadaan siya sa paliwanag na walang namamagitan sa amin ni Alex. Naisalba ko pa ang trabaho ko.

Napahaplos ako sa labi ko nang maalala ko ang halik na 'yon. Aminin ko man kasi o hindi ay talagang nagustuhan ko iyon. Hindi ko alam kung ano ang meron sa halik ni Alex at mabilis ako'ng nadadala. Hindi dapat ako tumugon. Pero ang katawan ko naman ang nanaig kaya wala na din ako'ng nagawa.Pati ang sarili ko'ng katawan pinagkanulo na ako.

"Bakit ba kasi ang kulit at nuknukan ng katigasan ang ulo mo?" bulong ko saka umiling-iling.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa babaeng ito, sa totoo lang.

Way Back Into Love (GirlxGirl) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon