Chapter 13

10 0 0
                                    

Nung hapon ding yun, pauwi na si Joyce pagkatapos nyang dumaan sa isang teacher nya after class. Pagod siya that day kasi andami nilang ginawa sa school.

Lumiko siya palabas ng gate ng biglang may coke float siyang nakita sa harap nya hawak ng isang taong pagkakita nya ay si Kris pala.

"Eto na," ngiti ni Kris sa kanya.

Bumilis na naman ang tibok ng puso ni Joyce syempre pero di siya nagpahalata.

"Ha?" tanong nito dahil hindi niya maintindihan bakit siya binibigyan ni Kria ng coke float.

"I promised you a soda, di ba? Nung na-jinx tayo sa mall," paalala nito kay Joyce.

"Ha?" tanong muli nya bago nya naalala yung sabi ni Kris.

"Ah oo nga. Pero tinotoo mo talaga ha?" natatawang sabi ni Joyce.

Alam kasi niya usually pag ganun, di naman talaga ginagawa.

"Bakit? Akala mo di ko gagawin?" tanong ni Kris pero ngumiti lang si Joyce.

"Pauwi ka na?" tanongni Kris pero bago pa makasagot si Joyce,  may tumawag sa kanya.

Lumingon sila at nakita nila si Pau na tumatakbo palapit sa kanila.

"Joyce..." hinihingal na sabi nito.

"Pinapabalik ka ni Ma'am Torres kasi may ibibilin daw sa'yo," sabi niya.

Nagpaalam si Joyce kay Kris at Pau. Sabay na silang palabas ng school at napag-usapan nilang magmeryenda muna pero may tumawag sa phone ni Pau.

"O, Joyce?" sagot niya.

"Babalik daw dyan?" sagot nya sa phone.

"Sige, andito pa lang naman kami sa malapit eh. Andyan na'ko," sabi nya bago niya ibaba ang tawag sa cp.

"Par, pinababalik ako ni ma'am Torres, eh. Pa'no yan?" tanong niya kay Kris.

"Balikan mo na lang ako dito. Nakaorder ka na rin naman eh," sagot ni Kris.

"Ha? Eh baka di na ko makabalik. Mukhang may ipapagawa siyang matatagalan ako, eh," sabi niya at mukhang nag-aalinlangan talaga sa pagbalik niya pero iba pala ang nasa isip niya kung bakit di siya makakabalik.

"Ah ganun ba?" sabi ni Kris.

"Sige, ipatake out na lang natin yung mga order tapos sasamahan na lang kita sa school," alok ni Kris.

"Ha?" nagulat si Pau sa sinabi niya.

"Eh par, hindi na. Kaya ko na yun. Ano ka ba? Alam kong marami ka pang gagawin pag-uwi sa inyo kaya mauna ka na, okay? Magkita na lang tayo bukas sa school," sabi ni Pau.

"Eh pa'no yung order mo?" tanong ni Kris.

"Iuwi mo na rin para makain mo," sabi ni Pau.

"Pero may order na ako," sabi ni Kris.

"Ah eh di kainin mo pa rin. Pancit lang naman yun eh kung magutom ka mamaya kainin mo sa inyo o ibigay mo sa tita mo, sabihin mo galing sa'ken para kapag dumalaw ako ulit sa inyo, di na masyadong masungit sa'kin," pang-aasar pa ni Pau habang tumatayo na upang makaalis.

"Basta par, pasensya na. Bukas na lang," tuloy ni Pau ng sinasabi niya.

Nagsecret hand shake sila bago tuluyang umalis si Pau.

Nag-iisa muli si Kris at naramdaman ang pag-iisa. Naalala niyang tumawag si Joyce kay Pau. Naisip tuloy niya kung sa gabi kaya magkatext o nagtatawagan silang dalawa samantalang siya hindi pa niya nakukuha ang number ni Joyce. Namuo muli ang selos sa dibdib niya at nagsuspentsa siyang baka gusto ni Joyce na samahan siya ni Pau kaya sinuggest niya kay ma'am Torres na si Pau ang pabalikin at hindi siya.

"Eto na yung take out, kuya," sabi ng anak ng may-ari ng tindahan na tumutulong ngayon dun.

Tumayo si Kris at naglakad na pauwi ng makita niya si Pau at Joyce na pauwi na. Pareho silang nakangiti at mukhang ihahatid ni Pau si Joyce pauwi sa kanila. May kung anong galit siyang naramdaman at parang gusto niya silang komprontahin pero pinigilan niya ang sarili. Tumalikod siya upang patuloy na maglakad at pinilit niyang bigyan ng tamang rason kung bakit magkasama ang dalawa pauwi para di niya mamisunderstamd si Pau na best friend nya at unang babaeng nagustuhan nya ng husto kahit pa lingid sa kanyang kaalaman noong si Joyce.

First time I FallWhere stories live. Discover now