Chapter 8: Pamimilit

66 0 0
                                    

Natapos ang maghapon at hindi na muling nagpansinan si Kris at Joyce kaya na-pressure si Paulo at izzy sa kinikilos ng mga kaibigan nila.

Kapag sinusubukan nilang tanungin kung ano'ng nangyari sa kanila, ang pareho nilang sagot ay "ewan ko" o kung hindi naman ay "bahala siya". Kaya naisipan na lang ni Pau at Izzy na hayaan na muna ang isyung 'yun tutal silang apat lang naman ang nakakaalam.

Isang buong linggo na ang lumipas at naging busy ang mga mga estudyante sa paghahanda sa LNW. Hindi na muling nagpansinan si Kris at Joyce. Naging busy sila sa kani-kanilang assignments for the upcoming program.

Natanggap si Joyce sa drama club at dance troupe ng school nila. Sa props siya nai-assign sa drama club at nakasama sa pagpractice ng dance troupe kung saan pati si Izzy ay kasama rin. Pati ang art club na hindi naman balak salihan ni Joyce ay sinalihan niya dahil na rin sa pamimilit ni Paulo.

2nd week ni Joyce sa school and it was Wednesday nung naisipang i-open ulit ni Pau ang isyu ni Joyce at Kris.

"Alam mo, Joyce. Hindi naman sa ano..." simula niya.

Tumingin si Joyce sa kanya. 

"Ano?" tanong ni Joyce sa kanya.

"Pero kasi, hindi naman talaga usually ganun si Kris, eh. I mean mabait at gentleman siya. Wala siyang pretensions. It was the first time I saw him like that and..." biglang natigilan si Pau at naubusan ng sasabihin.

Napabuntong-hininga si Joyce. Alam na niyang hindi sila kailanman magkakasundo ni Kris. Pagod na siya sa pag-iisp tungkol dun mula pa nang nagdaang linggo.

"Pau, gusto mo bang ako ang magsorry sa kanya? Siya itong ma-pride eh," sagot ni Joyce kay Pau.

"Hindi ko talaga maintindihan kung bakit mo nasabing ma-pride at mayabang siya. 'Pag naman nagtatanong kami ni Izzy, ayaw mong mag-explain,"

"Bakit hindi si Kris ang tanungin ninyo?" depensa ni Joyce.

"Hindi rin naman siya nag-eexplain. nagtanong na ako sa kanya," sabi naman ni Pau.

"Hindi siya nag-eexplain kasi guilty siya at alam niyang siya ang may mali," sagot muli ni Joyce.

"Bakit kasi 'di kayo mag-usap, eh. Para maayos na ito. Alam kong nababagabag si Kris dahil hindi mo siya pinapansin," sabi ni Pau.

"Eh 'di mabuti para naman malaman niya ang pakiramdam kapag hindi niya pinapansin ang mga nagkakagusto sa kanya, 'di ba?" sagot ni Joyce.

"Ewan ko, parang may iba eh..." bulong ni Pau sa sarili.

"May sinasabi ka ba?" tanong ni Joyce.

"Hay," huminga na lang ng malalim si Pau.

"Alam mo, Pau. Hindi maaayos yun kahit mag-usap pa kami kasi hindi ata talaga kami magkasundo. Hindi magka-vibes," sabing muli ni Joyce.

Tahimik lang si Pau at halatang nag-iisip pa rin ng kung anong pwede nyang gawin para maayos sila. Hindi siya sanay na makita si Kris na nababagabag dahil sa babae. Ngayon lang niya nakitang ganun ang best friend at nasisiguro niyang nais talaga ni Kris maging kaibigan din si Joyce gaya niya.

"Tama na nga ang isyung iyan. tapos naman na akong maglinis, uwi na tayo," sabi ni Joyce habang ibinalik nila kasama pa ng ibang klasmeyts nila ang mga panlinis na ginamit nila dahil sila ang cleaners for the day sa klasrum nila bago uwian.

First time I FallWhere stories live. Discover now